Mayroon kang mga pagpipilian para sa kung paano matanggap ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng trabaho
- English
- Español
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
Milyun-milyong manggagawa ang nagsampa para sa mga benepisyo sa seguro sa kawalan ng trabaho bilang isang resulta ng pandemya ng coronavirus. Kung nawalan ka ng trabaho o isang bahagi ng iyong kita, maaari kang mag-apply para sa mga benepisyo sa pamamagitan ng iyong programa sa kawalan ng trabaho ng state, at kung nararapat ka, mayroon kang mga pagpipilian kung paano mo matatanggap ang perang ito.
Sa karamihan ng mga state, maaari mong matanggap ang iyong pera alinman sa isang prepaid debit card [tarjeta na may pondo] ng state o sa pamamagitan ng direkta na ididiposito sa iyong sariling bangko o account sa credit union o sa isang umiiral na prepaid card. Sa ilang mga state, isang pagpipilian din ang pagtanggap ng mga papel na tseke. Habang nagsampa na ang karamihan sa mga manggagawa na karapat-dapat para sa mga benepisyo sa kawalan ng trabaho bilang isang resulta ng COVID-19, magpapahintulot sa iyo ang maraming mga state na gumawa ng mga pagbabago sa paraan ng pagtanggap mo ng iyong mga benepisyo.
Mga paraan upang makatanggap ng mga benepisyo sa kawalan ng trabaho
Narito ang mga pinaka-karaniwang paraan upang matanggap ang iyong mga benepisyo sa seguro sa kawalan ng trabaho:
- Tuwirang deposito sa iyong sariling bank account o prepaid card
- Pinagkaloob ng state na prepaid debit card
- Papel na tseke
Suriin ang website ng iyong tanggapan ng kawalan ng trabaho ng state dahil maaaring magkakaiba ang mga pagpipilian at proseso para sa pag-sign up [pagsali], at dahil sa coronavirus, maaaring mahirap maabot ang isang kinatawan ng serbisyo sa customer para sa karagdagang pag-alalay.
Tuwirang deposito sa iyong sariling bank account o prepaid card
Katulad sa kung paano ka maaaring gumamit ng tuwirang deposito upang matanggap ang iyong suweldo, maaari mong pahintulatang kusang ipadala ang iyong pera sa iyong tseke o savings account o isang prepaid card na mayroon ka na.
Ano ang kailangan mong malaman
- Tuwirang ipapadala ang mga benepisyo sa iyong sariling bangko o account sa credit union (pangtseke o pang-savings) o prepaid card
- Maabot ang iyong mga benepisyo katulad ng nagagawa mo na sa ibang pera sa account na iyon
- Ipinadala nang libre ang mga benepisyo sa iyong account
Ano ang dapat bantayan
- Masusing tingnan ang pagpipiliang ito kapag pinupunan ang mga form ng kawalan ng trabaho
- Dapat magbukas ang mga taong walang sariling bank account o prepaid card nang isa upang samantalahin ang pagpipiliang ito
Sa pamamagitan ng tuwirang deposito, matatanggap mo ang iyong pera nang mabilis at ligtas, at maaari mong pamahalaan ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng trabaho tulad ng anumang iba pang mga pondo sa iyong account. Tinatanggal din nito ang peligro mawala o nakawin ang tsekeng papel, pati na rin ang pangangailangan na ideposito o ipapalit ito ng pera sa isang bangko o credit union.
Kung mas gusto mong gumamit ng isang prepaid card, karaniwang pinipili ang tuwirang deposito, ngunit kailangan mong suriin muna sa iyong tagabigay ng card upang malaman kung nararapat na makatanggap ng tuwirang deposito ang iyong card. Kung wala ka pang banko o account sa credit union o prepaid card, kakailangananin mong magbukas muna ng isang bagong account, na pinapayagan ka ng maraming mga institusyong pampananalapi na gawain mo online.
Upang mag-sign up para sa tuwirang deposito, suriing ang programa sa kawalan ng trabaho ng iyong state. Naiiba ang proseso ayon sa state, ngunit maaari mong hanapin ang website o mahanap ang impormasyong ito kapag nag-log in ka sa iyong account. Hanapin nang maingat para sa oras ng kung kailan mag-sign up: maaaring maging alinman kapag nag-apply ka, napatibayan, o nagsimula ang pagtanggap ng mga benepisyo sa kawalan ng trabaho.
Hindi mahalaga kung saang state ka nakatira, karaniwang kinakailangan ang sumusunod na impormasyon para mag-sign up:
- (Mga) Pangalan sa account
- Numero ng account sa bangko o prepaid card
- Numero pang-routing ng bangko o prepaid card
- Uri ng account (checking o savings). Para sa mga prepaid card, piliin ang 'checking'
Pinagkaloob ng state na prepaid debit card
Kasalukuyang nagbibigay ang karamihan sa mga state ng pagpipilian ninyo upang matanggap ang iyong mga benepisyo sa kawalan ng trabaho sa pamamagitan ng isang prepaid debit card na pinagkaloob ng state. Gayunman, hindi kinakailangan ng mga state na makakatanggap ka ng mga benepisyo sa kawalan ng trabaho sa isang prepaid debit card na pinagkaloob ng state, kaya't alalahanin na mayroon kang mga pagpipilian.
