Ang kahalagahan ng patas at pantay na pag-access sa kredito para sa mga minorya at negosyo na pag-aari ng kababaihan
- English
- Español
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
Ang mga maliliit na negosyo, kabilang ang mga minorya at mga negosyo na pag-aari ng kababaihan, ay ang pundasyon ng ekonomiya ng Amerika at partikular na tinamaan sa panahon ng pandemya ng COVID-19.
Ang Kongreso ay nagpasa at binago ang Coronavirus Aid, Relief, at Economic Security (CARES) Act upang mabawasan ang epekto ng pandemya. Kasama sa CARES Act ang Paycheck Protection Program (PPP) ng Pangangasiwa ng Maliliit na Negosyo, na nagbibigay ng mga pagpipilian sa pautang at tulong sa utang sa mga maliliit na negosyo. Pinapayagan din ng pondo ang mga maliliit na negosyo na bayaran ang kanilang mga empleyado at matugunan ang iba pang mga panandaliang gastos kasama ang interes sa mortgage, upa at mga gastos sa utility. Sa pagbabago ng CARES Act, iginawad ng Kongreso ang karagdagang pondo na $321 bilyon sa PPP, na may hindi bababa sa $60 bilyon ng subsidyo ng PPP upang masiguro ang mga pautang na ginawa ng mas maliit na mga institusyon ng deposito, mga unyon ng kredito, at mga institusyong pinansyal ng komunidad. Ang Bureau ay nakikipag-tulungan sa Pangangasiwa ng Maliliit na Negosyo (SBA) upang isulong ang pag-access sa kredito para sa minorya, pag-aari ng kababaihan, at maliliit na negosyo. Matuto nang higit pa tungkol sa tugon ng COVID-19 sa resources sa Pangangasiwa ng Maliliit na Negosyo .
Habang ang mga maliliit na may-ari ng negosyo at nagpapahiram ay nagtutulungan upang ma-access ang mga opsyon sa CARES Act o iba pang mga programa ng pautang, mga batas na kontra sa diskriminasyon, tulad ng federal Equal Credit Opportunity Act, nagpo-protekta sa mga may-ari ng negosyo mula sa diskriminasyon dahil sa lahi, kulay, pambansang pinagmulan, kasarian, at iba pang mga protektadong katangian. Ang mga proteksyon na ito ay nalalapat sa bago at umiiral na mga kostumer (kabilang ang mga customer ng depository) na naghahanap ng mga pautang sa mga institusyong pampinansyal. Ang Bureau ay may mga resource na may mga palatandaan ng babala tungkol sa diskriminasyon sa pagpapahiram. Ang ilang mga halimbawa ng potensyal na mga palatandaan ng babala ng diskriminasyon ng pagpapahiram batay sa lahi, kasarian, o iba pang protektadong kategorya ay kasama ang:
- Ang pagtanggi ng available na opsyon sa pautang o sa pagsasa-ayos kahit na kwalipikado ka para sa mga ito batay sa mga pinatalastas na kinakailangan
- Mga alok ng mga opsyon sa kredito o pagsasa-ayos na may mas mataas na rate o mas masahol na mga termino kaysa sa inaplay mo, kahit na kwalipikado ka para sa mas mababang rate
- Ang pagdismaya sa pag-aapply para sa kredito ng nagpapahiram dahil sa isang protektadong katangian
- Ang pagtanggi sa kredito, ngunit hindi binigyan ng dahilan kung bakit o sinabi kung paano malaman kung bakit
- Ang mga negatibong komento tungkol sa lahi, pambansang pinagmulan, kasarian, o iba pang mga protektadong katayuan
Ang mga maliliit na may-ari ng negosyo na naniniwala na sila ay diskriminado batay sa lahi, kasarian, o iba pang protektadong kategorya ay maaaring magsumite ng reklamong diskriminasyon sa pagpapahiram sa online. Sa pamamagitan ng aming sistema ng reklamo ng consumer, ang mga kumpanya ay tumugon sa mga reklamo tungkol sa mga produktong pinansyal at serbisyo ng consumer. Isinasaalang-alang ng CFPB ang impormasyon sa reklamo sa aming pangangasiwa at pagpapatupad ng trabaho. Gayundin, naglabas ang Bureau ng maraming mga resources tungkol sa kung paano mapoprotektahan ng mga mamimili ang kanilang mga pananalapi sa panahon ng pandemya.
Bilang karagdagan, ang Bureau ay patuloy na nagsusulong ng mga pagkakataon sa negosyo para sa minorya, pag-aari ng babae, o maliliit na negosyo. Minorya, pag-aari ng kababaihan, o maliliit na negosyo na interesadong makipag-negosyo sa amin, mangyaring bisitahin ang aming webpage.
Tandaan natin, lahat tayo ay magkakasama.