Ano ang dapat mong malaman kung pinag-iisipan mong gamitin ang equity ng bahay para tugunan ang mga gastusin sa panahon ng pandemyang coronavirus
- English
- Español
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
Nagsagawa kami kamakailan ng pagkilos para gawing mas madali sa mga consumer, na may kagyat na pangangailangang pananalapi dahil sa pandemyang coronavirus, na mas mabilis na maabot ang mortgage credit. Nagpalabas kami ng panuntunang nagbibigay pakahulugan para linawin na, sa ilang tiyak na sitwasyon, maaaring ipaubaya o palitan ng mga consumer ang ilang panahon ng paghihintay sa mga transaksyon sa mortgage kapag humaharap sa isang bona fide (may mabuting layunin) na personal na pananalaping emergency dahil sa pandemyang coronavirus. Makakatulong ito sa iyo na mas madaling makakuha ng ilang loan [utang] sa mortgage. NIlilinaw ng panuntunan na:
- Mga napaubaya na panahon ng paghihintay. Maaari kang magpaubaya ng ilang panahon ng paghihintay na karaniwang kailangan sa pagitan ng panahong nakatanggap ka ng mahalagang pagsisiwalat tungkol sa loan sa mortgage na isinasaalang-alang mo at bago magsara ang mortgage
- Paubaya ng karapatang magpawalang-bisa. Maaari mong ipaubaya ang iyong karapatang magpawalang-bisa—o karapatang kanselahin ang loan—para sa ilang uri ng hindi-pagbiling transaksyon, tulad ng mga refinance, loan sa equity ng bahay, at reverse mortgage. Karaniwan itong tatagal nang tatlong araw ng negosyo
Binabalak ng panuntunang ito na tulungan ang mga consumer na may pangangailangan sa mga pondo dahil sa pandemyang COVID-19 bago magtapos ang isang angkop na panahon ng paghihintay. Habang inaasahan naming may iilang lang ng mga consumer—iyong mga naghahanap ng cash-out [agarang pera] refinancing na makapagpapakita ng mabilis, near-term [pankasalukuyan] na pananalaping pangangailangan sa mapanghamong panahong ito—gusto naming tiyakin na magbahagi ng impormasyon tungkol sa kung ano ang kahulugan ng pagpaubaya ng ganitong mga panahon ng paghihintay . Dagdag pa, narito ang ilang tip at dapat pag-ingatan ng sinumang nag-iisip na gamitin ang equity ng bahay para tugunan ang mga pananalaping emergency sa panahong ito.
Mga pangunahing kaalaman tungkol sa mortgage
Para sa mga closed end mortgage loan [hind nagbabago ang halaga], kabilang ang refinance o loan sa equity ng bahay, karaniwang kailangan ng lender na bigyan ka ng dalawang mahalagang pagsisiwalat sa loob ng ilang araw bago mo yariin ang loan. Tinatawag na "mga panahon ng paghihintay" ang mga panahong ito.
Loan Estimate
Kapag nag-apply kayo ng loan, kailangang magbigay ng lender ng Loan Estimate [tantya ng utang], na naglalarawan ng mahalagang impormasyon tungkol sa inaaalok na loan. Kailangan kang bigyan ng lender ng Loan Estimate sa loob ng tatlong araw ng negosyo pagkatapos matanggap ng lender ang application sa loan at kahit man lamang pitong araw ng negosyo bago mo isara ang loan sa mortgage.
Pagsisiwalat ng Pagyayari
Kung magpasya kayong ipagpatuloy ang loan, kailangan kang bigyan ng lender ng isang Pagsisiwalat ng Pagyayari, na magbibigay ng mga katapusang detalye tungkol sa loan na napili mo. Kailangan kang bigyan ng lender ng Pagsisiwalat ng Pagyayari nang kahit man lamang tatlong araw ng negosyo bago ka magsara.
Ano ang kahulugan ng pagpaubaya ng panahon ng paghihintay ng pagsisiwalat
Labis na makakatulong ang ganitong mga panahon ng paghihintay para bigyan ka ng panahon na tiyaking angkop sa iyo ang mga tuntunin ng loan at humingi ng payo mula sa mga kapamilya, kaibigan, o propesyonal tulad ng mga tagapayo sa pabahay o abogado. Sa kabuuan, ang mga panahon ng paghihintay na ito ay:
- Magbibigay sa iyo ng panahon para tiyaking nauunawaan mo ang inaalok na loan sa iyo
- Magbibigay sa iyo ng panahon para paghambingin ang mga alok para matukoy ang pinakamagandang deal
- Pinapayagan kang paghambingin ang mga pinal na tuntunin at gastos sa mga natantiya sa iyong alok
- Magbibigay ng panahon na magtanong sa iyong lender bago mo mayari
Nililinaw ng bagong panuntunan ng Bureau na maaari kang magpaubaya ng isang panahon ng paghihintay dahil sa isang bona fide na personal na pananalaping emergency kaugnay ng pandemya, kung hinihingi sa iyo ng emergency na mas mabilis na makatanggap ng mga pondo kaysa pinapayagan ng panahon ng paghihintay. Para gawin ito, kailangan mong:
- Bigyan ang lender [nagpapautang] ng iyong maikling nakasulat na pahayag—hindi pinapayagan ang mga pre-printed na form—na naglalarawan ng emergency[kagipitan] kung saan tinutukoy ang pananalaping pangangailangan dahil sa pandemyang COVID-19 at malinaw na nagpapahayag ang pagpaubaya o pagbabago mo sa panahon ng paghihintay
- Ikaw mismo ang pipirma at maglalagay ng petsa sa pahayag, kasama ang sinuman na pangunahing may obligasyon sa loan
Ipaubaya mo man o hindi ang panahon ng paghihintay, tiyaking nauunawaan mo at kaya mo ang mga tuntunin ng loan at komportable mong inaako ang pananagutan sa loan. Basahin ito para sa higit pang tip para maghanda sa pagsasara ng iyong mortgage .
