Skip to main content

Kupkupin ang inyong sarili sa pananalapi mula sa

Unang na-post ang blog na ito noong March 13, 2020 at na-update noong April 3, 2020 upang ipakita ang bagong information.

Maaaring kayong magsagawa ng mga hakbang upang tulungang kupkupin ang inyong sarili o isang minamahal mula sa epekto sa pampananalapi ng coronavirus.

Para sa mga pinakakasalukuyang update dalawin ang CFPB’s Coronavirus landing page [unang makikita sa webpage].

Mga gagawing hakbang kung nahihirapan kayong bayaran ang inyong mga singil o sapatin ang ibang pananagutan pampananalapi

Kung nahihirapan kayong magbayad ng inyong mga singil, o utang, o magbayad sa tamang panahon, maaaring may ilang pagpipilian upang tulungan kayo, lalo na kung makitungo kayo nang maaga sa inyong tagapagpahiram o tagapagpautang.

Makiugnay sa inyong mga tagapagpahiram, mga tagapaglingkod ng utang, at ibang tagapagpautang.

Kung hindi ninyo kayang bayaran ang inyong mga singil sa tamang panahon, siyasatin ang kanilang mga website, upang makita kung mayroon silang information na makakatulong sa inyo.

Hinihimok ng CFPB at ibang mga tagapangasiwa pampananalapi ang mga surian pampananalapi na makipagtulungan sa kanilang mga customer upang sapatin ang mga pangangailangan ng kanilang komunidad.

Kung hindi kayang magbayad ngayon, nangangailangan ng higit pang panahon, o gustong pag-usapan ang mga pagpipilian pampagbayad, makiugnay sa inyong mga tagapagpahiram at taga-service upang ipabatid sa kanila ang inyong kalagayan. Maaaring may pangmatagalang epekto sa inyong credit [kakayahang umutang] ang nahuhuli sa pagbayad,

Maaaring makapagbigay sa inyo ang mga negosyo at tagapagpahiram ng credit card ng ilang pagpipilian upang tulungan kayo. Maaaring kabilang dito ang pagpauubaya ng mga tanging singil gaya ng ATM, mga overdraft [paggastos ng lampas sa balance], at panghuling bayad, gayon ding hayaang iatraso, ibagay, o kaligtaan ang ilang pagbayad.

Kapag nakikiugnay sa inyong mga tagapagpahiram, maghandang ipaliwanag ang:

  • Inyong kalagayan pampananalapi at pangtrabaho
  • Magkano ang inyong kayang bayaran
  • Kailan malamang na inyong makakaya na muling simulan ang karaniwang pagbabayad.
  • Maghandang pag-usapan ang inyong kita, gastos at mga pag-aari

Makipagtulungan sa mga tagapayo pampamamahay at pampag-utang upang maintindihan ang inyong mga pagpipilian

Nagpapayo ang mga sanay na professional na ito para sa mababa o walang gastos, at makikipagtulungan sa inyo upang pag-usapan ang inyong kalagayan, tasahin ang mga pagpipilian, at tutulungan pa kayong makiayos sa mga tagapagpahiram at taga-service.

  • HUD-Approved Housing Counselors. May (HUD)-approved na mga tagapayo pampamamahay ang U.S. Department of Housing and Urban Development na maaaring pag-usapan sa inyo ang mga pagpipilian kung nahihirapan kayo sa pagbayad ng inyong utang na mortgage o utang na reverse mortgage. Maaari ding kasama dito ang forbearance [pabayaan ang bayad] o binagong paraan ng pagbayad.
  • Mga Tagapayo sa Credit. Sa pangkalahatan, samahang non-profit [hindi pinakakikitahan] ang mga marangal na samahang pampagpayo sa credit na maaaring magpayo sa inyo tungkol sa inyong pera at mga utang, at tutulungan kayo ng mag-budget. Maaaring tulungan kayo ng ilan nito na makiayos sa mga tagapagpautang. May mga tanging tanong upang tulungan kayong makahanap ng samahang pampagpayo sa credit na makipagtulungan sa inyo.

Babala: Kung iniisip niyong makipagtulungan sa negosyong pampag-aayos ng utang upang tukuyin ang inyong mga utang, magduda sa anumang negosyo na nangangako na gagawin iyon para sa nauunang bayad.

Nahihirapang magbayad ng inyong mortgage?

Kung hindi ninyo kayang magbayad ng inyong mortgage, o kaya lang ninyong magbayad ng bahagya, makiugnay sa inyong taga-service ng mortgage.

Maaaring matagalan bago kayo maka-ugnay sa inyong taga-service na utang sa phone. Nakakaranas ang mga taga-service ng utang ng maraming tawag at maaari ding may-epekto ang pandemic.

