Skip to main content

Coronavirus at pagharap sa utang: Mga tips na makakatulong na mapagaan ang epekto

Na-update na ang nilalaman na ito sa Ingles, Malapit nang ma-update ang pagsasalin na ito.

Ang pag-asikaso sa utang ay maaaring maging isang napakahirap na karanasan. Maaari maging mas mahirap na harapin ito kapag sinamahan ng pandaigdigang salot ng coronavirus. Sa iyong pagpaplano para sa potensyal na epekto sa pananalapi ng coronavirus, mayroong ilang hakbang na maaari mong isagawa upang makatulong sa pamamahala ng utang sa mga panahon ng pagsubok na ito.

Maaari mong tingnan ang mga patakaran sa kawalan ng trabaho (unemployment) ng iyong state upang matukoy ang mga kasalukuyang pagpipilian para sa mga benepisyo. Maaari ring magkaroon ng impormasyon ang tanggapan ng pampublikong kalusugan ng iyong state.

Mga hakbang na dapat isagawa kung ikaw ay nahihirapang bayaran ang mga singil (bills) sa iyo sa panahon ng pandaigdigang epidemyang coronavirus (sa Ingles).

Nakipag-ugnay na ba sa iyo ang tagakolekta ng utang?

Kung ikaw ay may utang na kinokolekta sa kasalukuyan, maaari kang makipagtulungan sa mga tagakolekta upang matukoy ang realistikong plano sa pagbabayad. Mayroon kaming ilang mapagkukunan ng impormasyon at suporta para sa pakikipag-ugnayan at pakikipagnegosasyon sa mga kumpanyang nangongolekta ng bayad sa utang (sa Ingles).

Alamin ang iyong mga karapatan. Sinasabi ng Batas para sa The Fair Debt Collection Practices Act, FDCPA [makatarungang gawi sa pagkolekta ng utang] na hindi pinahihintulutan ang tagakolekta ng utang ay na gumamit ng mga hindi makatarungang gawi sa pagsubok na mangolekta ng bayad sa utang.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa mga halimbawa ng mga “hindi patas” na gawi ng mga tagakolekta ng bayad sa utang (sa Ingles)

Sa pangkalahatan, hindi maaaring kunin mula sa iyong mga benepisyo sa Social Security o VA (sa Ingles), pati na rin ang iba pang mga benepisyo, ng isang creditor o tagakolekta ng bayad sa utang. Kung naniniwala kang hindi mo utang iyon o hindi iyon ang iyong pagkakautang, magpadala ng nakasulat na kahilingan sa tagakolekta ng utang at “salungatin” ang utang. Maaari ka ring magpadala ng nakasulat na kahilingan sa tagakolekta ng utang upang makatanggap ng higit pang impormasyon tungkol sa utang.

Iniisip kung paano sasagutin ang tagakolekta ng utang?

Maaaring makatulong ang aming mga halimbawang sulat* kung ikaw ay:

* Hindi legal na payo ng mga sulat na ito. Kakailanganin mo ring magtabi ng mga kopya ng anumang sulat na iyong ipapadala.

Iniisip na makipag-areglo para sa utang?

Ang mga kumpanyang nakikipag-areglo para sa utang (debt settlement company), na tinatawag ding mga kumpanya sa “pagpapatawad ng utang” (“debt relief”) o “pag-aayos ng utang” (“debt adjusting”), ay kadalasang nagsasabing maaari silang makipag-areglo sa iyong mga creditor upang mabawasan ang halagang pagkakautang mo. Isaalang-alang ang lahat ng iyong pagpipilian, kabilang ang pagkikipagtulungan sa isang nonprofit credit counselor, at ikaw mismo na direktang nakikipag-areglo sa creditor o tagakolekta ng bayad sa utang (debt collector) (sa Ingles). Bago sumang-ayon sa pakikipagtulungan sa kumpanyang nakikipag-areglo para sa utang(sa Ingles), mayroong mga panganib na dapat mong isaalang-alang.

Magbasa pa tungkol sa pakikipag-areglo para sa utang (debt settlement) (sa Ingles)

Join the conversation. Follow CFPB on X (formerly Twitter) and Facebook .