Mga pangkupkop para sa mga nangungupahan
English | Español | 繁體中文 | 简体中文 | Tiếng Việt | 한국어 | اَلْعَرَبِيَّةُ
Kung nagkakaproblema ka sa pagbabayad ng renta o nahaharap sa pagpapalayas bilang resulta ng pandemya sa coronavirus, hindi ka nag-iisa. Matuto kung ano ang magagawa mo at alamin ang mga bagong pangkupkop para sa mga nangungupahan.
Kumikilos ang mga gobyernong federal, state at local para mag-alok ng tulong, at kabilang dito ang pagtulong at pagkupkop sa maraming nangungupahan. Magpatuloy sa pagbabasa para malaman ang tungkol sa mga pangkupkop na ito.
Na-update na ang nilalaman na ito sa Ingles, Malapit nang ma-update ang pagsasalin na ito.
Matuto tungkol sa mga federal na pangkupkop para sa mga nangungupahan
Nagbibigay ang Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security (CARES) Act ng ilang pangkupkop mula sa pagpapalayas at mga bayarin sa pagkahuli dahil sa hindi pagbabayad ng renta para sa karamihan ng mga nangungupahan sa mga pabahay na tinutustusan o inaalalaya ng federal.
Mula March 27 hanggang July 24, 2020, kung kabilang ka sa isang uring inilarawan sa ibaba, ang iyong kasera o may-kapangyarihan sa pabahay ay hindi maaaring:
- Magsampa ng legal na sakdal para palayasin ka dahil sa hindi pagbabayad ng renta o iba pang bayarin o singilin
- Sumingil ng mga bayarin, multa, o iba pang singilin na kaugnay sa hindi pagbabayad
- Nagbigay sa iyo ng 30-araw na abiso para lumayas (umalis sa ari-arian) hanggang July 25, 2020
Kung nakakuha ng tulong ng CARES Act ang iyong kasera mula sa mga pagbabayad ng mortgage ng iyong bahay, maaaring nakukupkop ka mula sa pagpapalayad sa loob ng mas matagal na panahon (pagkalipas pa ng July 25, 2020).
HIndi angkop ang mga pangkupkop na ito ng CARES Act kung:
- Nagsampa ng kaso ang iyong kasera para palayasin ka bago noon March 27, 2020. Sa kalagayang ito, maaaring nag-aalok ng pangkupkop ang iyong state o local na may kapangyarihan mula sa pagpapalayas.
- Pinapalayas ka sa mga dahilang iba pa sa hindi pagbabayad ng renta o iba pang bayarin at singilin. Halimbawa, maaari pa ring subukan ng iyong kasera na palayasin ka dahil sa paglubag ng mga kasunduan sa iyong lease [pag-upa].
Kailangan pa rin ang mga pagbabayad ng renta.
Kahit pa angkop ang moratorium [pag-atraso] sa pagpapalayas ng CARES Act, kailangan pa rin ang mga pagbabayad ng renta sa itinakdang petsa. Kung kaya mo, patuloy na bayaran ang iyong renta para iwasan ang pagpapalayas sa hinaharap.
Kung nakararanas ka ng paghihirap pampananalapi kaya nahihirapan kang bayaran ang iyong renta sa takdang oras, kaagad na makipag-ugnayan sa iyong kasera o may kapangyarihan sa pabahay.
- Kung umuupa ka sa isang pribadong kompanya o kasera, makakatulong sa iyo ang isang kasunduan sa pagbabayad para iwasan ang pagpapalayas sa sandaling matapos na ang moratorium.
- Kung nakatira ka sa pabahay na may panustos ng federal at nagbago ang iyong kita, maaaring nararapat ka para sa pagbabawas ng renta. Makipag-ugnayan sa iyong may kapangyariha sa pabahay para pag-usapan ang muling pagpapatunay sa iyong kita.
Alamin kung nakukupkop ka
Maaaring nakukupkop ka mula sa pagpapalayas kung nakatanggap ka na federal na tulong sa renta o nakatira ka sa pabahay na may federal na panustos, o may mortgage na itinataguyod ng federal ang iyong landlord.
Angkop sa iyo ang mga pangkupkop ng CARES Act kung ikaw ay:
Ano ang susunod na titingnan
Maraming state at local na gobyerno ang nagpatigil sa mga pagpapalayas dahil sa pandemya sa coronavirus. Nakadepende ang mga detalye ng kung paano kinukupkop ang mga nangungupahan, at kung gaano katagal. at kung saan ka nakatira.
Ang ilang state ay:
- Nagbabawal ng anumang abiso o pagkilos na pagpapalayas
- Nagpatigil ng lahat ng pagdinig sa korte ng pagpapalayas
- Nagpatigil sa pagpapatupad ng mga kautusan o hatol na pagpapalayas
Bumisita sa listahan ng mga pagtatakda ng state at local sa pagpapalayas at pagremata ng Eviction Lab para malaman kung may mga pangkupkop sa pagpapalayas sa panahong ito ang iyong state at local na komunidad.
Kung nahaharap ka sa paghihirap pampananalapi
May pananagutan ang CFPB na magbigay sa mga consumer ng mga napapanahong impormasyon at sanggunian para kukupin at pangasiwaan ang kanilang mga pananalapi sa mapanghamong panahong ito. Mayroong kaming mga sanggunian para tulungan kang suriin ang iyong kasalukuyang pananalapi at magpasya tungkol sa iyong budget.
Para sa higit pang sanggunian, bumisita sa landing page ng Coronavirus ng CFPB.