Kapag namimili tayo para sa mga produkto o serbisyo, karaniwan tayong pumipili base sa presyo. Sa kasamaang palad, dumarami ang mga kumpanya na gumagamit ng mga karagdagang mga singil para kumita pa lalo, at kadalasan ang karagdagang mga singil na ito ay hindi sinasama sa nakalistang presyo. Ang mga lihim na singil na ito ay maaaring magpakita bilang “service charge” na pinapalaki ang presyo, mga “resort fee” na dinadagdagan ang gastos sa mga hotel, at mga hindi inaasahang mga singil sa mga bayarin sa telepono at cable. Pag sumisingil ang mga kumpanya ng karagdagang singil bukod pa sa nakalistang presyo, maaaring mahirap makapili ng tamang bilihin o serbisyo ayon sa presyo.
Karaniwang nararanasan ng mga Amerikano ang mga lihim na singil sa consumer finance sector na regulado ng CFPB, at madaling masanay sa mga singil na ito bilang parte ng araw-araw na karanasan sa mga produkto at serbisyong pinansiyal. Maraming iba’t ibang uri nito, tulad ng mga singil para sa pagbayad ng late, mga overdraft, mga pagbalik ng produkto, paggamit ng ATM na hindi kasapi ng network ng bangko mo, pagtransfer ng pera, ng pagkawala ng aktibidad sa iyong account, at iba pa. Kadalasan ay walang kalinawan sa mga singil na ito at nakaklilito para sa indibidwal. Sa kaso ng mga overdraft fee, ang isang tasa ng kape ay maaaring magkahalagang $35 imbis na $3 lang. Kapag nangangailangan ng tulong, minsan ay may bayad pa para lang makausap sa totoong tao sa customer service. Ang ibang kumpanya naman ay sumisingil para sa pagbayad ng isang bill sa telepono o iba pang mga paraan.
Nakakasipsip ng bilyun-bilyung dolyar kada taon ang mga lihim na singil mula sa budget ng mga Amerikano, at kapag nagsisimulang dumepende sa mga lihim na singil ang mga kumpanya, nahihirapan ang mga pamilya na pumili ng tama at angkop mula sa kumpetisyon.
Karaniwang mga lihim na singil
Ito ay ilang mga halimbawa ng mga lihim na singil na nakalarawan sa aming hiling para sa impormasyon.
Singil para sa pagkakaroon ng di sapat na balanse
Ang halaga ng pagkakaroon ng account sa bangko ay karaniwang nakalista bilang mga account maintenance fee, at maaaring mag-iba ang halaga depende sa bangko. Ngunit, ang mayoridad ng kinikita ng mga bangko sa mga account ay nanggagaling sa mga lihim na penalty fees para sa overdraft o pagkakaroon ng di sapat na balanse (insufficient funds) para makoberan ang transaksyon. Sa 2019 lang, lumampas ng higit $15 bilyon ang singil ng mga bangko para sa overdraft at insufficient funds, na karaniwang nagkakahalagang $30 hanggang $35 kada singil.
Late fee
Ang mga late fee ay mga penalty dahil hindi nabayaran ang isang bill sa takdang panahon, at maaaring maging malaking pagkakitaan ng mga kumpanya. Sa 2019, $14 bilyon sa $23.6 bilyong singil ng mga card company ar para lang sa mga late fee.
Singil para mabayaran ang iyong Bill
Karaniwang sumisngil ng karagdagang fee ang mga bangko para lang makatanggap ng bayad para sa iyong bill, tulad ng para matransfer ang iyong mga bayad, gumawa ng foreign transaction, o kahit para lang magbayad ng mga bill online. Kadalasan ay tinatawag itong mga “convenience fee.”
Fee para sa mga prepaid card
Para sa mga indibidwal na walang bangko, kadalasan ay dumedepende sila sa mga prepaid card para lang maka-access ng mga serbisyong pinansyal. Kahit na kadalasan ay pumipili ang mga indibidwal base sa monthly fee structure, kadalasan ay mayroong mga lihim o hindi nakalistang mga singil para lang magamit ang prepaid card.
Mga closing cost at homebuying fee
Ang pag-ari ng tahanan ay isa sa pinakamainam na paraan para makaipon ng kayamanan. Ngunit kailangang malaman ng mamimili ang kung ano mang mga singil na nakaugnay sa pagbili ng bahay, tulad ng fee para sa paghanda ng mga dokumento o title insurance. Maaari silang maging hadlang sa pagbili o pagrefinance ng bahay at maaaring maapektuhan ang inyong household equity.
Ibahagi ang inyong mga karanasan
Upang maintindihan kung paano naapektuhan ng mga lihim na singil ang pinansiya ng karaniwang mamamayan, naghahanap ang CFPB ng impormasyon mula sa mga stakeholder sa pamilihan, kasama na ang mga indibidwal, mga may-ari ng maliliit na negosyo, mga akademiko, at mga opisyal ng gobyerno.
Nais naming malaman ang inyong karanasan sa mga lihim na singil, kasama na rito ang:
- Mga singil para sa mga bagay na inakala mong kasama na sa orihinal na presyo ng produkto o serbisyo
- Mga hindi naasahang mga singil para sa produkto o serbisyo
- Mga singil na parang masyadong mataas para sa produkto o serbisyo
- Mga singil na Malabo kung paano siya binilang at bakit ito siningil sa iyo
Nais naming marinig ang inyong mga kwento at opinion. Makakatulong ang mga ito sa aming misyon na masiguradong patas, malinaw, at mapagkumpitensya ang mga bangko at lending market para sa lahat.
Mangyaring ibahagi ang inyong mga karanasan sa pahina para sa pampublikong komento sa Pederal na Rehistro .