Skip to main content
Mayroong tulong para sa mga nangungupahan
Kahit natapos ang moratorium ng CDC noong August 26, 2021, maaaring makatanggap pa rin ng tulong. Mag-apply na para sa ayuda para sa renta at mga utility.

Ano ang gagawin kung humaharap ka ng eviction

Kung baon ka sa utang na renta at nakatanggap ng demanda para magbayad, o kaya eviction notice o eviction lawsuit, nasa tama kang lugar.

Pwede ka naming tulungang maunawaan ang iyong mga Karapatan at kung paano paano pwede makinabang sa ayudang pederal o estado.

Piliin ang iyong sitwasyon para makita kung ano ang maaari mong gawin

Kung gusto mong manatili sa iyong bahay, planuhin kung paano pwede humabol sa renta.

Humanap ng tulong para sa renta at mga utility

Pwede kang mag-apply sa mga lokal na organisasyon sa iyong state para sa pondong pederal upang maasikaso ang iyong renta, utilities, at iba pang gastusing bahay. Pag-aralan ang emergency rental assistance.

Kausapin ang iyong landlord tungkol sa paggawa ng repayment plan

Alamin kung nais ng landlord mong makipag-usap sa iyo o kung pinaplano niyang magsampa ng eviction lawsuit. Minsan, ang pinakamahirap na hakbang ay ang pagsimula ng pakikipag-usap.

Alamin ang mga proteksyong pang-estado o pang-lokal

May mga estado at lugar na may mga palatuntunin na maaaring makatulong na i-delay ang inyong eviction habang naghihintay para sa ayuda. Alamin ang mga pansamantalang proteksyon ng estado mula sa eviction sa susunod na bahagi.

Maraming mga nagrerenta ang sumusuko na agad bago pa sila dumating sa korte. Hindi mo kailangang sumuko. Maaaring may tulong para sa iyo

Kumausap agad sa isang abogado

Maaari kang mag-qualify para sa libreng tulong legal (sa wikang Ingles). Kung ikaw ay servicemember, kausapin ang iyong local na Legal Assistance Office (sa wikang Ingles).

Humanap ng tulong para sa renta at mga utility

Pwede kang mag-apply sa mga lokal na organisasyon sa iyong state para sa pondong pederal upang maasikaso ang iyong renta, utilities, at iba pang gastusing bahay. Pag-aralan ang emergency rental assistance.

Kausapin ang korte.

Maaari kang tumawag sa court clerk at magtanong tungkol sa iyong kaso:

  • Naiintindihan ko na mayroon akong karapatan para magsumite ng nakasulat na pahayag na nagpapaliwanag kung bakit hindi ako dapat i-evict. Ano ang deadline para sa pagsumite nito?
  • Mayroon na bang iskedyul sa korte?
  • Nag-aalok ba ang korte ng mediation o kaya nakikipag-ugnayan sa mga housing counselor?

Magsumite ng nakasulat na pahayag.

Mayroon kang karapatan para magsumite ng nakasulat na pahayag na nagpapaliwanag kung bakit hindi ka dapat i-evict. Pwede kang magsumite nito kahit wala ka pang abogado.

  • Ipaliwanag ang iyong sitwasyon at kung ano ang iyong ginagawa upang makahanap ng tulong.
  • Ilarawan kung ano ang ginawa at hindi pa ginawa ng iyong landlord upang makatanggap ng federal rental assistance funds.
  • Kung nag-apply ka na para sa rental assistance at naghihintay na lang ng desisyon galling sa isang lokal na organisasyon, isama rin ito sa iyong pahayag.

Maaaring i-delay o i-dismiss ng hukom ang eviction dahil sinusubukan mong maghanap ng tulong.

Bisitahin ang LawHelp.org para sa karagdagang impormasyon kung paano magsumite ng Pahayag bilang tugon sa eviction lawsuit sa iyong state (sa wikang Ingles)

Mag-apply ng tulong para sa gastusing dulot ng paglilipat, kasama na ang security deposit pati na rin mga application fee

Hindi lang para sa renta ang Emergency rental assistance. Alamin kung tumutulong ang iyong lokal na rental assistance program sa paghanap ng bagong tirahan. Hanapin ang iyong lokal na rental assistance program (sa wikang Ingles).