Dalawin ang blog namin tungkol sa mga pagpipilian pangkaluwagan pang-mortgage para sa masusing pagtalakay upang tulungan kayong maintindihan ang inyong pagpipiliang pang-forebearance at nang maiwasan ang pagremata dahil sa coronavirus at ang kamakailang naisabatas na Batas na Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security (CARES).

Kung umuupa kayo sa may-ari na may mortgage na inaalalayan ng federal, nag-aatas ang Batas na CARES ng pagbitin o pagliban ng mga pagpapaalis. Basahin ang higit pa sa aming bahagi pang-umuupa ng blog pangkaluwagan sa mortgage.

Nahihirapang bayaran ang inyong mga utang pampag-aaral?

Kung mayroon kayong mga utang pampag-aaral, may mga pagpipilian kayo.

Kung hawak ng federal na pamahalaan ang inyong utang, pinaliban ang inyong mga pagbayad sa utang na walang tubò hanggang September 30, 2020.

Para sa mga ibang uri ng utang pampag-aaral (gaya ng federal na utang pampag-aaral na hawak ng tagapagpahiram na nangangalakal o ng pasurian kung saan kayo pumapasok, o private na utang pampag-aaral na hawak ng bank, credit union, paaralan, o ibang private na entity), makiugnay sa inyong taga-service ng utang pampag-aaral upang malaman ang higit pa ukol sa inyong mga pagpipilian.

Nahihirapang magbayad ng inyong mga credit card?

Kung hindi ninyo kayang magbayad ng inyong mga credit card, kausapin ang inyong nagnenegosyo ng credit card at ipabatid sa kanila na hindi ninyo kayang magbayad. Maaaring makatanggap kayo ng kaluwagan.

Baka sakaling gusto din ninyong makipagtulungan sa inyong credit counselor. Sa pangkalahatan, ang mga samahang non-profit [hindi pinagkakikitahan] ang mga marangal na samahan pampagpayo sa credit na maaaring magpayo sa inyo tungkol sa inyong pera at mga utang, at tutulungan kayong mag-budget. Maaaring tulungan kayo ng ilan nito na makiayos sa mga tagapagpautang. May mga tanging tanong upang tulungan kayong makahanap ng samahan pampagpayo sa credit na makipagtulungan sa inyo.

Nahihirapang bayaran ang inyong utang sa kotse?

Maaaring may mga pagpipilian ang inyong tagapagpahiram na makakatulong. Ang aming mga tip ay kabilang ang pagbago ng inyong petsa ng pagbayad, paghiling ng plano sa pagbayad, at paghiling ng pagliban ng pagbayad.

Papaano makipagtulungan sa inyong bank o credit union

Dahil namamalagi sa tahanan ang marami sa atin upang bawasan ang pagkalat ng coronavirus, pinapayagan ng online banking na inyong pangasiwaan ang inyong pananalapi mula sa ginhawa ng inyong tahanan. Heto ang ilang mga tip para sa mga taong baguhan sa online o mobile banking.

Sa pangakalatan, naka-insure sa Federal Deposit Insurance Corporation ang lahat ng mga deposit hanggang $250,000. Naka-insure din sa National Credit Union Share Insurance Fund  (NCUSIF) ang mga deposit sa lahat ng federal na credit union at ng napakaraming credit union na state-chartered [pinahintulutan ng state], hanggang $250,000. Heto ang higit pa mula sa FDIC Chairman na si Jelena McWilliams.

Papaano makipagtulungan sa inyong mga tagasingil ng utang

Kung mayroon kayo, sa kasalukuyan, ng utang na sinisingil, maaari kayong makipagtulungan sa tagasingil upang kilalanin ang makakayang plano sa pagbabayad.

Nag-aalay ang Bureau ng ilang mga mapagkukunan para sa pakikipag-ugnay at pakikipag-ayos sa mga company sa paniningil ng utang, lalo na habang ating tinatrato ang tindi ng coronavirus,

Papaanong maging maagap sa inyong mga credit report

Kung nakikitulong kayo sa mga tagapagpahiram at ibang tagapagpautang tungkol sa mga paraan pangtulong sa pagbayad o forbearance, karaniwang sisiyasatin ang inyong mga ulat ng credit upang tiyakin na tama ang mga ulat at hindi na ulat nang hindi dapat ang anumang pagkaatrasado. Mayroong mahalagang papel ang inyong mga ulat at grado ng credit sa mga pagkakataon pampananalapi sa hinaharap.

Mayroon kaming higit pang information tungkol sa kung papaanong kupkupin ang inyong credit mula sa epekto ng pandemic ng coronavirus, kabilang ang mga bagong information tungkol sa CARES Act.

Ano ang gagawin kung mawalan ng kita

Nag-iiba ang mga state at local na pamahalaan sa mga paraan at inaalay upang tulungan ang mga naapektuhan ang pampananalapi ng coronavirus.

