Kumilos agad kung hindi mo kayang bayaran ang iyong mga credit card
- English
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
- Pусский
- العربية
- Kreyòl Ayisyen
Agad na kumilos at tawagan ang kumpanya ng iyong credit card kung naniniwala kang hindi mo kayang bayaran ang minimum na kabayaran sa iyong credit card.
Maraming kumpanya ng credit card ang maaaring pumayag na tumulong kung nahaharap ka sa pinansyal na emerhensya. Hindi mo kailangang mahuli sa iyong pagbabayad para makahingi ng tulong!
Huwag balewalain ang problema
Maaari lamang magdulot iyon ng mas malalaking problema, tulad ng:
- Mas matataas na antas ng interes
- Mas matataas na minimum na kabayaran
- Pagkawala ng mga pribilehiyo sa pagcharge
- Mga singil sa nahuling pagbayad
- Pagkasira sa iyong credit score
Narito ang kailangang gawin
1. Sumahin ang iyong kita at mga gastusin
Look for ways to cut costs. If you can’t find enough to pay your minimum payment, decide how much you can afford to pay.
2. Tawagan ang kumpanya ng iyong credit card
Siguraduhing malinaw na naipapaliwanag ang:
- Bakit hindi mo kayang bayaran ang minimum
- Magkano ang kaya mong bayaran
- Kailan mo maaaring muling masimulan ang iyong mga normal na pagbabayad
3. Isaalang-alang ang credit counseling
Kung kailangan mo pa ng karagdagang tulong, ang mga nonprofit na organisasyon sa credit counseling ay makakapagturo sa iyo ng higit pa tungkol sa pangangasiwa ng iyong pera.
Bago mag-sign up para sa credit counseling, itanong kung mapapatawan ka ng singil, magkano, at kung anong mga serbisyo ang ipagkakaloob. Siguraduhing naglalaan ng panahon ang iyong credit counselor upang matutunan ang tungkol sa iyong pinansyal na sitwasyon, at nag-aalok na tulungan kang matutunan ang kung paano ito mapapabuti.
Walang madaliang pagresolba
Sinasabi ng ilan sa mga for-profit na kumpanyang tumutulong sa utang na matutulungan ka nilang mabayaran ang iyong mga utang “sa napakaliit na halaga.” Ngunit madalas, hindi naaangkop ang mga pangakong ito. Mag-ingat sa anumang organisasyong tumutulong sa utang na:
- Nagpapataw ng mga singil bago resolbahin ang iyong mga utang
- Naggagarantiya na sa pamamagitan nila ay puwedeng maglaho ang iyong utang
- Nagsasabi sa iyong tumigil sa pakikipag-usap sa mga nagpapautang o mga kumpanya ng credit card
- Nagsasabi sa iyong tumigil sa pagbabayad mo sa credit card o loan