Skip to main content

Pagkupkop ng iyong kredito sa panahon ng pandemya ng coronavirus

Na-update na ang nilalaman na ito sa Ingles, Malapit nang ma-update ang pagsasalin na ito.

Orihinal na nai-post ang blog na ito noong March 19, 2020, at ini-update noong July 29, 2020 upang ipakita ang bagong impormasyon.

Kung nagkakaproblema ka sa pagbabayad ng iyong mga bayarin, maaaring nag-aalala ka kung ano ang mangyayari sa iyong mga ulat at iskor ng kredito. Maaari mong magamit ang impormasyon sa ibaba upang pamahalaan at kupkupin ang iyong kredito sa panahon ng pandemya ng COVID-19 (coronavirus).

Makipag-ugnayan sa iyong tagapagpautang o pinagkakautangan

Iniuulat ng maraming tagapagpautang at pinagkakautangan ang iyong pagganap sa pagbabayad sa mga ahensya ng pag-uulat ng kredito (kilala rin bilang mga kompanya ng pag-uulat ng consumer o mga kawanihan ng kredito). Kabilang dito ang mga nagseserbisyo sa mga mortgage [sangla] at mga kompanya ng credit card, pati na rin ang mga provider [nagkakaloob] ng paligkurang bayan, serbisyo ng cell phone, mga kasero, at iba pa na pinagkakautangan mo at nagbibigay ng data sa mga account ng paninigil.

Kung nagkakaproblema ka sa pagbabayad ng iyong mga bayarin, mahalaga na makipag-ugnayan sa iyong tagapagpautang o pinagkakautangan. Nag-anunsyo ang maraming tagapagpautang o pinagkakautangan ng maagap na hakbang upang tulungan ang mga umuutang na apektado ng COVID-19. Ang Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security (CARES) Act ay may pagpipigil at mga kinakailangan sa pag-uulat ng kredito na maaaring angkop sa iyong kalagayan.

Gaya ng iba pang likas na kalamidad at emergency, maaaring maging handa ang iyong mga tagapagpautang o pinagkakautangan—at sa ilang kaso ay kailangang—magbigay ng pagpipigil, mga pagpapalawig ng utang, pagbabawas sa presyo ng interes, at/o iba pang pag-angkop para sa muling pagbabayad. Sinasabi rin ng ilang tagapagpautang na hindi nila iuulat ang mga huling pagbabayad sa mga ahensya ng pag-uulat ng kredito o ipapaliban ang mga multa sa huling pagbayad para sa mga umuutang dahil sa pandemyang ito. Sa ilalim ng CARES Act, sa ilang sitwasyon, hinihingi sa mga tagapagpautang na iulat ang iyong account bilang kasalukuyan.

Maaari kang makipag-ugnayan sa iyong tagapagpautang o pinagkakautangan at alamin kung ano-anong pagpipilian o programa ang magagamit. Tinatawag ang mga programang ito kung minsan na "mga programang pangkahirapan" o "pangtulong." Maaari kang payagan ng mga programang ito na pumasok sa isang kasunduan upang:

  • Ipagpaliban o ihinto ang isa o higit pang pagbabayad
  • Gumawa ng bahaging bayad
  • Pigilan (pansamantalang ihinto ang pagbabayad) ang anumang delinkuwenteng halaga
  • Baguhin ang isang utang o kontrata
  • Tumanggap ng paghinto ng mga pagbabayad ng federal na utang ng mag-aaral
  • Iba pang ayuda o tulong

Tinatawag ng CARES Act ang mga kasunduang ito na "mga kaluwagan."

Upang makipag-ugnayan sa iyong tagapagpautang, maghanap ng numero ng customer service sa isang kopya ng iyong bayarin para sa iyong mortgage, credit card, utang na kotse, o iba pang utang.  Tumatanggap ang ilang tagapagpautang ng maraming tawag dahil sa pandemya, kaya maaaring matagal ang oras ng paghihintay. Maaari mo ring tingnan ang website ng iyong tagapagpautang upang makita kung may impormasyon sila na makatutulong sa iyo, mga paraan upang makipag-usap nang elektroniko, o mga online na pag-apply para sa mga programa sa kahirapan.

