Bigyan ng kasanayan ang iyong mga anak pagdating sa pera habang sila ay nasa bahay nang walang sa eskuwela
- English
- Español
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
Dahil sa coronavirus, walang pasok sa maraming paaralan o nagtatransisyon sa distance learning at nauunawaan naming nasa bahay ang iyong mga anak kasama mo o ibang mga tagapag-alaga sa bahay. Gamitin ang aming mga libreng aktibidad upang tulungan ang mga batang bumuo ng mahahalagang kasanayang kakailangannin nila upang mapangasiwaan ang pera patungo sa pagiging adulto.
Dahil sa mga batang hindi inaasahang mananatili sa bahay dahil walang pasok–mula preschool hanggang kolehiyo–maaaring naghahanap ka ng paraan upang mapanatiling nakikibahagi at natututo ang iyong mga anak. Lumikha kami ng mga laro at aktibidad na makakatulong sa iyong mga anak at mga nakababatang adultong makakuha ng mga kasanayan sa pera. Ang pinakamabuti sa lahat, hindi mo kailangang maging eksperto sa pera upang gamitin ang mga ito. Narito ang ilang tips at aktibidad upang matulungan kang turuan ang iyong mga anak ng tungkol sa mga personal na pinansiya.
Upang bumuo ng mga kasanayan sa pera, sundin ang tatlong building blocks
Nagsagawa kami ng pananaliksik sa kung paano nabubuo ang kakayahang pampinansyal ng mga bata at nakababatang adulto na kakailanganin nila sa pagiging adulto. Hinati namin ito sa tatlong “building blocks” (“pangunaging bagay sa pagbuo”) na makukuha ng mga bata habang sila ay lumalaki. Ang lahat ng aming aktibidad sa edukasyong pampinansyal ay nakabatay sa tatlong building blocks na ito:
Ehekutibong pagganap
Ang kakayahang magplano nang maaga, tandaan ang impormasyon, mag-multitask, lumutas ng mga problema, at kontrolin ang mga udyok. Nabubuo ng mga bata ang mga kakayahang ito ng kasing-aga ng 3 taong gulang at patuloy na nabubuo sa kanila sa buong pagkabata.
Mga gawi at pagpapahalagang pampinansyal
Gumagamit ang mga tao ng mga pamantayan, shortcut, rutinang gawi, at mga tuntunin sa pamumuhay, sa pagtahak sa mga pang-araw-araw na aktibidad na pampinansyal. Mabilis na nabubuo ang aspetong ito sa panahong nasa paaralang elementarya at sa mga taon bago magdalaga at magbinata.
Mga kasanayan sa pagpapasya sa pinansya
Mahalaga ito sa pagbuo ng pamilyaridad sa mga konseptong pampinansyal at kahusayan sa pananaliksik at pagsusuri. Ang mga nagdadalaga at nagbibinata at mga nakababatang adulto ay may mabubuting oportunidad na buuin ang mga ganitong kasanayan.
Ang paggamit ng mga building blocks bilang balangkas ay makakatulong sa iyong mapanatili ang iyong mga pakikipag-usap tungkol sa pera na naaangkop sa edad. Kung may mga katanungan ang iyong mga anak tungkol sa mga paksa sa pera, maaari mong isaisip ang mga building blocks kapag sumagot ka. Halimbawa, kung nagtanong ang iyong anak ng tungkol sa mga credit card, narito ang kung paano ka maaaring sumagot:
Para sa anak na pumapasok sa paaralan, ikonekta ang iyong mga pagpapahalaga
“Ang pagbili ng isang bagay gamit ang credit card ay maaaring hindi katulong ng paggasta ng pera, ngunit gumagastos ako. Nangangako akong babayaran ang aking bill sa credit card sa kalaunan, at kailangan kong tuparin ang pangakong iyon.”
Para sa anak na pumapasok sa paaralan, ikonekta ang iyong mga pagpapahalaga
“Kumbinyente ang mga credit card, at mahalagang gamitin ang mga ito sa tamang paraan. Ang personal kong tuntunin ay gamitin ang cash para sa anumang mas mababa sa $20, upang masigurong hindi nagpapatung-patong ang malilit na halaga at nagiging isang malaking bill sa credit card.”
Para sa nagdadalaga at nagbibinata, buuin ang mga kasanayan sa pananaliksik
“Maghanap tayo ng isang online na calculator upang makita kung magkano ang aabutin upang mabayaran ang $1,000 bill sa credit card sa pamamagitan ng pagbabayad ng minimum na balanse kada buwan.”
Dagdagan ang kaalaman tungkol sa mga building blocks ng kakayahang pampinansyal.