Ano ang kailangan mong malaman
- Makakatanggap ka ng isang libreng card sa pamamagitan ng koreo at pagkatapos, kailangan mong i-activate [magkabisa] ito
- Kusang ilalagay ang mga benepisyo sa iyong card
- Mas mabilis at mas ligtas kaysa sa isang papel na tseke
- Ilalagay nang libre ang mga benepisyo sa iyong card
Ano ang dapat bantayan
- Suriin ang impormasyon ng card tungkol sa mga maaaaring bayarin
- Hindi mo mailalagay ang iyong sariling pera sa card na ito
- Paulit-ulit na ilalagay ang mga benepisyo sa parehong card
Katulad sa tuwirang pagdeposito, ilalagay ang iyong mga benepisyo sa iyong card at muling ilalagay sa parehong card bawat kapanahunan ng pagbabayad. Sa pangkalahatan, gumana ito tulad ng ibang mga prepaid debit card na maaaring ginamit mo, maliban sa hindi mo maaaring mailagay ang iyong sariling pera.
Bagaman ipinagkakaloob ng state ang mga card na ito, pinamamahalaan sila ng isang institusyong pampananalapi, na karaniwang isang bangko, at maaaring lumitaw ang sagisag ng bangko sa card. Bilang resulta, maaaring maggagamit mo ang mga kagamitan pang-online at mobile ng bangko upang matulungan kang pamahalaan ang iyong pera, ngunit magkaroon ng kamalayan na maaari ka ring makakuha ng bayarin para sa ilang mga uri ng mga transaksyon, tulad ng pagkuha ng mga pondo mula sa isang ATM na wala sa network [sama-samahan]. Kailangan ipaalam sa iyo ng programa ng kawalan ng trabaho ng state kung ano ang mga bayarin para sa prepaid debit card na pinagkaloob ng state bago ka pumili upang matanggap ang iyong mga benepisyo sa pamamagitan ng card. Maaari mo ring asahan na makatanggap ng mahalagang impormasyon sa ibang mga tadhana at saligan kapag natanggap mo ang iyong card.
Papel na tseke
Pinapayagan ka ng ilang mga state na matanggap ang iyong mga pondo sa pamamagitan ng papel na tseke. Kung gusto mo ang pagpipiliang ito, suriin muna sa iyong website ng kawalan ng trabaho ng state upang patunayan na magagamit mo ito at malaman kung paano mag-sign up.
Ano ang kailangan mong malaman
- Ang tseke ay maaaring papalitan ng pera o mai-deposito sa iyong sariling account
Ano ang dapat bantayan
- Maaari kang magbayad ng isang bayaring upang mapalitan ng pera ang iyong tseke kung hindi mo ito gagawain sa iyong bangko
- Kapag naideposito, maaaring tumagal ng ilang araw bago magamit ang lahat ng iyong pera
Tandaan, tatagal ng ilang araw bago dumating ang mga tseke kaya maaaring hindi ito ang pinakamagandang pagpipilian kung kailangan mo kaagad ng pondo. Kung mayroon kang sariling bank o credit union account o prepaid card, maaari mong gamitin ang mobile banking app upang kunan ng larawan ang tseke at maideposito ito sa mga pangsariling account na ito. Kung hindi man, maaaring kailangan mong pumunta sa institusyong pampananalapi upang i-cash o ideposito ito, ngunit alalahaning maaaring tumagal ng ilang araw bago makita ang lahat ng pera mo sa iyong account at maaabot para magamit.
Malaman ang mga maaaring scam [pangloloko] sa kawalan ng trabaho
Sa mga panahong ito ng emergency at natural na kalamidad, tumataas ang antas ng mga gawain pang-scam. Mahalagang manatiling maingat at may kamalayan sa mga scammer na maaaring magpanggap na ahensya ng gobyerno upang maabot ang iyong pangsariling impormasyon.
Ang mga maaaaring scam kabilang ang mga email, text, tawag sa telepono, o mga mensahe sa social media na lilitaw na mula sa U.S. Department of Labor [kagawaran ng paggawa] o tanggapan ng kawalan ng trabaho ng state, na humihiling sa iyong patunayan ang iyong pangsariling impormasyon, kabilang ang iyong pangalan, numero ng Social Security, o impormasyon ng bank account. Karaniwan ding humihingi ang mga scammer ng paunang bayad upang maproseso ang iyong pagbabayad o aplikasyon.
Nagbabala ang Federal Trade Commission (FTC) na ang maaari ring subukan ng mga manloloko na magsampa ng pekeng reklamo upang makatanggap ng benepisyo ng kawalan ng trabaho gamit ang iyong pangsariling impormasyon . Kung sa tingin mo, nabiktima ka ng panloloko sa pag-file ng kawalan ng trabaho, sasabihan ka ng FTC na:
- Magsampa ng reklamo sa ahensya ng kawalan ng trabaho ng state
- Iulat ang panloloko sa IdentityTheft.gov at matutunan ang mga hakbang sa pagbawi
- I-review ang iyong ulat sa credit para sa mga gawaing panloloko
Matutunan kung paanong kupkupin ang iyong sarili mula sa mga scam na may kinalaman sa coronavirus.
Stay informed
Sign up for the latest financial tips and information right to your inbox.
Hanapin ang higit pang impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa CFPB
Gumagawa kami upang patuloy na i-update ang impormasyon para sa mga mamimili sa panahon ng mabilis na nagbabagong sitwasyong ito.
Ilalathala naming ang lahat ng impormasyon at blog nauugnay sa COVID-19 sa aming resource page (pahina ng mapagkukunan ng impormasyon at suporta). Dapat na ituring na tumpak ang impormasyon sa petsa ng paglalathala ng blog.
Tingnan ang aming resource page para sa COVID-19 (sa Ingles)