Skip to main content
Mayroong tulong para sa mga nangungupahan
Kahit natapos ang moratorium ng CDC noong August 26, 2021, maaaring makatanggap pa rin ng tulong. Mag-apply na para sa ayuda para sa renta at mga utility.

Mga proteksyon para sa mga nangungupahan sa federally subsidized housing

Kung nakatira ka sa isang gusaling may 5 o higit na unit, o kung nakatatanggap ka ng HUD tenant-based voucher, maaaring mayroon ka pang mga pederal na proteksyon.

May karapatan ka para sa 30-day notice

Paano ka protektado:

Sa ilalim ng CARES Act, mayroon kang karapatan para makatanggap ng 30-day notice bago ka pwedeng i-evict ng iyong landlord. Ibig sabihin ay maaari kang bigyan ng kaunti pang oras para makahanap ng rental assistance o kaya legal advice bago pwedeng simulant ng landlord mo ang proseso ng eviction.

Nag-aapply ito sa iyo kung:

  1. Nakatanggap ka o ang iyong landlord ng federal subsidy, o
  2. Nakatira ka sa isang gusaling may 5 o higit na unit at ang iyong gusali ay may federally insured na mortgage

Maaaring kang maprotektahan sa eviction at late fee

Paano ka protektado:

Ipinagbabawal ang iyong landlord na:

  • I-evict ka dahil hindi ka pa bayad sa renta o late fee
  • Hingan ka ng late fee o ibang penalty dahil sa pagbayad ng late rent payment, o
  • Hingan ka ng lump sum na bayad para sa lahat ng hindi mo nabayarang renta

Pagkatapos ng forbearance, kailangan kang bigyan ng landlord mo ng 30 days notice man lang bago sila magsimula ng proseso ng evition. Ito ay tinatawag na 30-day notice to vacate.

Nag-aapply ito sa iyo kung:

  1. Nakatira ka sa isang gusaling may 5 o higit na unit, at
  2. Nakatatanggap ang iyong landlord ng mortgage help (forbearance) sa isang mortgage na insured ng
    • Fannie Mae at Freddie Mac (FHFA), o
    • Federal Housing Administration (FHA)

Kailangang sabihan ka ng landlord mo tungkol sa mga karapatang iyo habang nakatatanggap sila ng mortgage help.

Maaari kang maprotektahan sa iilang mga late fee noong nakaraang taon

Paano ka protektado:

Karamihan ng mga proteksyon ng CARES (Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security) Act ay nag-expire na noong katapusan ng 2020. Kung nakatira ka sa housing na protektado ng CARES Act:

  • Hindi dapat sumingil ang landlord mo ng late fee o ibang penalty s aiyo dahil lang late ka nakabayad ng renta mula March 27 hanggang July 24, 2020, at
  • Dahil pinagbawalan ang mga fee o penalty na ito, hindi ka nila pwedeng i-evict dahil lang dito

Maaari ka pa ring kasuhan o i-evict ng iyong landlord, o kaya sumingil ng late fee o penalty bago ng March 27, 2020 o pagkatapos ng July 24, 2020.

Nag-aapply ito sa iyo kung:

  1. Ikaw o ang landlord mo ay nakatatanggap ng federal subsidy, or
  2. Nakatanggap ng CARES Act mortgage ang iyong landlord noon nakaraang taon at insured ang mortgage ng federal government

Alamin kung kwalipikado ang iyong housing

Maaari mong tanungin ang iyong landlord kung nakatatanggap sila ng forbearance. O kaya pwede mong kausapin ang iyong abogado para matulungan kang alamin.

Kontakin ang iyong lokal na bar association o legal aid office

Alamin kung kwalipikado ang iyong housing

Kasama dito ang:

  • Public housing
  • Section 236 or 538 multifamily housing
  • Section 8 project-based housing
  • Section 8 housing choice voucher
  • McKinney-Vento homeless assistance grant
  • Housing Opportunities for Persons with AIDS (HOPWA)
  • Low-Income Housing Tax Credit Program (LIHTC) para sa mga landlord
  • Section 8 moderate rehabilitation
  • Section 811 housing para sa mga may disability
  • Section 202 housing para sa mga matatanda
  • Below Market Interest Rate (BMIR) housing
  • Rural Development multifamily housing program, grant, o voucher

Kung hindi ka sigurado:

Kasama na dito ang:

  • Fannie Mae and Freddie Mac (FHFA)
  • Federal Housing Administration (FHA)
  • U.S. Department of Agriculture (USDA), at
  • Veterans Administration (VA)

Gamitin ang mga tool na ito para alamin.

Para alamin kung ang mortgage ng gusali mo ay insured ng HUD:

Para alamin kung ang mortgage ng gusali mo ay insured ng Fannie Mae o Freddie Mac (FHFA):

Tulong legal

Kung nagbabanta ang landlord mo na i-evict ka, o kung kailangan mo ng tulong para intindihin ang iyong mga karapatan, kumausap sa isang abogado. Depende sa iyong income, maaari kang mag-qualify para sa libreng legal aid.

Kontakin ang iyong lokal na bar association o legal aid office

Karagdagang tulong para sa eviction

Ano ang gagawin kung nag-aalala ka sa eviction

Mayroon kaming impormasyon para tulungan kang intindihin ang iyong mga karapatan, base sa iyong kasalukuyang sitwasyon.

Tulong para sa renta at mga utility

Maaari kang mag-apply sa mga organisasyon sa state o lokal na lebel para makatanggap ng pederal na ayuda para makatulong sa iyong renta, mga utility, at iba pang gastusing bahay.