Skip to main content
Credit card key terms (in Tagalog)

Mga pangunahing termino para sa credit card

Taunang porsyento ng singil (APR) (Annual percentage rate (APR))

Ang APR, o ang taunang porsyento ng singil, ay ang pamantayang paraan para paghambingin kung magkano ang mga loan. Binibigyan ka nito ng pagkakataong paghambingin ang halaga ng mga produktong magkakatulad. Kailangang isiwalat ng kumpanya ng iyong credit card ang APR bago ka sumang-ayon sa paggamit ng card.

Para makalkula ang APR, inihahambing ang antas at mga singil ng interes sa halagang hinihiram mo at kinakalkula ito sa loob ng isang taong panahon. Nagbibigay ito sa iyo ng pagkakataong paghambingin ang mga halaga ng credit card sa loan na hinuhulugan ng anim na buwan. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas na naiiba ang mga APR sa mga simpleng antas ng interes.


Balance transfer

Ang balance transfer ay nagpapahintulot sa iyong ilipat ang natitirang balanse mula sa isang credit card patungo sa iba, na paminsan-minsan ay may singil. Ang singil ay karaniwang ilang porsyento ng halagang tina-transfer mo o hindi nagbabagong halaga, alinman ang mas malaki. Maraming kumpanya ng credit card ang naghahandog ng zero porsyento o mababang interes na mga balance transfer upang imbitahan kang pag-isahin ang iyong utang sa iisang credit card. Ang promosyonal na antas ng interes para sa karamihan sa mga balance transfer ay nagtatagal sa limitadong panahon. Pagkatapos noon, maaaring tumaas ang antas ng interes sa bago mong credit card, na magtataas din sa babayaran mong halaga.

Kung mahigit 60 araw ka nang nahuhuli sa pagbabayad, maaaring taasan ng kumpanya ng credit card ang antas ng interes sa lahat ng balanse, kabilang ang nai-transfer na balanse.


Credit balance

Ang credit balance sa iyong billing statement ay ang halaga ng pagkakautang sa iyo ng nag-isyu ng card.

Idinadagdag ang mga credit sa iyong account sa bawat pagkakataong nagbabayad ka. Maaari rin itong idagdag kapag may ibinabalik ka na binili mo gamit ang credit card o dahil sa rewards na nakuha mo o pagkakami sa naunang bill. Kung ang kabuuan ng mga credit ay lumampas sa halagang pagkakautang mo, makikita sa statement ang credit balance.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)


Pang-araw-araw na pana-panahong antas (Daily periodic rate)

Kinakalkula ng ilan sa mga nag-iisyu ng card ang interes sa account gamit ang pang-araw-araw na pana-panahong antas ng interes, na ginagamit para kalkulahin ang interes sa pamamagitan ng pag-multiply ng antas sa halagang pagkakautang sa katapusan ng araw. Pagkatapos ay idinadagdag ang halaga ng interes na ito sa balanse ng nakaraang araw, na nangangahulugang ikino-compound ang interes araw-araw.


Grace period

Ang grace period ay ang panahon sa pagitan ng katapusan ng billing cycle at ang petsang kailangan mong magbayad. Sa panahong ito, maaari kang hindi mapatawan ng interes hangga't binabayaran mo ang iyong balanse nang buo hanggang sa itinakdang petsang dapat magbayad. Hindi kinakailangang magbigay ang mga kumpanya ng credit card ng grace period. Gayunpaman, karamihan sa mga credit card ay nagbibigay ng grace period sa mga pagbili.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)


Antas ng interes (Interest rate)

Ang antas ng interes ng isang credit card ay ang presyong binabayaran mo sa paghiram ng pera. Para sa mga credit card, karaniwang nakasaad ang mga antas ng interes bilang taunang antas, at ito ay tinatawag na taunang porsyento ng singil (APR). Sa karamihan ng mga card, maiiwasan mo ang pagbabayad ng interes sa mga pinamili kung babayaran mo ang buong balanse sa bawat buwan hanggang sa itinakdang petsang dapat magbayad.


Ang prescreened na alok na credit card (Prescreened credit card offer)

Ang prescreened na alok na credit card ay kapag ginagamit ng mga kumpanya ng credit card ang impormasyon mula sa mga kumpanyang nag-uulat ng credit para gumawa ng matatag na alok ng credit sa iyo kung natutugunan ng iyong credit history ang mga pamantayang pinili ng kumpanya ng card.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)


Hindi awtorisadong paggamit (Unauthorized use)

Kawaniwan, ang hindi awtorisadong paggamit ay ang paggamit ng credit card ng isang taong walang karapatang gumamit ng card. Halimbawa, kung nawala ang iyong card at nahanap ito at ginamit ng isang tao, iyon ay magiging hindi awtorisadong paggamit.

Magbasa nang higit pa (sa Ingles)