Humingi ng karagdagang panahon para makahingi ng tulong sa renta

Tanungin ang hukom o kaya ang court clerk kung maaaring pansamantalang i-hold ang iyong eviction order habang pinoproseso ang inyong aplikasyon para sa emergency rental assistance.

Alamin ang mga state o local na proteksyon

May mga eviction moratorium ang ibang mga state o lokal na lugar na maaaring mag-delay rin ng mga eviction. Tignan sa ilalim ang mga pansamantalang proteksyong pang-estado mula sa eviction.

Tulong legal

Kung nagbabanta ang iyong landlord na palayasin ka, o kung kailangan mo ng tulong upang maunawaan ang iyong mga karapatan, kumausap sa isang abogado. Maaari kang mag-qualify para sa libreng tulong legal, depende sa iyong kita.

Mga Estadong nagbibigay ng pansamantalang proteksyon mula sa eviction

Pinapakita ng listahan sa baba ang mga estadong nagbibigay ng pansamantalang proteksyon mula sa eviction, pati na rin ang mga petsa kung kalian matatapos ang mga proteksyong ito. Sa iilang mga estado, maaari kang manatili sa ilalim ng proteksyon habang pinoproseso pa ang iyong aplikasyon para sa pederal na emergency rental assistance. Sa ibang mga estado naman, maaaring pansamantalang i-hold ang iyong eviction kapag magsumite ka ng affidavit sa estado o kaya naman gumawa ng repayment plan kasama ng iyong landlord.

Maaari ka ring matulungan ng mga local na housing counselor, legal aid, at mga social service na organisasyon upang mas lalong maintindihan kung paano gumagana ang mga proteksyon mula sa eviction.

Maraming mga estado ang kinakailangan kang mag-apply para sa pederal na rental assistance bago ka maaaring makatanggap ng proteksyon. Maaari mo ring gamitin ang pambansang Rental Assistance Finder upang makahanap ng lokal na programa at masimulan ang iyong aplikasyon para sa rental assistance (sa wikang Ingles).

Mga estadong may mga proteksyon mula sa eviction, at kanilang mga expiration date

  • California (sa wikang Ingles): Hanggang Marso 31, 2022
  • District of Columbia (sa wikang Ingles): Hanggang Enero 1, 2022
  • Massachusetts (sa wikang Ingles): walang expiry date para sa mga proteksyon
  • Michigan (sa wikang Ingles): walang expiry date para sa mga proteksyon
  • Minnesota (sa wikang Ingles): Hanggang Hunyo 1, 2022
  • Nevada (sa wikang Ingles): Hanggang Hunyo 5, 2023
  • New Jersey (sa wikang Ingles): Hanggang Disyembre 31, 2021
  • New Mexico (sa wikang Ingles): walang expiry date para sa mga proteksyon
  • New York (sa wikang Ingles): Hanggang Enero 15, 2022
  • Texas (sa wikang Ingles): Hanggang Disyembre 1, 2021
  • Virginia (sa wikang Ingles): Hanggang Hunyo 30, 2022
  • Washington (sa wikang Ingles): Hanggang Oktubre 31, 2021

Karagdagan tulong para sa eviction

Samantalahin ang libreng tulong sa housing

Maaaring makatulong ang mga Housing counselor upang makagawa ng plano.

Kung nais mong humngi ng tulong galling sa isang lokal na eksperto, mangyaring kontakin ang housing counseling program ng Department of Housing and Urban Development (HUD).

Tawagan ang 800-569-4287 o kaya maghanap ng housing counselor (sa wikang Ingles)

Alamin ang iyong mga karapatan

Maaaring mayroon kang karagdagang karapatan tulad ng:

  • Karapatan sa pangongolekta ng utang
  • Karapatan para iulat ang masamang landlord
  • Karapatan para mag-ulat ng housing discrimination
  • Karapatan na manatili sa iyong tahanan bilang nakaligtas mula sa karahasang pantahanan

Alamin ang iyong karapatan bilang nangungupahan