I-download ang mga bagong sheet ng gawain para sa pag-iwas sa panloloko sa mga matatanda
- English
- Español
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
Kung mayroon kang matatandang kasama sa buhay, alam mong binago ng pambansang emergency sa kalusugan na ito ang paraan ng pakikipag-ugnayan mo. Apektadong-apektado ng coronavirus ang matatanda. At mas malamang na mahulog sila sa bitag ng mga scammer [nandaraya]. Kaya isa itong mapanghamong panahon para sa matatanda, kanilang pamillya, at mga tagapagbigay ng serbisyo sa matatanda. Ngunit may magagawa ka pa ngayong Buwan ng Matatandang Amerikano para tulungan ang matatanda na pangalagaan ang kanilang sarili mula sa panloloko, kahit pa sa malayo.
Bagong mga sheet ng gawain para sa pag-iwas sa panloloko
I-download ang atin mga sheet ng gawain at handout [pinamimigay] para sa pag-iwas sa panloloko at ipadala ang mga ito sa matatanda sa pamamagitan ng email. O ibahagi ang mga ito nang personal mula sa isang ligtas na social distance [agwat pampag-uugnay]. Sa nakaraang ilang taon, nakapagpamahagi na kami ng mahigit sa 4 na milyon ng aming placemat tungkol sa mga paksa kabilang ang mga scam na huwad na charity [pangkawanggawa], scam na grandparent [lolo/lola], scam na pagnanakaw ng pagkakakilanlan, at scam na mga nagpapanggap na gobyerno. Gumawa kami ng mga salin na kasing laki ng sulat ng mga placemat na ito na makakatulong nang higit pa sa isang tagpuan ng panggrupong pagkain. Iba't ibang organisasyon, kabilang ang mga aklatan, institusyon pampananalapi at mga sentrong pangmatatanda, ang maaaring magbahagi ng mga sheet ng gawain sa kanilang mga kliyente sa wikang Ingles o wikang Kastila. Nakakatulong ang kaayusan na word game [paligsaan ng mga salita] para maihatid ang mahalagang impormasyon tungkol sa pag-iwas sa panloloko, At baka matutulungan ka naming maghanap ng bagay na maaaring gawin kasama ng iyong mas matatandang kamag-anak sa iyong susunod na video chat.
Mag-ulat ng mga posibleng panloloko
- Kung sa tingin mo na ikaw o isang taong pinapahalagahan mo ang naging biktiima ng isang panloloko, iulat ito sa Federal Trade Commission (FTC) sa https://reportfraud.ftc.gov/ .
- Iulat ang anumang krimen sa hindi emergency na numero ng inyong alagad ng batas. Kung naghihinala ka na biktima ang isang tao ng pang-aabuso sa matanda o pananamantala sa pananalapi, iulat ito sa Adult Protective Services (APS). Hanapin ang iyong lokal na APS sa eldercare.acl.gov . Kung sa tingin mo ay nasa panganib ang kaligtasan ng taong iyon, tumawag sa 911.
- Puwede ka ring mag-ulat ng mga panloloko at pang-aabusong pananalapi sa inyong state attorney general. Bumisita sa website ng National Association of Attorneys General para sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa iyong state attorney general.