Skip to main content
Mayroong tulong para sa mga nangungupahan
Kahit natapos ang moratorium ng CDC noong August 26, 2021, maaaring makatanggap pa rin ng tulong. Mag-apply na para sa ayuda para sa renta at mga utility.

Simulan ang pag-uusap tungkol sa mga payment agreement

Maaaring maging magastos at mahirap ang eviction para sa parehong renter at landlord. Bukod sa pag-apply para sa emergency rental assistance, maaaaring maka-benefit pa ang parehong renter at landlord sa pakikipag-ugnayan at pakikipagkasundo tungkol sa mga opsyon para sa isang repayment plan.

Nag-apply ka na ba para sa rental assistance?

Sa ngayon, namamahagi ang state at lokal na programa ng bilyun-bilyong dolyar ng pederal na ayuda para makatulong sa mga housing cost.

Maaaring simulant ng mga landlord ang proseso sa maraming lugar

Maraming rental assistance programs ang tumatanggap ng aplikasyon galing sa parehong landlord at renter. Kadalasan, kung saan pwedeng mag-apply ang mga renter, kakailanganin pa rin nila ng tulong mula sa mga landlord para makumpleto ang proseso.

Kung makipag-ugnayan ang parehong landlord at tenant, mas maganda ang tsansa na makatatanggap kayo ng rental assistance funds.

Maghanap ng rental assistance program sa iyong state, tribe, o pook

Alamin tungkol sa eligibility at kung ano ang sakop ng ayuda

Isaalang-alang ang iyong mga opsyon

Para sa mga nangungupahan, maging realistiko sa kaya mong bayaran buwan-buwan. Huwag masyadong mangako ng hindi kaya—nabubuo sa pagtitiwala ang iyong relasyon sa iyong landlord.

Para sa mga landlord, maaaring makatulong ang mga repayment agreements para maiwasan ang mahirap at magastos na proseso ng eviction.

Kung dumating kayo sa kasunduan, siguraduhin isulat ang lahat ng mga termino at detalye para siguradong nagkakasundo kayong pareho. Sa ganitong paraan, pwede kayong sumangguni sa isang dokumento. Siguraduhin niyong nagkakasundo kayo sa kung gaano karami ang utang, kasama na ang mga late fee o iba pang bayarin.

Opsyon

Paano siya gumagana

Kailan ito mainam na opsyon 

Isaayos ang mga takdang petsa

Maaaring ayusin ang rent due date para mas lalong sumang-ayon sa payday, o kaya hatiin siya sa maraming mas maliliit na halaga sa loob ng isang buwan.

Maaaring mahirapan ang mga tenant magbayad ng isang malaking halaga sa simula ng buwan kung na nahihirapan na silang balansehin ang maraming bayarin. Maaaring mas madali kung hatiin ang renta sa mas maliliit na bayad kada buwan. 

Ipaubaya ang mga late fee 

Maaaring ipaubaya na lang ang mga late fee at interest basta mayroon nang nabayaran.

Maaaring pumayag ang mga landlord na talikuran ang karaniwang penalty basta humabol ang mga nangungupahan sa pagbayad ng halagang pinagkasundo ninyo. 

Ipagkasundo na babaan ang halaga ng renta

Maaaring tanggapin ang mas mababang renta basta may nababayaran kada buwan.

Maaaring pumayad ang mga landlord sa mas maliliit na bayad para sa ilang buwan, basta magbayad ang mga tenant ng pinagkasundong halaga. Maaari rin itong isama sa isang rent repayment plan. 

Gumawa ng repayment plan

Maaaring mabayaran ang back rent sa loob ng pinagkasundong panahon, halimbawa 6 na buwan hanggang isang taon. Isang bahagi ng utang na bayad ay idinadagdag sa bawat buwan.

Maaaring magbayad ng mas malaking halaga ang mga renter kapag naayos na nila ang kanilang sitwasyon. Maaaring makatanggap rin ang ibang mga renter ng karagdagang ayuda, tulad ng child tax credit o bonus, na maaaring gamitin para magbayad ng bahagi ng halagang sinisingil. 

Mga payo para simulan ang mabuting usapan

Klaruhin ang sitwasyon

Kung dati’y mahirap makipag-usap dahil sa paghihirap, o kaya hindi ka pa pwedeng makipag-usapan, siguraduhing klaruhin ang sitwasyon sa gitna ninyong dalawa, at aminin ang ano mang pagkukulang mo na nagresulta sa hindi pakikipag-ugnayan.

Tanggapin ang paghihirap na pareho niyong hinaharap

Maraming mga renter ay naghihirap dahil sa COVID-19 pandemic.

Mga landlord, kung nakakaranas ng paghihirap ang inyong mga tenant, if your tenant is facing an income shortfall, kilalanin at tanggapin ang sitwasyon ng nangungupahan sa inyo at alamin kung ano ang ginagawa nila para lang maghanapbuhay.

Mga nangungupahan, klaruhin niyo kung ano ang ginagawa niyo para humabol sa mga bayarin na renta.

Ipaliwanag kung bakit gusto mong makipag-ugnayan

Mga landlord, huwag niyong basta-bastang akalain na alam ng tenant ninyo kung saan kayo nanggagaling. Ipaalam sa tenant niyo kung ano ang ipinapahalagahan ninyo sa kanila at kung bakit gusto niyo silang manatili sa property ninyo. Maaari mo ring ipaalam sa kanila na dumedepende ka sa rental income para mabayaran ang sarili mong mortgage, insurance, at iba pang gastusing bahay.

Mga renter, tulungan ang inyong landlord na maintindihan kung bakit mahalaga ang usapang ito para sa iyo. Ano ang ibig sabihin para sa iyo at pamilya mo na manatili kung saan kayo ngayon? Malapit ba siya sa iyong trabaho o paaralan? Ano ang ipinapahalagahan ninyo sa inyong landlord, tirahan, o komunidad? What would it mean for you and your family to remain housed where you are? Is your home close to work and school? What do you appreciate about your landlord, your home, or your neighborhood? Huwag niyong basta-bastang akalain na alam ng landlord ninyo.