Skip to main content

Mga tips [payo] para sa mga tagapag-alaga pampananalapi sa panahon ng pandaigdigang salot ng coronavirus

Sa kabila ng mga pagkagambala sa buong bansa na dulot ng coronavirus, o COVID-19, patuloy ang aming araw-araw na pagsusumikap upang matulungan ang mga matatanda at kanilang mga pamilya. Ang mga nagsisilbi bilang mga tagapag-alaga pampananalapi para sa mga matatanda o mga taong may mga kapansanan ay maaaring magkaroon ng mga katangi-tanging pag-aalala at hamon. Mas nanganganib ang mga matatanda na magkaroon ng malubhang sakit mula sa COVID-19 at samakatuwid ay mas malamang na ibukod ang sarili, na maaari ring magkaroon ng mga resulta pampananalapi. Narito kami upang magbigay ng naaayon sa panahong impormasyon at mapagkukunan ng suporta (sa Ingles).

Kahit sa pinakamabuting panahon, maaaring subukin ng iba na samantalahin ang isang nakakatanda. Maaring kabilangan sa iyon a ang pamilya, mga kaibigan, kapitbahay, tagapag-alaga, katiwala, mga taong nasa negosyo, at iba pa. Maaari silang kumuha ng pera nang walang pahintulot, hindi bayaran ang pagkakautang nila, maningil nang labis para sa mga serbisyo, o hindi gawin ang ibinayad sa kanilang gawin. Ito ang mga halimbawa ng pananamantala sa pananalapi o pang-aabuso sa pananalapi ng matatanda. Sa mga mapanghamong panahon, maaaring maging mas karaniwan ang pananamantala sa pananalapi ng matatanda. Ang mga scammer, na kapwa kilala at hindi kilala ng kanilang mga pinatatamaan ay kadalasang nakatuon ang atensyon sa mga matatanda dahil maaaring mayroon silang mga arian o regular na kita sa anyo ng mga benepisyo sa pagreretiro o mga naipong pera at dahil kadalasan sila ay magalang at mapagtiwala.

Tulong para sa mga tagapag-alaga pampananalapi

Kung hindi mo maaaring makasama ang isang taong tinutulungan mo sa pangangasiwa ng pera, dahil sa mga paraan ng pag-iwas ng virus kagaya ng pagdidistansya ng sarili sa tao (social distancing) at mga quarantine, narito ang mga tips:

  • Maaaring mas lalala ang usaping ito dahila sa mga paraan pampigil ng virus kagaya ng social distancing [paglalayo sa iba] at quaratine. Makakatulong na makapag-ugnay ang mga matatanda at kanilang pamilya sa pamamagitan mga pagtawag sa phone at video chat, sa panahong itong hinihikayat ng mga may-katungkulan pangkalusugan na pigilin ang pakipag-uugnay. Alamin at magtanong kung ang iyong mga mahal sa buhay ay nagpapahayag ng pag-aalala tungkol sa pera o nagbabanggit ng hindi pangkaraniwang gawain.
  • Dapat malaman ng mga matatanda, pati na rin ang mga miyembro ng kanilang pamilya, ang mga karaniwang uri ng scam, pati na rin ang kung paano maiiwasan at ire-report ang mga ito. Makakatulong ang aming gabay na Mapagkukunan ng Impormasyon at Suporta para sa Matalinong Paggasta para sa mga Matatanda (sa Ingles).
  • Dagdagan ang kaalaman tungkol sa kung ano ang maaari at hindi mo maaaring gawin sa pamamagitan ng pagbabasa sa aming Mga gabay sa Pangangasiwa sa Pera ng Ibang Tao (sa Ingles). Ang mga gabay ay tutulong sa iyong maunawaan ang iyong papel bulang tagapag-alaga pampananalapi, na tinatawag ding katiwala. Ipinapaliwanag sa bawat gabay ang iyong mga responsibilidad, kung paano matutukoy ang pananamantala sa pananalapi, at maiwasan ang mga scam.
  • Kung naninirahan ang mahal mo sa buhay sa isang assisted living o nursing facility (pasilidad na may tumutulong na propesyonal na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan), maaaring makatulong ang pagbabasa ng Pagpangangalaga sa mga residente sa pananamantala sa pananalapi (sa Ingles), ang aming manual para sa mga assisted living at nursing facility na makakatulong sa iyong matukoy ang mga palatandaang babala na maaaring magpahiwatig ng pananamantala sa pananalapi.

Join the conversation. Follow CFPB on X (formerly Twitter) and Facebook .