Marami sa atin ang masusing nakatuon ang pansin sa patnubay mula sa mga federal, state, at local na gobyerno sa panahon ng emergency sa kalusugang ito na dulot ng COVID-19. Sa kasamaang-palad, nakatuon din ang pansin ng mga scammer. Maging ang ilan ay nagpapanggap na may kaugnayan sa gobyerno-upang linlangin ka sa pera.
Narito ang tatlong paraang magagawa mo upang makupkop ang iyong sarili at ang iba mula sa mga scammer na ito.
- Alamin na hinding-hindi tatawag, magte-text, o makikipag-ugnay sa iyo sa social media ang gobyerno na magsasabing may pagkakautang kang pera, o upang maghandog ng tulong upang mabilis mong makuha ang iyong Economic Impact Payment (EIP, kabayaran dahil sa epekto sa kabuhayan). Kung nakakuha ka ng pabalita mula sa isang taong nagsasabing mula siya sa isang ahensya ng gobyerno, sa pamamagitan ng social media, ito ay isang scam. Iulat ito sa FTC sa ftc.gov/complaint . Kung karapat-dapat ka at hindi mo pa nakukuha ang iyong Economic Impact Payment, bumisita sa irs.gov at sundin ang patnubay. Panoorin ang video ng CFPB na ito upang malaman ang higit pa tungkol sa iyong EIP. At basahin ang impormasyon ng FTC tungkol sa pagtukoy sa mga scam na kaugnay sa EIP.
- Tuwirang bisitahin ang mga website ng gobyerno para sa mapagkakatiwalaang impormasyon. Huwag i-click ang mga link sa isang email o text message. Madalas na nagpapadala ang mga scammer ng mga huwad na link sa mga website na mukhang galing sa gobyerno ang mga ito. Sa halip sa i-click ang mga link sa mga message, magbukas ng panibagong window at hanapin ang pangalan ng ahensya ng gobyerno. At bumisita sa coronavirus.gov para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pandemya.
- Sagutin nang “HINDI” ang sinumang nagsasabing mula sila sa ahensya ng gobyerno na humihingi ng cash, mga gift card, wire transfer, cryptocurrency, o personal at impormasyong pananalapi, nakipag-ugnay man sila sa iyo sa pamamagitan ng telepono, mga text, email, o sa pamamagitan ng pagpapakita nang personal. Huwag ibabahagi ang iyong Social Security, Medicare ID, lisensya sa pagmamaneho, account sa bangko, o mga numero ng credit card.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pag-iwas sa mga scam na nauugnay sa COVID-19, bumisita sa ftc.gov/coronavirus/scams . At, para sa karagdagang tulong sa pagkupkop sa iyong sariling pananalapi sa panahon ng pandemyang ito, bumisita sa consumerfinance.gov/coronavirus.
Advance Child Tax Credit
Sa pagsimula ng Advance Child Tax Credit, manatiling mapagbantay at nakababatid ng mga hindi hinihilng na pakikiugnay na humihiling ng inyong pansariling information sa pamamagitan ng buson, email, tawag sa phone, text, social media, o mga website.
Binibigyan diin ng IRS na ang kaisa-isang paraan ng makatanggap ng Advance Child Tax Credit o Economic Impact Payments ay sa kahit man pagsampa ng ulat ng buwis sa IRS o pag-register sa online sa pamamagitan ng Non-filer Sign-up tool , na nasa IRS.gov lamang. Scam ang anumang ibang pag–alok.
Ano ang kailangang gawain:
- Alalahaning hindi kailanman hihilingin ng IRS ang inyong pansaariling information at takutin ang mga benefit ninyo sa pamamagitan ng tawag sa phone, email, text, o social media. Hindi rin nila tatakutin kayo ng pagkulong o demanda, o humingi ng bayad na buwis para sa mga gift card.
- Kung makatanggap kayo ng hindi hiniling na email, text, o social media na pagsubok na mukhang nanggaling sa IRS o isang samahan na may kinalaman sa IRS – katulad ng Department of the Treasury Electronic Federal Tax Payment System – patalastasan ang IRS sa phishing@irs.gov.
- Kung nabiktima kayo ng scam sa COVID-19, iulat sa Department of Justice’s National Center for Disaster Fraud (NCDF) sa 866-720-5721 o magharap ng reklamo sa online . Ang mga scam na may kinalaman sa IRS, kabilang ang pandaraya o pagnakaw ng Advance Child Tax Credit, ay dapat din iulat sa the Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA) .
Hanapin ang higit pang impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa CFPB
Gumagawa kami upang patuloy na i-update ang impormasyon para sa mga mamimili sa panahon ng mabilis na nagbabagong sitwasyong ito.
Ilalathala naming ang lahat ng impormasyon at blog nauugnay sa COVID-19 sa aming resource page (pahina ng mapagkukunan ng impormasyon at suporta). Dapat na ituring na tumpak ang impormasyon sa petsa ng paglalathala ng blog.