Skip to main content
Mayroong tulong para sa mga nangungupahan
Kahit natapos ang moratorium ng CDC noong August 26, 2021, maaaring makatanggap pa rin ng tulong. Mag-apply na para sa ayuda para sa renta at mga utility.

Ang iyong karapatan bilang tenant at ang pangongolekta ng utang

Bilang nangungupahan, mayroon kang mga karapatan sa lokal, state at pederal na lebel sa loob ng pandemic. Maaaring makatulong itong manatili ka sa iyong tirahan.

Pag-aralan kung nililimitahan ng state o lokal na pamahalaan ninyo ang mga eviction

Nilimitahan ng ilang mga state at lokal na pamahalaan ang mga eviction upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Bisitahin ang Eviction Lab para makita kung nililimitahan ng inyong state o lokal na pamahalaan ang mga eviction

Maaari kang maging kwalipikado para sa libreng tulong legal

Maraming mga landlord ay may mga abogado. Maaari ka ring makatanggap ng tulong legal, at maaari ka ring maging kwalipikado para sa libreng legal aid.

Maghanap ng lawyer gamit ang inyong lokal na bar association o legal aid office.

Ang iyong mga karapatan sa ilalim ng pederal na Fair Debt Collection Practices Act (FDCPA)

Pag may utang ka sa iyong landlord o sa isang utility company at may iba pang tao na sinusubukang kolektahin ang utang nap era, maaaring maging debt collector ang taong iyon. Marahil ay mayroong abogado na tumutulong sa inyong landlord, o kaya may collection agency na sinusubukang singilin ka. Kung gayon, maaaring maging debt collector ang abogado, law firm, o company na ito sa ilalim ng batas pederal.

Ayon sa batas pederal, hindi pwedeng gumamit ng mapanlinlang o di-makatwirang gawi upang makasingil ng utang. Kung hinaharass ka ng isang debt collector, o kaya nililinlang ka tungkol sa iyong mga karapatan, lumalabas sila sa batas pederal.

Paunawa tungkol sa proteksyon sa eviction

Mula May 3 hanggang July 31, 2021, kinakailangan ang mga debt collector na magpakita sa iyo ng paunawa tungkol sa CDC moratorium bago ka nila subukang i-evict o kolektaham ng utang. Kailangang binigyan ka ng paunawang ito sa parehong araw na binigyan ka ng eviction notice o nagsampa ng eviction s aiyo, kung nag-aapply ang CDC Order sa iyo.

Kung hindi ka nakatanggap ng paunawang ito, sabihan ang abogado mo. Maaari ka ring magsumite ng reklamo o tawagan ang (855) 411-2372 upang i-report ang mga debt collector na lumalabag sa batas pederal.

Maghanap ng abogado gamit ang isang lokal na bar association o legal aid office


I-ulat ang mga hindi makatarungang landlord

Ang iyong mga karapatan bilang tenant ay karaniwang nakatakda sa iyong rental agreement pati mga state at lokal na batas. Bisitahin ang LegalFAQ.org para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iyong karapatan bilang tenant sa inyong state.

Ang iyong landlord ay hindi pwedeng:

Para kumausap sa isang abogado, kontakin ang inyong lokal na bar association o legal aid

Kung nakatira ka sa subsidized housing, i-ulat ang mga hindi makatarungang landlord sa Department of Housing and Urban Development (HUD)


Manatili sa inyong tirahan bilang survivor ng domestic violence

Maaari kang protektahan ng batas pederal mula sa eviction, pagkawala ng housing subsidy, o pag-deny ng iyong housing application dahil sa domestic violence, dating violence, sexual assault, o stalking na ginawa sa iyo. Subalit, hindi natitigilan ng batas pederal ang mga landlord na mag-evict ng mga abuser dahil gumawa sila ng domestic violence laban s aiyo, kahit sa loob ng pandemiya.

Alamin tungkol sa mga karapatan ng mga domestic violence survivor


I-ulat ang housing discrimination

Ang mga landlord ay karaniwang hindi pwedeng:

Dahil lang sa iyong lahi, kulay, because of your race, color, bansang pinanggalingan (bansang lipi), relihiyon, sex (kasama na ang sexual orientation at gender identity), familial status (pagkakabuntis o pagkakaroon ng mga anak), o kapansanan.

Kung ikaw o ang landlord mo ay nakatatanggap ng pederal na tulong pinansyal para sa housing, protektado ka rin sa diskriminasyon base sa iyong edad.

Alamin ang iyong Fair Housing Rights kapag humaharap ka ng eviction

I-ulat ang housing discrimination at magsumite ng reklamo sa Department of Housing and Urban Development (HUD)