Kapag nakikipag-ugnayan sa iyong mga tagapagpautang, siguraduhin na mayroon ka ng iyong numero ng account at impormasyon ng pagbabayad. Maging handa na talakayin ang iyong kalagayan ng pananalapi at trabaho, pati na rin kung magkano ang makakaya mong bayaran na isinasaalang-alang ang iyong kita, mga gastusin, at mga pag-aari. Ihanda ang listahan ng mga tanong nang maaga. Gusto mong siguraduhin na ganap kang maginhawa sa mga tuntunin bago ka gumawa ng kasunduan.

Narito ang ilang pangunahing itatanong:

  • Kung hindi ako makapagbayad bilang resulta ng coronavirus, ano-anong programa sa kahirapan o tulong ang magagamit?
  • May mga bayad bang nauugnay sa alinman sa mga programang ito?
  • Magkakaroon ba ako ng pagpipilian na iantala ang muling pagbabayad ng anumang halagang inutang sa katapusan ng aking utang?
  • Kung maiantala ko o maibaba ang aking buwanang mga pagbabayad, patuloy bang maiipon ang mga interes sa panahong ito ng kahirapan o tulong?
  • Gaano magtatagal ang panahon ng kahirapan o tulong at kailan ko kailangang simulan ang muling pagbabayad?
  • Kung hindi nagbago ang kalagayan ng aking pananalapi sa sandaling matapos ang panahon ng kahirapan o tulong, ano-ano ang mga pagpipilian?
  • Paano iuulat ang kasunduan o tulong na ito sa mga ahensya ng pag-uulat ng kredito? Tandaan: na nagtatadhana ng espesyal na mga kinakailangan ang kamakailang nasabatas na CARES Act sa mga kompanya na nag-uulat sa mga ahensya ng pag-uulat ng kredito kung nagbibigay sila ng tulong sa bayad dahil sa coronavirus.
  • Para sa mga credit card—mawawala ba ang kakayahan kong gamitin ang aking card kung nagpatala ako o humiling ng tulong?

May mga espesyal na programang pagpipigil o tulong para sa ilang uri ng mortgage. Upang malaman pa, pumunta sa Pahina ng mortgage at tulong sa pabahay.

Gamitin ang aming checklist [tala ng susundan]:

  • Hanapin ang pangalan ng iyong tagapagpautang sa iyong statement [tala ng kwenta].
  • Tingnan ang website ng tagapagpautang upang makita kung may mga programa sa kahirapan o tulong na magagamit.
  • Tumawag sa iyong tagapagpautang at alamin ang magagamit na mga programa sa kahirapan o tulong.
  • Magtanong tungkol sa mga tuntunin ng kaayusan, kabilang ang kung paano ito iuulat sa mga ahensya ng pag-uulat ng kredito.
  • Alamin kung ano ang kailangan mong gawin sa sandaling magtapos ang panahon ng tulong o kasunduan. Itanong kung ano-ano ang mga pagpipilian para sa muling pagbabayad, gaya ng muling pagpapabayad ng halaga na nalakatawan mo sa pagtatapos ng iyong utang.
  • Patibayan ang kasunduan o tulong sa pagsulat at hingin sa tagapagpautang na patibayan ang kasunduan sa pagsulat.
  • Sundan ang kasunduan at magbayad ayon sa napagkasunduan.
  • Tingnan ang iyong mga ulat ng kredito para siguraduhin na tumpak na ipinakikita nito ang kasunduan sa iyong tagapagpautang. Maaaring may ilang pagkaantala sa pag-update ng mga rekord ng pinagkakautangan sa mga ahensya ng pag-uulat ng kredito, kaya maaari mong gustuhing tingnan nang buwanan para masiguro na ipinapakita nang tumpak ng iyong mga rekord ng kredito ang iyong kasunduan. Maaari mo na ngayong hilingin ang iyong mga ulat ng kredito nang libre linggo-linggo mula sa bawat ahensya ng pag-uulat ng kredito sa buong bansa hanggang April 2021 sa pamamagitan ng pagbisita sa AnnualCreditReport.com .
  • Tutulan ang anumang pagkakamali na makita mo sa iyong mga ulat ng kredito. Kung hindi tumpak na ipinakita ang iyong kaayusan sa iyong mga ulat ng kredito, makipag-ugnayan sa iyong tagapagpautang at sa mga ahensya ng pag-uulat ng kredito at tutulan ang mga pagkakamaling iyon. Maglakip ng anumang dokumento kung magagawa mo para ipakita na hindi ito iniulat nang tama.
  • Kung hindi mo alam o hindi sigurado sa muling pagbabayad, makipag-ugnayan sa iyong tagapagpautang bago ang pagtatapos ng panahon ng tulong o kasunduan upang patibayan ang mga susunod na hakbang at kung ano-ano ang mga pagpipilian upang muling bayaran ang anumang nalaktawang pagbabayad.

