Magtatapos na ang forbearance [pagpipigil] sa mortgage [sangla]? Oras na para gawin ang susunod na hakbang.
Milyon-milyong may-ari ng bahay ang sinamantala ang forbearance upang ihinto o bawasan ang kanilang mga pagbabayad ng mortgage. Kung magtatapos na ang iyong unang panahon ng forbearance, magpasya sa iyong mga susunod na hakbang.
Kung mahigpit pa rin ang pananalapi
Kung pumasok ka sa forbearance sa ilalim ng Batas ng Tulong, Kaluwagan, at Seguridad ng Kabuhayan sa Coronavirus (Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security o CARES) at nakararanas pa rin ng paghihirap sa pananalapi dahil sa pandemya, may karapatan kang humingi at makatanggap ng isang pagpapalawig. Hindi ito kusang mangyayari—kailangan mong humingi sa iyong tagapagsilbi ng mortgage. Makipag-usap sa iyong tagapagsilbi o isang tagapayo sa pabahay na nasang-ayunan ng HUD.
Kung abot-kaya mo ang iyong mga pagbabayad
Kung nangangahulugan ang kalagayan ng iyong pananalapi na maaari mong bayarang muli ang iyong mortgage, oras na para umalis sa forbearance. Dahil kailangan mong manatiling bayad at muli ring bayaran ang mga nalaktawang pagbabayad, ang iyong susunod na hakbang ay makipag-usap sa iyong tagapagsilbi o sa isang tagapayo sa pabahay. Masasabi sa iyo ng iyong tagapagsilbi ang tungkol sa mga pagpipilian sa mga pagbabayad na makakaya mo.
Humingi ng dalubhasang tulong mula sa isang tagapayo
Bisitahin ang consumerfinance.gov/mortgagehelp o tumawag sa Kawanihan ng Pangangalaga ng Pananalapi ng Konsyumer (Consumer Financial Protection Bureau, CFPB) sa (855) 411-CFPB (2372) upang humanap ng tagapayo sa pabahay na nasang-ayunan ng HUD, na wala kang babayaran.
Iwasan ang mga scam [pandaraya]
Sinusubukang samantalahin ng mga nagpapanggap ang mga may-ari ng bahay na nagkakaproblema sa pamamagitan ng paniningil ng maraming pera—maging ng libo-libong dolyar—para sa mga maling pangako ng tulong. Hindi mo kailangang magbayad sa sinuman upang tulungan kang iwasan ang pagsamsam ng naka-mortgage. Maaaring maaabot ang tulong na kailangan mo nang walang bayad mula sa iyong tagapagsilbi, o sa pamamagitan ng isang ahensya sa pagpapayo sa pabahay na nasang-ayunan ng HUD.
Federal Coronavirus resources
White House Coronavirus Task Force
Information about COVID-19 from the White House Coronavirus Task Force in conjunction with CDC, HHS, and other agency stakeholders.
Visit coronavirus.gov
USAGov
Information on what the U.S. Government is doing in response to COVID-19.
Visit usa.gov (English)
Visit usa.gov (Spanish)