Mga payo upang manatiling maging maagap sa inyong mga pananalapi habang nagaganap ang pandemic na coronavirus
- English
- Español
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
Maraming mga tao ang nakikitungo sa mabigat na kahirapang pampananalapi na dulot ng pandemic na COVID-19. Kung nag-aalala kayo tungkol sa inyong mga pananalapi, ngunit hindi naranasan ang mawalan ng kinikita o hindi pa naman tumataas ang gastusin, isaalang-alang ang mga sumusunod:
Ang aming mga kasamahang federal na regulator at ang kanilang mga katapat sa state ay nagtatrabaho pa rin sa araw-araw upang panatilihing panatag ang ating sistema pampananalapi. Sa pangkalahatan, lahat ng mga deposit sa bank na hanggang $250,000 ay nakaseguro sa Federal Deposit Insurance Corporation . Nakaseguro din ng hanggang $250,000 sa National Credit Union Share Insurance Fund (NCUSIF) ang mga deposit sa lahat ng mga federal na credit union, at ang napakarami sa mga state-chartered na mga credit union. Pangalagaan ang inyong mga pananalapi nang gaya ng dati. Kung nasa kalagayan kayo upang patatagin ang inyong kabutihang pampananalapi, basahin ang higit pa sa ibaba tungkol sa kung papaano mangasiwa. Magiging mas handa kayo sa mga darating na pagkabigla, kahit man mula sa pandemic o iba pa mang bagay.
Panatilihing bayad sa inyong mga singil
Mayroong mga paraan upang makakuha ng pagtulong kung nahihirapan kayo sa pagbayad ng inyong mga singil dahil sa epekto pampananalapi ng COVID-19. Subalit kung nakakapagbayad pa rin kayo ng inyong mga singil, malamang na mas mabuting manatili sa kinagawian. Alalahanin na kung inyong pagpasyahan na gamitin ang isang program na hahayaan kayong itigil muna o bawasan ang mga pagbabayad, dapat pa rin ninyong bayaran ang perang inutang kapag natapos na ang program.
Tandaan na kung kayo AY nahihirapan, may mga pagpipilian.
Kung hindi ninyo mabayaran ang inyong mga singil
Tingnan ang mga hakbang na ito. Huwag mag-atubili na makiugnay sa inyong mga tagapagpahiram at mga tagapagpautang na pampananalapi kung nahihirapan kayo dahil sa epekto ng COVID-19 sa inyong kinikita. Hinihimok ng CFPB at iba pang mga namamahalang pampananalapi ang mga tagapagpahiram na makipagtulungan sa kanilang mga customer habang nagaganap ang panahong ito.
Kung hindi ninyo mabayaran ang inyong mga mortgage
Pinapahintulutan ng bagong CARES Act ang mga may-ari ng bahay na may inaalalayan ng federal na mga utang na naapektuhan ng pandemic na humiling ng isang forebearance [pagpigil sa paniningil] sa kanilang mortgage ng hanggang 180 na araw. Maaaring pahabain ang forebearance ng hanggang karagdagan pang 180 na araw. Maaari ding mag-alok ng mga program ang mga private na pautang sa mortgage. Alamin ang higit pa dito.
Kung nahihirapan kayo sa inyong mga pautang sa mag-aaral
Ang CARES Act ay kusa ding nagpapaliban sa mga pagbabayad sa ng hawak ng federal na mga pautang sa mag-aaral hanggang September 30, 2020. Para sa tulong sa isang pautang sa mag-aaral na hindi hawak ng federal, dapat kayong makiugnay sa inyong taga-service upang tingnan kung anong mga pagpipilian ang mayroon para sa inyo.
Kung huli na kayo sa pagbayad sa inyong mga singil
Kung kayo ay isang caregiver na pampananalapi
Ang mga naglilingkod bilang mga caregiver na pampananalapi para sa mga matandang may-edad o mga taong may mga kapansanan ay maaaring magkaroon ng naiibang mga pag-alala at mga pagsubok.
Panatilihing panatag ang inyong pera
Kahit man naranasan ninyo o hindi ang tinamaan ang pananalapi, huwag magpunta sa ATM at kumuha ng pera nang higit pa sa karaniwang pangangailangan . Panatag ang inyong pera sa inyong account sa bank o credit union . Di katulad ng pera na itinatago sa bahay, malamang na mayroon kayong mga pagkupkop na federal kung ang naka-deposit na pera ninyo ay nakawin o kung sakaling magsara ang inyong institution. Palagi ninyong maaaring makakuha ng pera kung kailangan ninyo ito. Ang mga professional na naglalagay ng laman ng mga makina ng pera at nagpapagalaw ng pera sa buong bansa ay nagtatrabaho at itinuturing na mga manggagawa sa mga serbisyong pangunahing kailangan.
Pangasiwaan ang inyong mga pananalapi alagayang pampinansyal
Ang pagiging matalino sa pera ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maging handa sa anumang uri ng kahirapan na maaaring maganap sa hinaharap. Nag-aalok din kami ng sari-saring mga kasangkapan na kinabibilangan ng ilan na binanghay upang matulungan kayong sundan ang inyong paggastos, gumawa ng budget, bayaran ang inyong utang, o mag-ipon ng inyong kabuuan na kabutihang pampananalapi. At palaging tandaan na pangasiwaan at ingatan ang inyong credit.
Manatiling may alam
Mag-sin-up para sa mga pinakabagong tip at information na pampananalapi nang tuwiran sa inyong inbox.
Maghanap ng higit pang information tungkol sa COVID-19 mula sa CFPB
Nagsasagawa kami nang tuloy-tuloy upang baguhin ang information para sa mga consumer sa panahong ito ng mabilis na nagbabagong kalagayan.
Ilalathala namin ang lahat ng information na kaugnay sa COVID-19 at mga blog [usapan sa online] sa aming page ng mapagkukunan. Dapat ituring ang mga information na tama noong petsa ng paglathala ng blog.