Paano maaapektuhan ang aking kredito?

Depende kung nakagawa ka ng isang kasunduan o kaayusan nang makipag-usap ka sa iyong tagapagpautang, maaaring may magkakaibang epekto sa iyong mga ulat at iskor ng kredito. Kinakalkula ang iyong mga iskor ng kredito batay sa impormasyon sa iyong ulat ng kredito. May mga iskor ng kredito para sa magkakaibang layunin at para sa mga produktong pautang. Maraming salik ang ginagamit sa pag-compute ng iyong mga iskor ng kredito. Alamin ang higit pa tungkol sa kaugnayan sa pagitan ng mga ulat ng kredito at mga iskor ng kredito.

Dalawang kompanya, ang FICO at VantageScore, bukod sa iba, ang gumagawa ng mga modelo ng pag-iskor na nagsusuri ng iyong kredito at gumagawa ng iskor ng kredito. Makikita mo ang marami pang impormasyon kung paano tumutugon ang mga kompanyang ito sa pandemyang COVID-19 at pagtrato sa mga pagpipigil at mga pagpapaliban mula sa FICO at VantageScore . Mahalagang tandaan na gumagamit ang iba't ibang tagapagpautang ng iba't ibang iskor ng kredito kabilang ang mga iskor na binubuo at pinamamahalaan nila mismo.

Naglalagay ang CARES Act ng mga espesyal na kinakailangan sa mga kompanya na nag-uulat ng iyong impormasyon ng pagbabayad sa mga ahensya ng pag-uulat ng kredito. Ilalapat ang mga kinakailangang ito kung apektado ka ng pandemya ng coronavirus at kung binibigyan ka ng iyong tagapagpautang ng kaayusan upang ipagpaliban ang pagbabayad, gumawa ng mga paunang bayad, forbearance [pagpigil] sa pagiging delinkuwente, baguhin ang isang utang, o iba pang tulong.

Kung gumawa ng kasunduan o kaayusan ang iyong tagapagpautang sa iyo:

Nakadepende sa kung nakakabayad ka o delinkuwente na nang gawin ang kasunduang ito kung paano iniuulat ng iyong mga tagapagpautang ang iyong account sa mga ahensyang nag-uulat ng kredito sa ilalim ng CARES Act. Gagamitin lang itong mga kinakailangan sa pag-uulat kung nagbabayad ka ng anuman na hinihingi ng kasunduan.

  • Kung ang iyong account ay bayad na at nakipagkasundo kang gumawa ng bahaging bayad, laktawan ang isang pagbabayad, o iba pang kaayusan, iuulat ng nagpapautang sa mga ahensya na nag-uulat ng kredito na ikaw ay bayad na sa iyong utang o account.
  • Kung delinkuwente na ang iyong account at nakipagkasundo ka, hindi ka maiuulat ng nagpapautang bilang mas delinkuwente (gaya ng pag-uulat sa iyo bilang 60 araw na delinkuwente nang nagsimula ka na 30 araw na delinkuwente) sa panahon ng kasunduan.
  • Kung delinkuwente na ang iyong account at nakipagkasundo ka, at nabayaran mo ang iyong account, dapat iulat ng nagpapautang na bayad ka na sa iyong utang o account.

Gagamitin lang itong kinakailangan ng CARES Act sa mga kasunduan na ginawa sa pagitan ng June 31, 2020 at mas huli ng alinman sa:

  • 120 araw pagkatapos ng March 27, 2020 o
  • 120 araw pagkatapos ng pagtatapos ng pambansang emergency kaugnay ng COVID-19.

