Pamimili para sa iyong utang sa auto
- English
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
- Pусский
- العربية
- Kreyòl Ayisyen
Bagaman kumplikado, tulad ng iba pang uri ng pamimili, ang pagtitingin sa utang at pagsisikap na makakuha ng pinakamabababang antas at iba pang tadhana. Maghahanda sa iyo ang pagtitingin nang mas maaga sa pakikipag-areglo sa iyong utang sa auto at gawing hindi gaanong nakaka-stress ang proseso.
Maghanda bago mag-apply para sa utang sa auto
Nasa mas mahusay kang posisyon para mamili at makipagtawaran para sa utang sa auto kung susundin mo ang mga hakbang na ito bago ka mag-apply para sa utang.
Suriin ang iyong credit report
Tinutukoy ng impormasyon sa iyong credit report ang mga credit score mo. Malaki ang bahagi ng iyong credit score sa pagtukoy kung anong uri ng utang sa auto ang maaari mong makuha, at kung magkano ang interes na babayaran mo para sa utang. Narito ang ilang kapaki-pakinabang na mga mapagkukunan:
- Upang makakuha ng libreng kopya ng iyong taunang credit report mula sa bawat isa sa tatlong ahensya sa pag-uulat ng credit, bumisita sa annualcreditreport.com
- Upang matutunan kung paano suriin ang iyong credit report kung may mga kamalian at pagtutol sa anumang kamalian na iyong nakita, bumisita sa consumerfinance.gov/ask-cfpb/how-do-i-dispute-an-error-on-my-credit-report-en-314
- Upang matutunan ang tungkol sa mga credit report at credit score, bumisita sa consumerfinance.gov/consumer-tools/credit-reports-and-scores
Kailangan mo ba ng co-signer?
Ang co-signer ay isang tao – gaya ng magulang, myembro ng pamilya, o kaibigan – na obligado ayon sa kontrata, katulad mo, na bayaran ang loan. Kung limitado ang iyong credit history o kailangang pagandahin, at mayroon kang mababang credit score (o walang credit score), maaaring bumaba ang antas ng iyong interes kung mayroon kang co-signer na may maganda o mahusay na credit. Dahil doon, pagtitiwalaan ng nagpapautang ang credit history at score ng co-signer sa pagpapasiya sa pagsasagawa ng loan.
Kung pinag-iisipan mong magkaroon ng co-signer, dapat na maingat na pag-isipan mo at ng maaaring co-signer mo ang tungkol sa desisyon na ito. Kung hindi mo mababayaran ang iyong loan, may pananagutan ka at ang iyong co-signer sa pagbabayad. May responsibilidad ang co-signer sa loan kahit wala siyang karapatan sa pag-aari ng sasakyan. Bilang karagdagan, ang anumang pagbabayad nang huli sa loan ay makakaapekto sa iyong credit record at score at sa credit record at score ng iyong co-signer. Pinagbabawalan ng pederal na batas sa pangkalahatan ang nagpapautang sa pag-aatas sa iyo na magkaroon ng isang co-signer kung nag-apply ka para sa loan ng mag-isa at kwalipikado ka sa ilalim ng mga pamantayan ng nagpapautang para sa pagiging karapat-dapat sa credit para sa loan. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa co-signing, bumisita sa consumerfinance.gov/ask-cfpb/why-might-i-need-a-co-signer-in-order-to-get-vehicle-financing-en-811.
Suriin ang kasalukuyang mga antas ng interes ng utang sa auto
Maaari kang magsaliksik ng mga antas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ilang bangko, credit union, o ibang mga nagpapautang. Maaari ka ring tumingin online sa maraming komersyal na site na maaaring magbigay sa iyo ng pagtantya sa mga antas ng interes sa buong bansa at sa pamamagitan ng iyong zip code. Iuugnay ka ng ilang komersyal na site sa mga ilang nagpapautang at dealer para sa mga pagtatantya, kaya maaaring gugustuhin mong mag-ingat sa paglalagay ng iyong personal na impormasyon.
Isaalang-alang ang down payment
Makababawas ang down payment sa kabuuang halaga na iyong finance dahil kailangan mong humiram ng mas kaunting pera. Kung mas malaki ang down payment, mas mababa ang kabuuang halaga ng utang.
Magpasya kung gusto mong i-trade-in ang kasalukuyan mong sasakyan
Kung mayroon ka nang sasakyan, saliksikin ang halaga nito upang makita kung magkano ang maaari mong makuha mula sa trade-in o pribadong pagbebenta. Maaari mong tingnan ang tinatayang halaga gamit ang mga online na website pampngangalakal tulad ng Consumer Reports, Edmunds, Kelley Blue Book, NADA Guides, at mga online na anunsyo. Maaaring maaabot din ang mga mapagkukunang ito sa aklatan sa inyong lugar. Makakatulong sa iyo ang paghahanap ng mga halimbawa ng mga katulad na sasakyan na naibenta kamakailan sa inyong lugar na malaman ang patas na presyo.
