Paghahanap ng tamang mortgage
Ang paghahanap ng tamang mortgage ay nangangailangan ng oras at enerhiya. Ngunit dito ka makakatipid ng libu-libong dolyar. Gawing mong layunin ang paghahambing ng hindi bababa sa tatlong alok na loan mula sa iba't ibang lender.
Sa pahinang ito:
Kumuha ng hindi bababa sa tatlong pre-approval (paunang pag-apruba)
Ang Internet at ang mga pahayagan ay isang magandang lugar para simulan ang paghahanap ng mga mortgage lender. Makipag-ugnayan sa mga bangko, credit union, at organisasyon na maaaring may espesyalisasyon sa iyong sitwasyon—tulad ng mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon, beterano, manggagawa ng pampublikong serbisyo, o iba pa.
Humingi ng hindi bababa sa tatlong magkakaibang lender para sa “preapproval” (“paunang pag-apruba”). Ito ay nangangahulugan na titingnan ng lender ang iyong kalagayang pinansyal, kabilang ang iyong credit report, at mga tantiya ng kung magkano ang puwede mong hiramin at kung magkanong interes ang malamang na babayaran mo.
Ang preapproval ay nagpapahintulot sa iyong subukan ang bawat lender upang makita kung anong uri ng mga loan at presyo ang inaalok nito. Kapag nakuha mo ang lahat ng tatlong preapproval sa loob ng maikling panahon, hindi ito dapat magkaroon ng malaking epekto sa iyong credit score.
Babalikan mo ang mga lender na ito kapag nakagawa ka na ng ilang desisyon, at hihiling ka ng mga alok na loan.
Maghanap ng tamang termino ng loan, istraktura ng interest rate, at programa
Termino ng loan: Mas mahaba o mas maikli
Sa pangkalahatan, mas malaki ang halaga ng mas mahabang termino ng loan sa kabuuan ng buhay ng loan. Ngunit karaniwang mas mababa ang iyong mga buwanang pagbabayad. Maaari kang makipag-areglo sa ibang termino ng loan sa iyong lender, tulad ng 20 taon, 7 taon, o kahit mas mahaba sa 30 taon.
Istraktura ng interest rate ng loan: Fixed rate (hindi nagbabagong antas) o adjustable rate (nagbabagong antas)
Karaniwan ang mga loan na may fixed-rate. Ang una mong pagbabayad ay maaaring mas mababa sa loan na may adjustable rate, ngunit kung tumaas ang mga interes rate, maaari kang maharap sa biglaang pagtaas ng mga pagbabayad.
Programa ng loan: Conventional, FHA, VA, o espesyal na programa
May maraming programa ng loan, at ang ilan ay itinakda upang tumulong na gawing makukuha ang mga mortgage ng mga tao sa ilang kalagayan o grupo.
Magbabayad ng 5% down payment o higit pa?
Magtanong tungkol sa karapat-dapat na loan ng Fannie Mae o Freddie Mac na karaniwang tinatawag na “conventional” loan.
Magbabayad ng maliit na down payment?
Magtanong tungkol sa loan na binibigyan ng seguro ng FHA.
Servicemember o beterano?
Magtanong tungkol sa loan na binibigyan ng garantiya ng VA.
Bibili ng bahay sa kanayunan?
Magtanong tungkol sa loan na iniisponsor ng USDA.
Bibili ng bahay sa unang pagkakataon na may mababa o katamtamang kita?
Magtanong tungkol sa mga loan na makukuha sa pamamagitan ng ahensya ng estado na nagpipinansya sa pabahay.
Paghambingin ang mga alok na loan
Ngayon naman ay oras na para simulan ang opisyal na proseso ng aplikasyon. Humingi sa iyong mga lender ng mga alok na loan na sumasalamin sa mga gusto mo pagdating sa uri ng loan, programa, at termino. Sa gayon, maipaghahambing mo ang magkakaparehong uri.
Una, paghambingin ang mga pangunahing bahagi ng loan:
- Ano ang termino ng loan?
- Ano ang interest rate?
- Sa magkanong down payment nakabatay ang loan?
- Magkano ang buwanang pagbabayad?
- Para sa mga adjustable-rate mortgage, may limitasyon ba sa mga pagbabago sa kabayaran at interest rate? Bababa ba ang interest rate kung bumaba ang mga interest rate sa merkado?
Sumunod, paghambingin ang mga natitirang detalye na makakaapekto sa iyong gastos:
- Sa aking mga pagbabayad, kailan lubusang mababayaran ang principal?
- Magbabago ba ang mga pagbabayad sa kabuuan ng buhay ng loan? Gaano kataas ang aking magiging pagbabayad?
- Kasama ba sa aking pagbabayad ang mga buwis sa ari-arian at insurance? Kung hindi, mababayaran ko ba ang mga iyon nang hiwalay?
- Anong mga gastos at singil ang idadagdag sa una kong pagbabayad? Sa patuloy kong pagbabayad?
- Kailangan ko bang magbayad ng points (paunang singil upang mabawasan ang interest rate)?
- Anong mga singil at gastos ang kasama sa halagang hinihiram ko (karaniwan para sa loan na “walang closing cost”)?
- Tumutugma ba ang nakasulat na alok sa kung ano ang sinabi sa akin tungkol sa loan?
- Makakakuha ba ako ng mas magandang deal sa mga serbisyo ng kasunduan mula sa ibang tagapagkaloob ng serbisyo?
- Maaari ko bang bayaran ang loan nang maaga, o magbigay ng mas malaki pa sa mga naka-iskedyul na pagbabayad, nang walang multa?
Humingi ng mas magandang alok
Sa oras na makita mo ang mga alok mula sa ilang lender, itanong kung makakapagbigay sila ng mas maganda. Karaniwan ang pakikipag-areglo, at walang masama sa pagtatanong. Maaaring ipagpaliban o bawasan ng lender ang isa o higit pa sa mga singil, o babaan ang interest rates o points.
Siguraduhing hindi ibinababa ng lender ang isang singil ang itinataas ang isa pa, o ibinababa ang iyong interest rate habang itinataas ang iyong points.