Mga pangunahing termino para sa panloloko at mga scam
- English
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
- Pусский
- العربية
- Kreyòl Ayisyen
Pananamantala sa pananalapi ng matatanda (Elder financial exploitation)
Ang pananamantala sa pananalapi ng matatanda ay ang ilegal o hindi tamang paggamit ng mga pondo, ari-arian, o mga asset ng isang matanda. Ito ang pinakakaraniwang uri ng pang-aabuso sa matatanda, ngunit kaunting bahagi lamang ng mga insidente nito ang naiuulat.
Ang mga may sala ay maaaring mga estrangherong nakuha ang tiwala ng matatanda, ngunit maaari rin silang maging mga kapamilya o kaibigan. Mahalagang malaman ang mga palatandaang babala.
Magbasa nang higit pa (sa Ingles)
Tulong sa pagkaremata ng tirahan na scam (Foreclosure relief scam)
Ang mga scam na tulong sa pagkaremata ng tirahan (foreclosure) at pagbabago sa mortgage loan ay mga pakana para makuha ang iyong pera o iyong bahay—madalas sa pamamagitan ng pagbibigay ng huwad na pangako ng pagliligtas sa iyo sa pagkakaremata ng tirahan. Maaaring harap-harapang humingi ng pera ang mga scammer na ito at sabihing ginagarantiya nila na maaari mong mabago ang mga tuntunin sa iyong mortgage. Kung nahihirapan kang magbayad ng mortgage, maaaring kang gabayan nang libre sa mga opsyon ng ahensyang nagpapayo sa pabahay na inaprubahan ng HUD nang libre.
Fraud alert para makaiwas (Fraud alert for prevention)
Ang fraud alert ay isang bagay na magagamit mo upang mabawasan ang posibilidad na maging biktima ng identity theft sa bagong account. Inaatasan nito ang mga creditor na tingnan ang iyong credit report upang gumawa ng mga hakbang upang maberipika ang iyong pagkakakilanlan bago magbukas ng panibagong account, mag-isyu ng karagdagang card, o pataasin ang credit limit sa kasalukuyang account. Kapag nagtakda ka ng fraud alert sa iyong credit report sa isa sa mga pambansang credit report na kumpanya, kailangan nitong abisuhan ang iba.
May dalawang pangunahing uri ng fraud alert: ang mga paunang fraud alert at mga pinalawig na fraud alert. Ang mga miyembro ng militar ay may karagdagang opsyon—mga active duty alert, na nagbibigay sa mga service member ng proteksyon habang sila ay nasa active duty.
Magbasa nang higit pa (sa Ingles)
Panloloko ng mga fiduciary (Fraud by fiduciaries)
Ang fiduciary ay isang taong namamahala sa pera o ari-arian ng iba. Halimbawa, ang mga ahente sa ilalim ng power of attorney o tagapag-alagang hinirang ng hukuman ay mga fiduciary.
Kapag ikaw ay pinangalanang fiduciary, inaatasan ka ng batas na pamahalaan ang pera at ari-arian ng tao para sa ikapakikinabang niya at hindi ikaw. Kapag ginagastos ng fiduciary ang pera para sa ikapakikinabang niya, iyon ay maaaring maturing bilang panloloko.
Identity theft
Nangyayari ang identity theft kapag may isang taong nagnakaw ng iyong pagkakakilanlan upang gumawa ng panloloko.
Ang pagnanakaw ng iyong pagkakakilanlan ay maaaring mangahulugang paggamit ng personal na impormasyon nang wala ang iyong pahintulot, tulad ng iyong pangalan, numero ng Social Security, impormasyon ng account sa bangko, o numero ng credit card. Nagbibigay ng impormasyon ang Federal Trade Commission (Pederal na Komisyon sa Kalakal) tungkol sa pag-iwas at pagtugon sa identify theft.
Mga scam ng impostor (Imposter scams)
Sinusubukan ng mga impostor na scammer na kumbinsihin kang magpadala ng pera sa pamamagitan ng pagpapanggap na sila ay kakilala o pinagkakatiwalaan mo tulad ng sheriff, empleyado ng lokal na pamahalaan, estado, o pederal na pamahalaan, o organisasyong pangkawanggawa. Tandaan, maaaring peke ang caller ID. Matatawagan mo lagi ang organisasyon o ahensya ng pamahalaan at maitatanong kung nagtatrabaho ang taong iyon sa kanila bago magbigay ng anumang pera.
Panloloko sa sulat (Mail fraud)
Ang mga sulat na nanloloko ay mukhang tunay ngunit huwad ang mga pangako. Ang karaniwang palatandaang babala ay isang sulat na humihiling sa iyong magpadala na ngayon ng pera o personal na impormasyon upang makakuha ka ng isang bagay na may halaga pagkatapos mong magpadala ng pera o impormasyon.
Phishing
Sa phishing, nagpapanggap ang scammer na isang negosyo o tao para linlangin ka at ibigay mo ang iyong personal na impormasyon tulad ng mga password, mga numero ng credit card, o impormasyon ng account sa bangko. Maaaring gumamit ang scammer ng mga mapanlokong email, text, o website para nakawin ang impormasyong ito mula sa iyo. Maaaring mukhang tunay ang mga email na ito.
Security freeze para makaiwas (Security freeze for prevention)
Ang security freeze ay pumipigil sa mga bagong creditor na i-access ang iyong credit file at ang iba pa para magbukas ng mga account na nangangailangan ng credit check sa pangalan mo, hanggang sa alisin mo ang pagka-freeze nito.
Dahil karamihan sa mga negosyo ay hindi magbubukas ng mga credit account nang hindi tinitingnan ang iyong credit report, mapipigilan ng freeze ang mga magnanakaw ng pagkakakilanlan na magbukas ng mga bagong account na nakapangalan sa iyo. Tandaan na hindi mapipigilan ng freeze ang mga magnanakaw ng pagkakakilanlan sa pagnanakaw ng mga umiiran nang account.
Magbasa nang higit pa (sa Ingles)
Spoofing
Nangyayari ang spoofing kapag itinatago ng tumatawag ang impormasyon na ipinapakita sa iyong caller ID. Nagbibigay ito sa tumatawag ng kakayahang ikubli o “i-spoof” ang pangalan at/o numerong upang makita na tila tumatawag sila bilang sa isang partikular na tao mula sa isang espesipikong lokasyon.
Panlolokong wire o money transfer (Wire or money transfer fraud)
Lilinlangin ka ng ilang scammer para mag-wire o mag-transfer ka ng pera para nakawan ka. Isang karaniwang halimbawa ng panlolokong wire transfer ay ang “grandparent scam”. Ito ay kapag ang scammer na nagpapanggap bilang apo o kaibigan ng apo ay tatawag at sasabihing nasa ibang bansa o napahamak sila, at kailangang agad na ma-wire o mapadalhan ng pera.