Skip to main content
Credit reports and scores key terms (in Tagalog)

Mga pangunahing termino para sa mga credit report at score

Credit inquiry

Ang inquiry ay tumutukoy sa paghiling na tingnan ang iyong credit file, at karaniwan itong napapailalim sa dalawang uri.

Magbasa pa


Credit invisible

Noong 2015, kami ay naglathala ng ulat kung saan natagpuan namin na 26 na milyong Amerikano ay “credit invisible”. Ipinapahiwatig sa numerong ito na isa sa bawat sampung nasa hustong gulang ay walang anumang credit history sa isa sa tatlong kumpanya para sa credit report sa buong bansa. Ang karagdagang 19 na milyong mamimili ay may mga credit file na “hindi mabigyan ng score” na nangangahulugang manipis ang kanilang file at walang sapat na credit history (9.9 milyon) o mayroon silang mga luma nang file at kulang ng anumang credit history kamakailan (9.6 milyon). Sa kabuuan, mayroong 45 milyong mamimili na tinanggihan ng access sa credit dahil wala silang mga credit record na maaaring mabigyan ng score. Ang mga taong credit invisible o hindi mabigyan ng score ay karaniwang walang access sa kalidad na credit at maaaring maharap sa iba't ibang problema, mula sa pagsubok sa kumuha ng credit pati na rin sa pag-lease ng apartment.


Credit monitoring service

Ang credit monitoring service ay isang pangkomersyong serbisyong nagpapataw sa iyo ng singil upang masubaybayan ang iyong mga credit report at alertuhan ka sa mga pagbabago sa mga account na nakalista sa iyong credit report.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)


Credit report

Ang credit report ay isang pahayag na may impormasyon tungkol sa aktibidad ng iyong credit at kasalukuyang sitwasyon ng iyong credit tulad ng kasaysayan ng pagbabayad ng loan at katayuan ng iyong mga credit account.


Kumpanya para sa credit report (Credit reporting company)

Ang mga kumpanya para sa credit report, na kilala rin bilang mga credit bureau o mga ahensyang nag-uulat tungkol sa mamimili, ay mga kumpanyang lumilikom at nagbebenta ng mga credit report.


Credit score

Sa credit score nalalaman kung gaano kasigurong mababayaran mo ang loan sa oras. Ginagamit ng mga kumpanya ang pormulang pangmatematika—na tinatawag na modelo ng pag-score—para lumikha ng iyong credit score mula sa impormasyon sa iyong credit report. Mahalagang malaman na hindi lamang “iisang” credit score ang mayroon ka at mayroong maraming credit score na makukuha mo, pati na rin sa mga nagpapautang. Ang anumang credit score ay nakadepende sa datosa na ginamit para kalkulahin ito, at maaaring magkakaiba depende sa modelo ng pag-score, pinagmulan ng iyong credit history, uri ng produkto ng loan, at maging ang araw kung kailan ito kinalkula.


Fair Credit Reporting Act

Itinataguyod ng pederal na Fair Credit Reporting Act (FCRA, Batas sa Patas na Pag-uulat ng Credit) ang kawastuhan, pagiging patas, at pagkapribado ng impormasyon sa mga file ng mga ahensyang nag-uulat tungkol sa mamimili. Mayroong maraming uri ng ahensyang nag-uulat tungkol sa mamimili, kabilang ang mga credit bureau at mga ahensyang may espesyalidad (tulad ng mga ahensyang nagbebenta ng impormasyon tungkol sa mga kasaysayan ng pagsulat ng tseke, medikal na rekord, at rekord ng kasaysayan ng pag-upa). Alamin pa ang tungkol sa iyong mga pangunahing karapatan sa ilalim ng FCRA .


FICO score

Ang FICO® score ay isang partikular na tatak ng credit score.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)


Fraud alert

Ang fraud alert ay nag-aatas sa mga creditor na tingnan ang iyong credit report upang gumawa ng mga hakbang upang maberipika ang iyong pagkakakilanlan bago magbukas ng panibagong account, mag-isyu ng karagdagang card, o pataasin ang credit limit sa kasalukuyang account batay sa kahilingan ng mamimili. Kapag nagtakda ka ng fraud alert sa iyong credit report sa isa sa mga kumpanya para sa credit report sa buong bansa, kailangan nitong abisuhan ang iba. May dalawang pangunahing uri ng fraud alert: ang mga paunang fraud alert at mga pinalawig na fraud alert.



