Nagkakaproblema sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa?
- English
- Español
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
- Pусский
- العربية
- Kreyòl Ayisyen
Nagtungo ka sa tamang lugar. Ang Kawanihan ng Pinansyal na Proteksyon sa Mamimili (Consumer Financial Protection Bureau, CFPB) ay isang ahensya ng pamahalaan ng U.S. na nakatuon sa pagtitiyak na tinatrato ka nang patas ng mga bangko, nagpapautang, at iba pang mga pinansyal na institusyon. Pinangangasiwaan namin ang mga kumpanyang nagkakaloob ng mga pagpapadala ng pera.
Sa pahinang ito:
Alamin muna ang gagawin
Kung nagkakaproblema ka sa pagpapadala ng pera, agad na makipag-ugnayan sa kumpanya.
Sa ilang kaso, maaari kang makatanggap ng refund o muling maipapadala ang padala nang walang dagdag na bayad.
Pagkansela ng pagpapadala ng pera
Sa pangkalahatan, maaari mong kanselahin ang internasyonal na pagpapadala ng pera sa loob ng 30 minuto pagkatapos itong maipadala. May eksepsyon: kapag ang taong tatanggap ng pera ay natanggap na ito o ang pera ay naideposito na sa kanilang account. Hindi ka magbabayad ng singil para sa pagkansela.
Kapag nakipag-ugnayan ka sa kumpanya, maging handa at ihanda ang iyong impormasyon
- Ang iyong pangalan, address, numero ng telepono, at numero ng account o numero ng transaksyon
- Ano ang nangyari—malinaw at diretso sa punto hangga't maaari
- Ano ang kailangan mo para malutas ang problema
- Mga dokumento o screen shot na nagpapakita ng kung ano ang nangyari
- Ang tatandaan
- Huwag na huwag ipo-post ang iyong personal na data sa social media o mga review site
- Iwasan ang galit, sarkastiko, o mapanakot na salita
- Magtala habang nagpapatuloy ka—sino ang nakausap mo, kailan, at ano ang sinabi nila
May karapatan ka sa pag-iimbestiga ng mga problema
Maaari kang mag-ulat ng problema sa pagpapadala hanggang 180 araw mula sa petsa na makukuha ang mga pondo, ayon sa petsang ipinapakita sa iyong resibo. Kailangan itong siyasatin ng kumpanya sa loob ng 90 araw mula ng inabisuhan mo sila at kailangang iulat ang mga resulta sa iyo. Sa ilang kaso, maaari kang makakuha ng refund o muling maipapadala ang padala.
Alamin kung paano makakatulong ang CFPB
Magsumite ng reklamo tungkol sa pagpapadala ng pera
Kung sinubukan mo nang makipag-ugnayan sa kumpanya at hindi nalutas ang iyong problema, maaari kang magsumite ng reklamo sa CFPB. Ipaalam sa amin ang tungkol sa iyong problema—ipapadala namin ito sa kumpanya at magsusumikap upang makuha ang sagot para sa iyo, na karaniwan sa loob ng 15 araw.
Hanapin ang mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa pagpapadala ng pera (nasa Ingles ang mga sagot)
- Maaari mo bang kanselahin ang pagpapadala ng pera?
- Nagpadala ako ng pera sa isang tao at hindi niya makuha ang pera dahil hindi tumutugma ang kanyang impormasyon sa ibinigay ko. Ano ang maaari kong gawin?
- Nagpadala ako ng pera sa isang tao sa ibang bansa, ngunit ang halagang natanggap ay mas mababa kaysa sa ipinadala ko. Ano ang maaari kong gawin?
Para sa mga sagot sa iba pang mga madalas itanong, tingnan ang lahat ng aming mga sanggunian tungkol sa pagpapadala ng pera.
Impormasyong tinatanggap mo bago at pagkatapos mong magbayad
Kapag nagpadala ka ng pera sa ibang bansa, karaniwang naaangkop ang mga pederal na batas. Nasa ibaba ang mga halimbawa ng impormasyon na karaniwang kinakailangang ibigay sa iyo ng mga tagapagpaloob bago at pagkatapos mong magpadala ng pera.