Kapag alam mo ang tinatayang halaga ng kasalukuyan mong sasakyan, maaari kang magpasya kung iti-trade-in o ibebenta mo mismo ito. Kapag na-trade-in mo ito sa isang dealership, pagpapasyahan mo at ng dealer ang halaga na ibabawas sa halaga ng pagbili ng susunod mong sasakyan. Kapag ibinenta mo mismo ito, maaari mong gamitin ang pinagbentahan bilang down payment.
Kung mayroon kang kasalukuyang utang sa auto sa iyong trade-in, pag-isipan nang mabuti ang iyong sitwasyon
Maingat na pag-isipan kung kukuha ba ng bagong utang bilang karagdagan sa kasalukuyan mong utang. Narito ang ilang pagsasaalang-alang at hakbang:
- Kunin ang halaga ng kabayaran, na halaga upang mabayaran ang kasalukuyang utang, mula sa kasalukuyan mong nagpapautang bago pumunta sa dealership.
- Magpasya kung babayaran mo ang kasalukuyan mong utang ngayon, maghintay hanggang mabayaran mo ang iyong dating utang sa auto bago ka mangutang para sa isa pang sasakyan, o isama ang halaga ng utang mo sa kasalukuyan mong sasakyan sa iyong bagong utang sa auto.
- Kung mas mataas ang utang mo sa kasalukuyan mong sasakyan kaysa sa talagang halaga nito — tinutukoy bilang upside down — kung gayon, mayroon kang negative equity. Kung idaragdag mo ang balanse ng kasalukuyan mong utang sa auto sa iyong bagong utang sa auto, maaari nitong gawing higit na mas mahal ang bagong utang sa auto. Ang kabuuang halaga ng utang ay magiging mas mataas dahil manghihiram ka ng higit sa presyo lang ng iyong bagong sasakyan.
- Matapos kang magsaliksik sa halaga ng iyong trade-in, kung mas mababa ang halaga ng utang mo pa sa trade-in kaysa sa halaga nito, siguraduhin na sa panahon ng anumang pag-areglo na pag-iisipan mo kung makakakuha ka ba ng patas na halaga para sa iyong trade-in at kung kaya mo bang bayaran nang buo ang dating utang sa auto.
Mayroon ka pa bang utang sa iyong trade-in?
Kung pinag-iisipan mo ang paglilipat ng balanse ng lumang utang sa iyong bagong utang, siguraduhing nauunawaan mo kung paano ito makakaapekto sa kabuuang halaga ng iyong bagong utang. Maingat na tingnan ang kabuuang halaga ng bagong utang kabilang ang halagang hiniram, ang taunang antas ng porsyento (APR), ang antas ng interes, ang tadhana ng loan (sa buwan), at ang buwanang bayad – bago ka sumang-ayon sa anumang bagay. Kung hindi mo idadagdag ang halaga ng utang mo pa sa iyong lumang sasakyan sa bagong utang, at panatilihin ang kasalukuyan mong sasakyan habang bumibili ng bago, sa gayon ay magkakaroon ka ng dalawang utang at dalawang buwanang bayarin. Sa alinmang paraan, baka gusto mong isaalang-alang kung makatuwiran ba ang magpatuloy sa transaksyon at bilhin ang susunod na sasakyan kung may utang pa sa iyong trade-in. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa consumerfinance.gov/ask-cfpb/i-owe-more-on-my-current-loan-than-my-current-vehicle-is-worth-what-do-i-need-to-know-if-i-buy-a-new-vehicle-en-779/.
Pag-isipan ang tungkol sa mapipiling mga add-on nang mas maaga
Kapag pumunta ka sa auto dealer, malamang na alukin ka ng mga karagdagang produkto at serbisyo para sa sasakyan o para sa utang. Mahusay na ideya kung pag-isipan ang mga add-on na ito nang mas maaga, nang sa gayon wala kang masyadong alalahanin kapag nasa dealership, at handa na ang iyong mga sagot kapag inalukan kang bilihin ang mga extra na ito. Kasama sa mga karaniwang add-on ang:
- Mga kontrata ng serbisyo o pinalawig na garantiya
- Guaranteed Auto Protection (GAP) na seguro
- Seguro ng credit
- Karagdagang mga katangian para sa sasakyan, tulad ng mga sistema ng alarma, window tinting, proteksyon sa gulong, at iba pang mga produkto
Ang mga produkto at serbisyo na ito, na maaari mong utangin, ay di-sapilitan at opsyonal lamang. Kung bibilhin mo ang mga ito, madadaan sa areglo ang presyo. Kung sa tingin mo, gusto mong bilhin ang mga produkto o serbisyo iyon, tumingin-tingin sa ibang lugar. Halimbawa, maaaring mag-alok ng GAP na seguro ang iyong sariling kompanya ng seguro sa auto, seguro sa credit, o iba pang mga alternatibo. Kung uutang ka para sa di-sapilitang mga add-on bilang bahagi ng iyong utang, tataas ang halaga na iyong hiniram at babayaran.
