Tulong pederal para sa pagbayad ng iyong renta
Namamahagi ng bilyun-bilyong dolyar ang mga state at lokal na programa upang makatulong sa mga nangungupa na manatili sa kanilang mga tirahan habang may pandemiya. Tinutulungan ng rental assistance ang parehong mga tenant at mga landlord upang makaraos.

Kung ikaw ay isang nangungupahan na nahihirapang magbayad ng iyong renta, mga utility, o iba pang mga gastusing bahay – o kung ikaw ay landlord na may tenant sa parehong sitwasyon – maaaring may makatulong sa inyo. Tumatanggap ang mga state at lokal na programa ng mga aplikasyon galling sa mga renter at landlord upang makapamahagi ng ayuda galing sa programang Emergency Rental Assistance (ERA) ng U.S. Department of Treasury sa kani-kanilang mga komunidad.
Hindi lang para sa mga nangungupahan ang rental assistance. Sa ngayon, karamihan ng mga emergency rental assistance programs ay tumatanggap ng applikasyon mula sa mga landlord. Sa mga pagkakataon na pwedeng mag-apply ang mga renter, marahil ay kakailanganin pa rin nila ang tulong ng mga landlord upang makumpleto ang proseso.
Mga katanungan at kasagutan ukol sa federal rental assistance
Paano ako mag-apply para sa emergency rental assistance?
Maaari kang mag-apply sa iyong lokal na emergency rental assistance (ERA) program. Bawat lokal na programa ay may mga naaangkop na patakaran at proseso depende sa kinakailangan ng kanilang komunidad. Halimbawa, sa ibang lugar, pwedeng mag-apply diretso ang mga nangungupahan. Sa iba naman, ang landlord kailangan ang magsumite ng aplikasyon muna.
Maghanap ng rental assistance program sa iyong state, tribe, o pook
Mangyaring gamitin ang search bar para makahanap ng programa sa iyong lugar. Kung hindi ka makahanap ng programa sa iyong lugar, mangyaring tawagan ang 2-1-1 o ang inyong lokal na housing authority para sa karagdagang tulong.
Ano ang sakop ng emergency rental assistance?
Ang pederal na ERA Program ay pinapahintulutan ang mga lokal na program ana tumulong sa pagbayad ng renta at mga utility. Kasama na rito ang kuryente, gas, tubig, fuel oil, water at sewer, at basura. Kung ang landlord ang karaniwang nagbabayad para sa mga utility na ito, nabibilang sila na bahagi ng iyong renta.
Sakop din ng rental assistance ang:
- Makatwiran na late fees (kung hindi siya kasama sa iyong utang na renta o bayarin sa utility)
- Internet service sa iyong tirahan
- Gastusin sa paglipat at iba pang kaugnay na fee (tulad ng security deposit, application fee, o screening fee) para sa mga pamilyang kinakailangang lumipat
Ang ibang programa naman ay maaaring makahandog ng housing counseling, case management, legal representation, o kaya iba pang mga housing stability service.
Kumausap sa inyong lokal na programa para malaman kung paano sila makatutulong.
Eligible ba ako para sa emergency rental assistance?
Para maging eligible sa ayudang makatutulong sa pagbayad ng renta, kailangang may kasunduan kayo ng landlord mo para magbayad ng renta para sa iyong tirahan o mobile home lot. Hindi mo kailangan ng signed lease, at ang tirahan mo ay pwedeng maging apartment, bahay, mobile home, o ibang tipo ng tirahan.
Kailangan ring totoo ang sumusunod:
- Kailangang kahit isang miyembro ng iyong household ay:
- Kwalipikado sa unemployment
- Nawalan ng kita
- Maraming utang, O
- May iba pang kahirapang pinansyal
- Ang household income niyo ay mas maliit pa kaysa isang nakatakdang halaga, base sa kung saan ka nakatira
- Kahit isang miyembro ng iyong household ay nakaranas ng housing instability; ibig sabihin ay nanganganib na maging homeless o kaya mahirapang makahanap ng pirming matitirahan
Paano ko maipakita na eligible ako?
Ang eligibility ay base sa sitwasyong pinansyal at pangangailangan ng renter household.
Pag-apply mo ng emergency rental help, kakailanganin mong ipakita na eligible ang income mo at nakakaranas ka ng housing instability. kung ikaw ay landlord, base sa pangangailangan ng inyong tenant ang inyong eligibility, at kailangan mong ipakita na aligible ang household ng nangungupahan sa iyo.
Para tulungan ang mga eligible na pamilya sa panahon ng pandemiya, kailangang maging flexible ang mga programa sa tipo ng dokumentasyon na kailangan nila. Ibig sabihin na pwede kang magpakita ng digital photo, mga kopya, e-mail, o nakasulat na pahayag galling sa iyong employer, landlord, caseworker o kaya ibang propesyonal na nakakaalam sa inyong household income at eligibility.
Kailangan mong pumirma ng nakasulat na pahayag na ang impormasyon sa iyong aplikasyon ay tama at kumpleto, at gagamitin mo ang emergency rental assistance para sa naaangkop na gastusin.
Ipapadala ba ng lokal na programa ang rental assistance sa akin, sa aking landlord, o sa utility provider?
Dumedepende ito sa kung paano gumagana ang inyong lokal na programa.
Minsan, maaaring kontakin ng programa ang iyong landlord o utility provider para mabayaran ng emergency rental assistance at utang mong bayarin. Pag ayaw nilang tanggapin, o kung hindi sila sumagot sa loob ng 7 araw (o kaya sa loob ng 5 araw kung kontakin ng programa ang landlord mo sa telepono, text, o e-mail), maaaring ibigay ng lokal na programa direkta sa iyo. Pagkatapos, kailangan mong gamitin ang ayuda para bayaran ang landlord o utility mismo.
Minsan naman, maaaring ibigay ng lokal na programa ang ayuda direkta sa iyo. Kahit ganoon, kailangan mo pa ring gamitin ang pera para bayaran ang utang mong renta.
I-check ang inyong lokal na programa para sa karagdagang detalye.
Smula ng May 7, 2021, hindi ka pwedeng i-evict ng mga landlord na nakatanggap na ng direktang bayad para sa hinaharap ng renta sa loob ng panahon na sakop ng rental assistance. Pag direktang binabayaran ng mga programa ang mga landlord, ang patakaran ay huwag i-evict sa loob ng 30 hanggang 90 araw pagkatapos ng panahong sakop ng rental assistance.
Mga natatanging sitwasyon
Alamin kung maaaring gamitin ang emergency rental assistance sa iyong natatanging sitwasyon.
Ang mga katanungan at kasagutan na ito ay base sa binagong Frequently Asked Questions para sa emergency rental assistance (ERA ) ng Department of the Treasury. Maaaring magbago ang mga program requirement depende sa particular mong lugar. Pinakamainam na makipag-ugnayan sa iyong lokal na programa para sa karagdagang detalye.