Mga libreng aktibidad sa edukasyong pampinansyal para magamit ng mga magulang sa kanilang mga anak
Pinagtipun-tipon namin ang ilan sa aming mga aktibidad na pang-classroom na Money As You Grow (Ang Pera Habang Ika’y Lumalaki) at Youth Financial Education (Edukasyong Pampinansyal para sa Kabataan) para magamit mo sa iyong mga anak. Upang magamit ang mga aktibidad na pang-classroom, maaaring kailanganin mo mismong basahin o i-download ang gabay sa guro, at pagkatapos ay i-print ang gabay sa estudyante at mga aktibidad para sa iyong anak at pahintulutan silang kumpletuhin ang mga worksheet sa digital na paraan.
Ang mga batang nasa edad na 3 hanggang 5 ay kadalasang napakabata pa para maunawaan ang mga abstraktong konsepto ng pinansya, ngunit maaari silang makabuo ng pundasyong magdudulot sa kanila ng kabutihan sa hinaharap. Ang mga mapagkukunan ng impormasyong ito ay makakatulong sa iyong anak pagdating sa ehekutibong pagganap – ang kakayahang the ability to plan ahead, iantala ang kasiyahan, mag-multitask, lumutas ng mga problema, iwasan ang pabigla-bigla, at marami pa.
- Larong kunwa-kunwarian – Ang kunwa-kunwarian ay nakakatulong sa mga batang magpokus, mag-isip nang may kakayahang mag-angkop, at magplano nang maaga. Gumamit ng mga sitwasyon sa aktibidad o gamitin ang iyong sariling imahinasyon! I-download ang aktibidad na larong kunwa-kunwarian.
- Mga Pagpipilian sa Paglalakbay sa Kalawakan – Sa aktibidad na ito, magpapasya ang iyong anak ng kung ano ang dadalhin sa isang napakaliit na rocket ship. Tulungan silang magsanay na pumili at sa mga kapalit nito dahil sa mga limitadong mapagkukunan, isang pangunahing bahagi ng pangangasiwa sa pera. I-download ang aktibidad ng paglalakbay sa kalawakan.
- Money as You Grow Bookshelf – Basahin ang ilan sa mga popular na aklat na ito para sa mga bata at gamitin ang iyong mga gabay sa magulang upang makatulong sa pagtalakay sa mga leksyon tungkol sa pera. Tandaan: Kung wala ka ng mga aklat na ito, maaari mo pa ring gamitin ang mga aktibidad sa mga huling bahagi ng mga gabay. Tingnan ang mga aklat na bahagi ng Bookshelf.
- Mga Aktibong laro na bumubuo sa kontrol – Ang mga ito ay nakakatulong sa mga batang matutunan ang kung paano maghintay, sundin ang mga direksyon, magbigay-pansin, at magsanay sa pagkontrol ng kanilang pag-uugali. Mga Halimbawa: Follow the Leader (Sundin ang Pinuno), Simon Says (Ang Sabi ni Simon), at Red Light Green Light (Pulang Ilaw Berdeng Ilaw).
Sa pagitan ng mga edad na 6 hanggang 12 taon, maaari mong tulungan ang iyong mga anak na matutunan ang ga patnubay at mga pang-araw-araw na gawi na hinuhubog ang kung paano sila kumikita, nag-iipon, at bumibili. Tulungan ang iyong anak na pumapasok sa paaralan o nagsisimula pa lamang magdalaga at magbinata ng mga gawi at pagpapahalagang pampinansyal Palaging isaisip na ang pagtalakay sa mga aktibidad na ito sa iyong anak – habang sila ay lumalaki, o pagkatapos – ay makakatulong sa kanilang iproseso at gamitin ang kanilang natututunan.
- Bingo on the go – Habang isinasagawa ang pisikal na pagdidistansya, magmaneho o maglakad-lakad sa iyong komunidad at markahan ang iba’t ibang uri ng mga lugar sa paligid ng iyong tirahan at pag-usapan kung paano pinopondohan ang bawat lugar – pampubliko, pribado, nonprofit, o kumbinasyon ng mga ito. I-download ang aktibidad na bingo.
- Paggamit ng mga idyoma upang itaguyod ang pag-iipon – Ang bawat wika ay may mga pantas na kasabihan o parirala na nagbibigay ng payo sa kung paano mamuhay sa responsableng paraan at nag-iisip nang mabuti. Sa aktibidad na ito, maaaring galugarin ng iyong anak ang mga kasabihan sa Ingles na gumagamit ng mga tayutay upang maunawaan nang mas mabuti ang mga konsepto sa pinansya gaya ng pag-iipon at pagkita ng pera. I-download ang aktibidad sa mga ekspresyon sa pera.
- Pagbuo ng isang mabuting reputasyon sa paghiram ng pera – Ang mga taong may mabuting reputasyon bilang isang borrower (humihiram ng pera) ay mas malamang na makuha ang tiwala ng isang lender. Sa aktibidad na ito, susuriin ng iyong anak ang mga profile ng tatlong tao upang magpasya kung anong uri ng reputasyon sa paghiram ng pera mayroon ang mga ito. I-download ang aktibidad sa reputasyon sa paghiram ng per.