Libreng credit report (Free credit report)

May karapatan kang humiling ng isang libreng kopya ng iyong credit report kada taon mula sa bawat isa sa tatlong pangunahing kumpanya ng credit report para sa mamimili (Equifax, Experian at TransUnion) sa pamamagitan ng pagbisita sa AnnualCreditReport.com . Kapag bumibisita sa AnnualCreditReport.com , maaari mong tingnan ang mga hakbang na ito para makita ang iyong mga ini-update na credit report nang walang bayad, online. Sa oras na matanggap mo ang iyong taunang libreng credit report, maaari ka pa ring humiling ng mga karagdagang report. Ayon sa batas, ang isang kumpanya ng credit report ay maaaring magpataw ng hindi hihigit sa $14.50 para sa credit report.

Basahin pa (sa Ingles)



Pagsubaybay sa pagkakakilanlan o proteksyon sa identity theft (Identity monitoring or identity theft proection)

Sinusubaybayan ng mga serbisyo sa identity theft ang personal na matutukoy na impormasyon sa mga aplikasyon sa credit, pampublikong rekord, website, at iba pang mga lugar para sa anumang kakaibang aktibidad na maaaring mga palatandaan ng identity theft.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)


Identity theft

Nangyayari ang identity theft kapag may isang taong nagnakaw ng iyong pagkakakilanlan upang manloko. Ang pagnanakaw ng iyong pagkakakilanlan ay maaaring mangahulugang paggamit ng personal na impormasyon nang wala ang iyong pahintulot, tulad ng:

  • Iyong pangalan
  • Numero ng Social Security
  • Numero ng credit card


Active duty alert sa militar (Military active duty alert)

Ang mga miyembro ng militar (tulad ng mga miyembro ng Marines, Army, Navy, Air Force, at Coast Guard) ay maaaring humiling ng active duty alert. Kapag nagtakda ka ng active duty alert sa iyong credit report, kailangang gumawa ng mga makatuwirang hakbang ang mga creditor upang matiyak na ikaw talaga ang taong gumagawa ng kahilingan bago magbukas ng account, mag-isyu ng karagdagang credit card sa kasalukuyang account, o pataasin ang credit limit sa kasalukuyan mong account. Ang mga active duty alert ay nagtatagal ng 12 buwan. Aalisin din ang iyong pangalan sa mga listahang pang-marketing bago masiyasat ng mga kumpanya para sa credit report sa buong bansa para sa mga handog na credit at insurance ng dalawang taon.


Nabayarang koleksyon (Paid collection)

Ang nabayarang koleksyon ay isang account na napunta sa mga koleksyon dahil dapat itong bayaran at pagkatapos ay nabayaran na.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)


Security freeze

Sa “security freeze” sa iyong credit report, naiiwasang i-access ng mga bagong creditor ang iyong credit file, pati na rin ang pagbukas ng ibang tao ng mga account sa pangalan mo hanggang sa alisin mo ang pagka-freeze nito. Dahil karamihan sa mga negosyo ay hindi magbubukas ng mga credit account nang hindi tinitingnan ang iyong credit report, mapipigilan ng freeze ang mga magnanakaw ng pagkakakilanlan na magbukas ng mga bagong account na nakapangalan sa iyo.


May espesyalidad na kumpanyang nag-uulat tungkol sa mamimili (Specialty consumer reporting company)

Ang mga may espesyalidad na kumpanyang nag-uulat tungkol sa mamimili ay nangongolekta at nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng iyong trabaho, kasaysayan ng transaksyon sa negosyo o kasaysayan ng pagbabayad para sa partikular na produkto o serbisyo.


Ulat ng pagsasala sa nangungupahan (Tenant screening report)

Isang ulat na ginagamit ng mga nagpapaupa upang makatulong sa paggawa ng mga desisyon sa mga posibleng mangungupahan. Ang ulat ng pagsasala sa nangungupahan ay maaaring maglaman ng impormasyon mula sa maraming mapagkukunan kabilang ang kasaysayan ng pag-upa at mga credit report.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)


Manipis na credit file / Walang credit file (Thin credit file / No credit file)

Ang manipis na credit file o walang credit file ay nangangahulugan na ang isang indibidwal ay walang credit history o hindi sapat ang kasalukuyang credit history para makabuo ng credit score. Tingnan ang Credit invisible