Ngayong nagawa mo na ang iyong takdang-aralin, handa ka nang gawin ang susunod na hakbang: mamili para sa iyong utang sa auto. Gamitin ang worksheet pang-utang sa auto sa dulo ng gabay na ito para subaybayan ang mga tadhana ng utang at ihambing ang iyong mga pagpipilian. Dalhin ang worksheet sa bangko, sa credit union, sa iba nagpapautang, at dealership para maaari mong ihambing ang iyong mga pagpipilian na utang at makuha ang pinakamainam na deal para sa iyo.
Bumili para sa utang sa auto
Ngayon, handa ka na para simulan ang pamimili para sa utang. Bago ka pumunta sa dealership, tipunin ang iyong personal na impormasyon at isaalang-alang kung paano makakakuha ng pag-preapprove para sa utang.
Maghahanda sa iyo ang pagtitingin nang mas maaga para sa pakikipag-areglo sa iyong utang sa auto at gawing hindi gaanong nakaka-stress ang pag-proseso.
Tipunin ang iyong personal na impormasyon
Kapag pupunta ka sa bangko, credit union, o dealership, siguraduhing tipunin ang lahat ng impormasyon na kakailanganin mo. Hihingin ng nagpapautang ang mga impormasyong ito sa aplikasyon ng utang:
- Pangalan
- Social Security Number o ITIN
- Petsa ng kapanganakan
- Kasalukuyan at dating (mga) address at tagal ng pananatili
- Kasalukuyan at dating (mga) empleyado at tagal ng pagtatrabaho
- Trabaho
- Pinagmumulan ng kita
- Total ng kabuuang buwanang kita
- Pinansyal na impormasyon sa mga kasalukuyang credit account, kabilang ang iba pang mga utang
Pagkuha ng pag-preapprove para sa utang
Isang magandang pagsimula ang pagkuha ng preapprove na alok o quote ng utang na may pinakamalaking halaga ng pautang at antas, mula sa bangko, credit union, o iba nagpapautang. Kapag dinala mo sa dealer ang quote sa utang mula sa nagpapautang, maaaring lumakas ang posisyon mo sa pakikipagtawaran upang makakuha ng mas mahusay na deal, manatili ka man sa alok na dinala mo o magpasyang tanggapin ang alok na financing ng dealer.
Tinutulungan ka rin ng pag-preapprove na hindi lumampas sa iyong badyet at nagbibigay-daan sa iyo na maghambing ng mga antas ng interes nang hindi napiilitan dahil sa oras na maaari mong madama sa sandaling nasa dealership ka. Pagkatapos, habang nasa dealership, maaari kang mas makapag-focus sa tunay na presyo ng sasakyan at sa iyong trade-in dahil malalaman mo na ang mga tadhana ng utang na maaari mong makuha. Magkakaroon ka pa rin ng pagkakataon na makipaareglo ng mas magandang utang sa dealership at hindi gamitin ang iyong pagkaka-preapprove.
Kung na-preapprove ang iyong aplikasyon, bibigyan ka ng mga dokumento ng nagpapautang para dalhin sa dealership. Kapag handa ka nang bumili, magsasagawa ng huling mga pakikipag-ayos ang dealer sa nagpapautang sa iyo.
Unawain kung paano nakakaapekto ang pamimili ng utang sa iyong credit score
Sa pangkaraniwan, kaunti hanggang walang epekto sa iyong (mga) credit score ang pagbili sa pinakamainam na deal sa utang sa auto. Malalampasan ng benepisyo ng pagtitingin ang anumang epekto sa iyong credit. Sa ilang kaso, maaaring makapagpababa sa iyong (mga) credit score ang pag-a-apply para sa maraming utang sa loob ng mahabang panahon. Depende sa modelo ng pag- aalam ng credit score na ginamit, sa pangkalahatan, bibilangin lang na isang pag-usisa ang anumang mga kahilingan o pagtanong ng mga nagpapautang na ito para sa iyong (mga) credit score na naganap sa loob ng panahon mula 14 na araw hanggang 45 araw. Ang ibig sabihin nito, bibilangin ang mga pagtitingin para sa utang sa auto sa yugto ng panahong iyon na katulad ng pag-a-apply para sa isang utang lang. Maaari mong mapaliit ang anumang negatibong epekto sa iyong credit score sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng iyong pagtitingin ng antas sa maikling panahon.
Alamin ang iyong mga karapatan
Hindi maaaring pigilan o tanggihan ng nagpapautang ang iyong aplikasyon para sa credit, o mag-aalok ng ibang mga presyo o ibang mga tadhana at kondisyon ng utang, batay sa iyong lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, kasarian, marital status, edad, pagtanggap ng kita mula sa pampublikong tulong, o pagsasagawa ng anumang karapatan na may mabuting intensyon sa ilalim ng Consumer Credit Protection Act.
Maari kang magsumite ng reklamo online sa Federal Trade Commission (FTC) sa reportfraud.ftc.gov o sa Consumer Financial Protection Bureau (CFPB) sa consumerfinance.gov/complaint o sa pagtawag na walang-bayad sa 1-855-411-CFPB (2372). Maaari mo ring sabihin sa amin ang tungkol sa iyong karanasan nang hindi nagsusumite ng pormal na reklamo.