Ano ang kahulugan ng pagpaubaya mo ng karapatang magpawalang-bisa
Ang karapatan sa pagpapawalang-bisa ay karapatang kanselahin ang ilang uri ng mga transaksyon sa mortgage. May karapatan ka sa pagpapawalang-bisa para sa karamihan ng mga mortgage ng hindi-pagbiling pera, o mga mortgage na hindi ginagamit sa pagbili ng bahay. Kabilang dito ang mga refinance, loan sa equity ng bahay, at mga reverse mortgage. Sa pangkalahatan, binibigyan ka ng karapatang iyo ng tatlong araw ng negosyo para kanselahin ang kasunduan sa mortgage. Kung nagpaubaya ka ng karapatang magpawalang-bisa, nagpaubaya ka ng karapatan mong kanselahin ang transaksyon para sa anumang dahilan o kahit walang anumang dahilan—maliban kung may katibayan ng panloloko.
Nililinaw ng bagong panuntunan ng Bureau na maaari kang magpaubaya ng iyong karapatan sa pagpapawalang-bisa dahil sa bona fide na personal na pananalaping emergency kaugnay ng pandemya. Para gawin ito, kailangan mong:
- Bigyan ang lender ng iyong maikling nakasulat na pahayag—hindi pinapayagan ang mga pre-printed na form—na naglalarawan ng emergency kung saan tinutukoy ang pananalaping pangangailangan dahil sa pandemyang COVID-19 at malinaw na nagpapahayag ang pagpaubaya mo sa karapatan mong magpawalang-bisa.
- Ikaw mismo ang pipirma at maglalagay ng petsa sa pahayag, kasama ang sinuman na kasama mong nagmamay-ari ng bahay Antes de echarle mano al valor acumulado de su vivienda, evalúe todas sus opciones
Bago mo gamitin ang iyong equity sa bahay, suriin ang lahat ng iyong pagpipilian
Kung pinag-iisipan mong i-refinance ang iyong mortgage o kumuha ng loan sa equity ng bahay para tugunan ang lumalaking gastusin, pagkawala ng kita, o sa anumang iba pang dahilan, mahalagang tingnan ang lahat ng pagpipilian mo. Habang maaaring isang magandang pagpipilian ang paggamit ng equity ng bahay para sa ilang consumer, maaaring nailalagay nito sa mas mataas na pananalaping panganib ang iba paglipas ng panahon. Kung hindi kaagad nakabangon ang iyong pananalapi gaya ng inaasahan o nawalan ng halaga ang iyong bahay at nahihirapan kang bayaran ang iyong loan, maaaring maremata ang bahay mo.
Saan ako makakakuha ng karagdagang tulong?
Kung kailangan mo ng tulong na maunawaan ang mga pagpipilian mo, puwede kang makipag-ugnayan sa isang prospesyonal para tulungan ka sa iyong kinalalagyang sitwasyon.
Mga Tagapayo sa Pabahay na Aprubado ng HUD. Maaaring talakayin sa iyo ng mga tagapayo sa pabahay na aprubado ng U.S. Department of Housing and Urban Development (HUD) ang mga pagpipilian kung nahihirapan kang bayaran ang iyong loan sa mortgage o loan sa reverse mortgage. Maaaring kabilang dito ang forbearance [patyatyaga] o binagong programa sa pagbabayad.
Mga Tagapayo sa Credit. Ang mga iginagalang na mga organisasyon sa pagpapayo sa credit ay karaniwang mga non-profit na organisasyon na puwedeng magpayo sa iyo tungkol sa iyong pera at mga utang, at tulungan ka gumawa ng isang badyet. Matutulungan ka rin ng ilan na makipag-ayusan sa mga creditor. May mga tiyak na itatanong para tulungan kang makahanap ng organisasyon sa pagpapayo sa credit para makipagtulungan sa iyo.
Mga Abogado. Kung kailangan mo ng abogado, may mga sanggunian na tutulong sa iyo sa pamamagitan ng iyong lokal na samahan ng mga abogado, legal aid, o kung isa kang servicemember, ang iyong lokal na Legal Assistance Office .
Iba pang sanggunian
Hindi ka nag-iisa, dahil maraming tao ang humaharap sa mga pananalaping hamon sa panahong ito at maaaring nag-iisip ng iba't ibang paraan para maabot sa mga karagdagang pondo at pananalaping suporta. Nagbibigay kami ng kagamitan at mga sanggunian sa mga consumer para pangalagaan ang kanilang pananalapi at pananalaping kalagayan sa ganitong mapanghamong panahon.
Bisitahin ang aming mga sanggunian tungkol sa Coronavirus, kabilang ang amin Gabay sa mga pagpipilian para sa mortgage na maghahatid ng kaginhawahan sa panahon ng coronavirus, kagamitan kung hindi ka makabayad ng mga bayarin, at pamamahala ng utang
Tingnan ang aming gabay at mga tip sa proseso ng mortgage, kabilang ang refinance
Hanapin ang higit pang impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa CFPB
Gumagawa kami upang patuloy na i-update ang impormasyon para sa mga mamimili sa panahon ng mabilis na nagbabagong sitwasyong ito.
Ilalathala naming ang lahat ng impormasyon at blog nauugnay sa COVID-19 sa aming resource page (pahina ng mapagkukunan ng impormasyon at suporta). Dapat na ituring na tumpak ang impormasyon sa petsa ng paglalathala ng blog.