- Subukan ang mga sinasabi sa komersyal ng telebisyon – Ipaliwanag sa iyong anak na ang mga komersyal sa telebisyon ay gumagamit ng mga espesyal na salita, musika, at kapaligiran upang bigyan tayo ng pagnanais na bumili. Sa aming bookshelf ng gabay sa magulang para sa “Bargain for Frances,” tinatalakay nito ang isang aktibidad upang tulungan ang iyong anak na matutunan kung paano maaaring maapektuhan ng mga komersyal ang ating pag-iisip. Maaari tayong masiraan ng loob kung bibili tayo ng isang bagay na inanunsyo nang hindi muna inaalam ang tungkol dito. I-download ang gabay sa magulang, ang pahina 9 ay may aktibidad sa komersyal.
- Mga Gabay sa Magulang na Money As You Grow Bookshelf – Kahit na nalakihan na ng iyong anak ang mga aklat na ito, maaari mo pa ring i-download ang mga Gabay sa Magulang ay pumunta sa mga huling pahina para sa mga aktibidad na gagawin sa bahay. Bisitahin ang Money As You Grow Bookshelf.
Ang mga nagdadalaga at nagbibinata at nakababatang adult ay karaning nagsisimulang kumita at gumawa ng mga desisyon nang mag-isa. Makakatulong sa kanila ang pangangasiwa, gabay, at saloobin ng adulto sa matagumpay na pagtahak dito. Sa ibaba ay matatagpuan mo ang mga piling aktibidad para sa iyong nagdadalaga at nagbibinata o nakababatang adulto na tutulong sa kaalamang pampinansyal at pagpapasya – ang mga kasanayan ng pananaliksik at pagkukumpara sa pamimili na tutulong sa kanilang hanapin ang mapagkakatiwalaang impormasyon, iproseso ito, at iangkop sa sarili nilang sitwasyon. Tandaan na ang pagtalakay sa mga desisyon pagdating sa pera kasama ang isang pinagkakatiwalaang adulto ay maaaring makatulong sa mga nagdadalaga at nagbibinata na magkaroon ng kumpiyansa sa paraan ng kanilang pag-iisip.
- Mga trabaho ng mga miyembro ng pamilya – Sa aktibidad na ito, maaaring makipag-usap ang iyong anak na nagdadalaga o nagbibinata sa mga miyembro ng pamilya upang magsaliksik at magkumpara ng mga trabahong mayroon sila at kung anong edukasyon at pagsasanay ang kailangan upang marating ito. I-download ang aktibidad sa mga trabaho ng pamilya .
- Pagbabasa tungkol sa insurance – Nakakatulong ang insurance sa pagprotekta sa mga tao mula sa mga panganib sa kalusugan at pinansya. Sa aktibidad na ito, natututunan ng iyong anak na nagdadalaga o nagbibinata ang mga paraan upang maprotektahan nila ang kanilang mga sarili sa panganib at maiwasan ang pagbabayad ng malaki kapag nagkaproblema. I-download ang aktibidad ng pagbabasa tungkol sa insurance.
- Pagpili ng pinakamabuting cell phone plano para sa iyo – Ang pananaliksik sa produkto at pagkukumpara kapag namimili ay nakakatulong sa mga taong gumawa ng desisyon sa pagbili nang may kabatiran. Makakapagsaliksik ang iyong anak na nagdadalaga o nagbibinata ng mga feature at halaga ng mga cell phone at mga cell phone plan at gumamit ng matrix sa pagdedesisyon upang ikumpara ang mga opsyon. I-download ang aktibidad ng pagpili ng cell phone plan.
- Pag-uulat ng panlilinlang o pagnanakaw ng pagkakakilanlan sa mga awtoridad – Naaapektuhan ng panlilinlang at pagnanakaw ng pagkakakilanlan ang milyun-milyong Amerikano kada taon. Sa aktibidad na ito, tinutugma ng iyong anak na nagdadalaga o nagbibinata ang mga paglalarawan sa krimen ng panlilinlang at pagnanakaw ng pagkakakilanlan sa mga naaangkop na hakbang ng aksyong gagawin sakaling may totoong krimen . I-download ang aktibidad ng pag-uulat ng panlilinlang at pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
Ang FDIC Money Smart
Tingnan ang mga mapagkukunan ng impormasyong ito mula sa aking mga kasama sa FDIC! Mayroon silang mga aktibidad, leksyon, at ideya upang matulungan ang mga batang mapatibay ang mga gawi at pagpapahalaga pagdating sa pera.
Mga gabay sa magulang at tagapag-alaga na FDIC Money Smart:
- Mga Baitang Pre-K hanggang 2
- Mga Baitang 3 hanggang 5
- Mga Baitang 6 hanggang 8
- Mga Baitang 9 hanggang 12
Stay informed
Sign up for the latest financial tips and information right to your inbox.