Kung HINDI nagbigay ang iyong tagapagpautang ng isang kaayusan:

Kung hindi kinakailangan sa iyong tagapagpautang na magbigay ng kaayusan at nagpasya na hindi makipagkasundo sa iyo, malamang na makaapekto ito sa iyong ulat ng kredito. Kung hindi ka nakapagbayad o ng minimum [pinakamababa] na bayad na hinihingi at hindi ka makakuha ng kaayusan, malamang na iulat ng iyong tagapagpautang na delinkuwente na ang iyong account.

Maaaring mag-alok sa iyo ang iyong tagapagpautang o maaari kang humiling na ilagay ng tagapagpautang ang "espesyal na puna" sa iyong account na itinatala na apektado ang account ng isang pambansang emergency bilang resulta ng pandemya. Hindi maaapektuhan ng puna ang iyong mga iskor ng kredito, at irerekord pa rin ang iyong utang bilang delinkuwente. Ngunit maaaring isaalang-alang ito ng isang posibleng kasero, employer, o tagapagpautang kapag isinasaalang-alang ka para sa isang utang, trabaho, o pabahay. Maaaring makatulong ang espesyal na puna na maintindihan ng isang tagapagpautang o iba pang gumagamit ng ulat na karaniwan kang nagbabayad ngunit hindi makapagbayad sa loob ng isang yugto ng panahon dahil sa pandemya. Bilang karagdagan, pansamantala ang espesyal na puna at maaari lang makita sa iyong account sa isang yugto ng panahon, gaya ng sa panahon ng nakadeklarang pambansang emergency. Kapag huminto ang tagapagpautang na magbigay ng impormasyon ng espesyal na puna, permanente at ganap itong mawawala mula sa iyong ulat ng kredito. Walang magiging rekord na nagkaroon kailanman ng espesyal na puna na inilagay sa iyong ulat ng kredito.

Maaari ka ring magdagdag ng "permanenteng puna" sa file ng iyong kredito na nagsasabi na naapektuhan ka nang malubha ng pandemya. Hindi maaapektuhan ng puna na ito ang iyong iskor ng kredito, at ipakikita pa rin ang iyong delinkuwenteng utang sa iyong iskor ng kredito. Gayunman, mananatili ang puna sa iyong file kahit tapos na ang pambansang emergency, at maaari itong isaalang-alang ng isang posibleng kasero, employer, o tagapagpautang.

Ang CARES Act ay gagamitin din sa ilang utang na federal ng mag-aaral at kasama ang mga kinakailangan na may kaugnayan sa paghinto ng mga pagbabayad at pag-uulat ng kredito. Sa panahon na sinuspinde ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga pagbabayad sa mga utang na federal ng mag-aaral, iuulat ang anumang pagbabayad na sinuspinde na parang ito ay isang karaniwang naka-schedule na pagbabayad na ginawa ng umuutang.

Paano ako makakukuha ng kopya ng aking ulat ng kredito?

Sa ngayon, mas madali higit kailanman na tingnan ang iyong ulat ng kredito nang mas madalas. Iyon ay dahil lahat ay karapat-dapat na makakuha ng libreng lingguhang online na mga ulat ng kredito mula sa tatlong ahensya na nag-uulat ng kredito sa buong bansa: Equifax, Experian, at Transunion. Upang makuha ang iyong mga libreng ulat, pumunta sa AnnualCreditReport.com . Ginagawa ng mga ahensya na nag-uulat ng kredito ang mga ulat na ito nang libre hanggang Abril 2021.

Kinakailangan na sa bawat isa sa tatlong ahensya na nag-uulat ng kredito sa buong bansa – ang Equifax, TransUnion, at Experian – na bigyan ka, sa iyong paghiling, ng libreng ulat ng kredito minsan bawat labindalawang buwan. Siguraduhing tingnan ang iyong mga ulat para sa mga pagkakamali at tutulan ang anumang maling impormasyon.

Bilang karagdagan sa iyong libreng lingguhang online na mga ulat ng kredito hanggang April 2021 at ang iyong libreng taunang mga ulat ng kredito, may karapatan ang lahat ng consumer sa U.S. sa anim na libreng ulat ng kredito bawat 12 buwan mula sa Equifax hanggang December 2026. Maaari mong ma-abot itong mga libreng ulat online sa AnnualCreditReport.com o kumuha ng isang "myEquifax" account sa equifax.com/personal/credit-report-services/free-credit-reports/  o tumawag sa Equifax sa 866-349-5191.