Maaari ninyong tingnan ang inyong mga patakaran ng state sa unemployment [pagkawala ng trabaho] upang kilalanin ang mga kasalukuyang pagpipilian para sa mga benefit. Ang kamakailang naisabatas na CARES Act ay nagpapayag sa mga state na iabot ang mga benefit sa mga self-employed [sariling negosyo] at mga gig worker [malayang nakiki-contract] , at magkaloob ng dagdag na $600 bawat linggo gayon din ng karagdagang 13 na linggo ng mga benefit. Maaaring mayroon ding information ang inyong state's public health office .

Maaaring may ibang uring epekto ang coronavirus sa mga matatanda kaysa sa pangkalahatang madla. Maaaring may mga benefit mula sa pamahalaan na maaabot ng matatanda na nangangailan ng tulong pampananalapi. Dalawin ang benefitscheckup.org  para sa higit pang information at upang makita kung karapat-dapat para sa anumang state o local na pagtulong.

Maging nakakabatid sa mga maaaring maging pagtatangka ng scam

Naghahanap ang mga nagi-scam ng mga pagkakataon na pakinabangan ang mga mahina, lalo na sa mga panahon ng mga emergency o likas na sakuna. Maging maingat sa mga email, text, mga nakapaskil sa social media na maaaring nagtitinda ng mga huwad na kalakal o information tungkol sa mga lumitaw na mga case ng coronavirus.

Mag-click dito para sa higit pang information tungkol sa mga scam na tangi sa coronavirus.

Mayroon ang Federal Trade Commission ng mga tip upang kupkupin kayo mula sa mga maaaring mangyaring scam ng kaugnay sa coronavirus . At saka ang FTC at Food and Drug Administration ay nagbabala sa mga consumer na mag-ingat sa mga nagtitinda ng mga hindi napahintulutan at may maling tatak sa mga kalakal .

Alamin ang higit pa ukol sa kung papaanong pigilin, kilalanin, at iulat ang huwad at mga scam.

Pagkupkop sa mga Matatanda

Madalas na asintahin ng mga scammer ang mga matatanda dahil mayroon silang mas maraming ari-arian o karaniwang kinikita sa kaayusan ng mga benefit na pang-retirement o mga pag-iipon at dahil mas magalang at nagtitiwala kaysa sa ibang grupo ng edad. Dahil mas nasa panganib ang mga matatanda sa malubhang kasakitan, maaaring nakahiwalay sila.

Suliranin na nga ang nakahiwalay sa lipunan para sa mga matatanda at maaaring mauwi sa maraming usapin, kabilang ang maaaring mas mabait at nagtitiwala sila dahil sa pangangailangan na makiugnay sa iba. Maaring lalaganap ang usaping ito na bunga ng mga kaparaanan sa pagpigil sa virus gaya ng social distancing at mga quarantine. Makakatulong ang mga pagtawag sa phone at pakipag-usap sa video sa mga matatanda at kanilang mga pamilya na mag-ugnay, sa panahon na ito na hinihimok ng mga may-tungkulin sa kalusugan na takdaan ng pag-uugnay.

Ang mga matatanda, gayon din ang mga kasapi sa kanilang pamilya ay dapat nakakabatid ng mga karaniwang uri ng mga scam, gayon din kung papaano pigilin at iulat ang mga ito. Makakatulong ang aming patnubay ng Katalinuhan sa Pera para sa mga Matatanda.

Nangangailangan ng higit pang tulong o may reklamo?

Kung mayroon kayong problema sa isang kalakal o service pampananalapi, subukan na makiugnay muna sa nagnenegosyo. Sa karaniwan, sinasagot ng mga nagnenegosyo ang mga tanong na tangi sa inyong kalagayan at mas tangi sa mga kalakal at service na kanilang inaalay. Matutulungan din namin kayo na makipag-ugnay sa nagnenegosyo kung mayroon kayong reklamo.

Tinutulungan namin ang mga consumer na makipag-ugnay sa mga nagnenegosyo pampananalapi upang maintindihan ang mga usapin, ayusin ang mga kamalian, at makatanggap ng tuwirang pagsagot ukol sa mga suliranin. Kapag nagharap kayo ng reklamo, makikipagtulungan kami upang makatanggap kayo ng kasagutan—sumasagot ang pinakamaraming nagnenegosyo sa mga reklamo sa loob ng 15 na araw.

Maari ninyong iharap ang inyong reklamo sa online. Maaaring makiugnay sa inyo ang nagnenegosyo nang tuwiran upang tiyakin ang information na ipinagkaloob sa inyong reklamo bago sila sumagot. Sa ilang kalagayan, ipababatid sa inyo ng nagnenegosyo na pinalalakad ang kanilang sagot at magkakaloob ng panghuling sagot sa loob ng 60 na araw.

Pabatid ng editor: Unang nai-post ang blog na ito noong March 13, 2020 at na-update upang ipakita ang bagong information.

Join the conversation. Follow CFPB on X (formerly Twitter) and Facebook .