Alamin kung aling mapipili ang maaaring nararapat ka
English | Español | 繁體中文 | 简体中文 | Tiếng Việt | 한국어 | اَلْعَرَبِيَّةُ
Nakabatay ang iyong mga mapipili sa tulong sa mortgage sa kung sino ang may-ari o nagtataguyod sa iyong mortgage, mga programang kanilang inaalok, at saligan sa pagiging nararapat na kanilang itinakda. Dito, ipapaliwanag namin kung paano malaman kung saan ka maaaring maging nararapat.
Na-update na ang nilalaman na ito sa Ingles, Malapit nang ma-update ang pagsasalin na ito.
Una, alamin kung sino ang nagsisilbi sa iyong mortgage
Ang tagapagbigay ng serbisyo ng mortgage ay isang kompanya na pinadadalhan mo ng mga pagbabayad sa mortgage kada buwan. Kailangan mong makipag-ugnayan sa kanila.
Kung hindi mo alam o hindi matandaan kung sino ang kasalukuyan mong tagapagbigay ng serbisyo ng mortgage, maraming paraan para malaman ito, kabilang na ang pagtingin sa statement [tala ng singil] ng iyong mortgage para sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Alamin kung sino ang may-ari o nagsisilbi sa iyong mortgage
Ikalawa, tingnan kung ang tinataguyod ng federal o GSE ang iyong mortgage
Para maging nararapat sa mga pagkupkop sa ilalim ng CARES Act, kailangang naka-insure, may garantiya, pag-aari, o tinataguyod o pinondohan ng isa sa mga ahensyang federal o mga Government Sponsored Entities (mga GSE) [mga entidad na tinatangkilik ng gobyerno] na nakalista sa ibaba. Karamihan sa mga mortgage ay tinataguyod ng federal o GSE.
Kung hindi mo alam kung sino ang nag-insure, naggarantiya, nag-ari o nagtataguyod sa iyong mortgage, puwede kang tumwawag sa iyong tagapagbigay ng serbisyo o tingnan ang link sa ibaba. May katungkulan ang tagapagbigay ng serbisyo na ibigay sa iyo, sa abot ng kanilang kaalaman, ang pangalan, tirahan, at numero ng telepono ng kung sino ang may-ari o nagtataguyod sa iyong loan [utang]. Maaari mo ring malaman mula sa iyong mga dokumento ng mortgage at tala, lalo na kung mayroon kang loan na VA, USDA, o FHA.
Kung tinataguyod o pinondohan ng federal ang iyong mortgage
Kabilang sa listahang ito ang mga federal na ahensya at iba pang Government Sponsored Entities (GSEs) na may mga tinataguyod na mortgage ng federal. Ibabaling ka ng mga link na ito sa pangpatnubay na kaugnay sa coronavirus na ibinibigay ng mga ahensya at entidad, pati na rin ang mga maaabot na impormasyon tungkol sa "loan look up" [pagsisiyasat ng utang].
- U.S. Department of Housing and Urban Development (HUD)
- See HUD COVID-19 resources
- Federal Housing Administration (FHA) (Includes reverse mortgages) Tingnan kung ang iyong loan na pang-isahang pampamilya ay na-insure ng FHA sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Sentro ng Mapagkukunan ng FHA sa pagtawag sa telepono sa 1-800-CALL FHA, o sa pamamagitan ng email sa answers@hud.gov.
- Office of Native American Programs (ONAP) Section 184/184A. Makipag-ugnayan sa ONAP sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 561-5913, o sa pamamagitan ng pag-email sa Section184@hud.gov.
- U. S. Department of Agriculture Rural Development (USDA) Direct or Guaranteed loans
- Tingnan ang mga sanggunian ng USDA tungkol sa COVID-19
- Puwede ring tumawag ang mga borrower [umutang] sa Direct Loan ng USDA sa USDA sa 800-414-1226
- Kagawaran ng Usapin ng mga Beterano ng U.S. (U.S. Department of Veterans Affairs, VA)
- Tingnan ang Paggabay para sa mga umutang ng utang sa pabahay ng VA sa panahon ng COVID-19
- Maaaring makipag-ugnayan ang mga umutang sa Tuwiran na Utang ng Katutubong Amerikano (Native American Direct Loan, NADL) sa pangkat ng pagpapasya ng default [hindi nabayaran] ng BSI sa 800-327-7861 o customercare@bsifinancial.com
- Kung kinakabahan kang makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng serbisyo, o kung gusto mo ng tulong at payo ng VA, makipag-ugnayan sa VA loan technician [nasanay na tuhan] sa 877-827-3702.
- Fannie Mae
- Tingnan dito kung tinataguyod ng Fannie Mae ang iyong loan o tumawag sa 1-800-232-6643 at pindutin ang “4” para sa may-ari ng bahay
- Freddie Mac
- Tingnan dito kung tinataguyod ng Freddie Mac ang iyong loan o tumawag sal 1-800-373-3343 at pindutin ang "4" para sa may-ari ng bahay.
Kung hindi tinataguyod o pinondohan ng isa sa mga entidad na ito ang iyong mortage
Kung may mortgage loan ka na hindi tinataguyod ng isa sa mga federal na ahensya o entidad na nakalista rito, hindi sakop ng CARES Act ang iyong loan. Makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng serbisyo para makita ang mga mapipili na maaabot mo. Makikita mo ang pangalan ng iyong tagapagbigay ng serbisyo sa iyong statement ng mortgage o sa pamamagitan ng paghahanap sa Mortgage Electronic Registration Systems (MERS) website.
HInikayat ng CFPB at mga iba pang tagapamahala ng pananalapi ang mga institusyon pampananalapi na makipagtulungan sa mga borrower na o maaaaring hindi matugunan ang kanilang mga tungkulin dahil sa mga epekto ng COVID-19.
Kailangan kang tulungan ng iyong tagapagbigay ng serbisyo na matukoy ang mga kahaliling maaaring magamit mo dahil sa iyong tiyak na kalagayan.
Ikatlo, tingnan kung nag-aalok ang iyong state ng mga karagdagang mapipili na tulong sa mortgage
Maraming state ang nagpapatupad at nagsasaalang-alang ng iba't ibang mapipili sa tulong sa mortgage, kabilang ang pagpapahinto ng mga pagremata. Tingnan ang website ng gobyerno ng inyong state para sa mga detalye .
Ano ang susunod na gagawin
Pata humiling ng mapipili sa tulong, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kompanya na nagbibigay ng serbisyo sa iyong mortgage. Matuto kung ano ang mga itatanong at anong mga materyales ang kukunin kapag humlijng ka ng tulong sa mortgage.