Gaano kadalas ko dapat tingnan ang aking mga ulat ng kredito pagkatapos makipag-usap sa aking tagapagpautang?

Pagkatapos gumawa ng kasunduan o kaayusan sa iyong tagapagpautang, dapat mong tingnan ang iyong mga ulat ng kredito upang masiguro na tumpak na ipinakita ang kasunduan o kaayusan.  Halimbawa, kung sumang-ayon ang iyong tagapagpautang na payagan kang huminto ng isang buwang bayad, siguraduhin na hindi nila ito iniuulat bilang delinkuwente o isang nalampasang pagbabayad. Maaaring magtagal ng isang buwan o higit pa para makita sa iyong mga ulat ng kredito ang mga pagbabago mula sa iyong tagapagpautang, ngunit dapat mong tingnan ang mga ito nang regular lalo na kung ikaw ay nasa o pupunta sa merkado para sa kredito, o kung gagamitin ang iyong data sa pag-uulat ng kredito para gumawa ng desisyon ng pagpapautang, trabaho, o pabahay tungkol sa iyo. Kaya, tingnan ang iyong mga ulat ng kredito pagkatapos ng isa o dalawang buwan upang makita kung tumpak ang mga ulat.

May iba pang ulat na maaari mong gustuhing tingnan, gaya ng mga ulat na nagmamanman sa kasaysayan ng iyong bank at checking account, telepono, serbisyong-bayan, at kasaysayan ng pagbabayad ng upa, at iba pa. Ang CFPB ay may isang listahan ng mga kompanya na nag-uulat ng consumer kung saan maaari mong malaman pa ang tungkol sa kung anong mga ulat ang maaaring mahalaga sa iyo, depende sa iyong partikular na kalagayan.

Maaari ka ring makakuha ng libreng kopya ng iyong mga iskor ng kredito. Tingnan ang naka-update na listahan ng mga kompanya at organisasyon na nagsabi na nagbibigay sila ng mga libreng iskor ng kredito upang malaman ang tungkol sa iyong mga pagpipilian para sa pag-access sa isa sa iyong iskor ng kredito nang walang bayad.

Paano ko maitatama ang mga pagkakamali sa aking ulat ng kredito?

Kung hindi tumpak ang mga ulat ng iyong kredito o hindi ipinapakita ang iyong mga kasunduan sa iyong mga tagapagpautang, maaari mong tingnan ang iyong mga ulat para sa mga pagkakamali at tutulan ang anumang hindi tumpak na impormasyon. Kung makakita ka ng hindi tumpak na impormasyon sa iyong mga ulat ng kredito, gamitin ang hakbang-hakbang na gabay ng CFPB upang tutulan ang impormasyong iyon sa ahensya na nag-uulat ng kredito at sa kompanya na nagbibigay ng impormasyong iyon sa kanila, na kilala bilang isang “tagapagbigay.” Matapos mong ipadala ang iyong pagtutol, tingnan muli ang iyong ulat. Maaari mong naisin na maghintay ng isa o dalawang buwan bago tingnan upang makita kung naitama na ang pagkakamali. Dapat mong tingnan ang iyong mga ulat sa lahat ng tatlong ahensya na nag-uulat ng kredito sa buong bansa. Maaari lang iulat o ibigay ng iyong tagapagpautang o nagpapautang ang iyong impormasyon sa isang ahensya na nag-uulat ng kredito, kaya masisiguro ng pagtingin sa lahat ng tatlong ahensya na alam mong iniulat nang tama ang iyong impormasyon. At kung kailangan mong tutulan ang maling impormasyon, malalaman mo kung aling ahensya na nag-uulat ng kredito ang kakausapin.

Kung hindi nalutas ang iyong pagtutol sa ahensya na nag-uulat ng kredito, maaari mong hingin na isama ang isang maikling pahayag ng pagtutol sa iyong file at nakasama o nakabuod sa mga ulat sa hinaharap. Maaari ka ring magsumite ng isang reklamo anumang oras sa CFPB sa consumerfinance.gov/complaint.

Join the conversation. Follow CFPB on X (formerly Twitter) and Facebook .