Forbearance [pagpipigil] ng mortgage [sangla] sa panahon ng COVID-19: Ano ang dapat malaman at ano ang gagawin
Nahihirapan ang maraming may-ari ng bahay na magbayad ng mortgage bilang resulta ng pandemya ng coronavirus. Narito ang impormasyong maaari mong magamit, tungkol sa mga pagpipilian mo at ang iyong mga karapatan.
Na-update na ang nilalaman na ito sa Ingles, Malapit nang ma-update ang pagsasalin na ito.
Kung nakararanas ka ng mga paghihirap sa pananalapi, hindi ka nag-iisa
May magagamit na tulong. May karapatan sa forbearance ang karamihan ng may-ari ng bahay dahil sa kahirapan sa pananalapi na may kaugnayan sa coronavirus. Ang forbearance ay kapag pinapayagan ka ng iyong tagapagsilbi sa mortgage o tagapagpautang na ihinto o bawasan ang iyong mga pagbabayad sa mortgage sa loob ng nakatakdang panahon habang bumabawi ka sa iyong kalagayang pananalapi.
Hindi kusa ang forbearance. Dapat mo itong hilingin mula sa iyong tagapagsilbi ng mortgage. Maaaring magmukha itong parang isang malaking hakbang na gagawin, ngunit makatutulong sa iyo ang pagkilos ngayon na ihinto ang iyong mga pagbabayad at iwasan ang pagsamsam ng naka-mortgage.
Nagtatapos ang forbearance sa isang plano ng pagbabayad, hindi pagbabayad ng kabuuang halaga
Hindi kailangang muling bayaran ng mga may-ari ng bahay na tumatanggap ng forbearance sa ilalim ng Batas ng Tulong, Kaluwagan, at Seguridad ng Kabuhayan sa Coronavirus (Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security o CARES) ang kanilang mga nalaktawang pagbabayad sa kabuuang halaga sa sandaling matapos ang panahon ng forbearance. Maaari kayong makipag-usap sa inyong tagapagsilbi ng mortgage, o magsimula sa isang tagapayo ng pabahay na nasang-ayunan ng HUD, na talakayin ang isang plano ng muling pagbabayad na gumagana para sa iyong kalagayan.
Dapat mag-alok ng forbearance ang karamihang tagapagsilbi, at maaaring magbigay ang iba ng mga pagpipilian
Magagamit ang mga pangangalaga sa ilalim ng Batas na CARES sa lahat ng mortgage na sinusuportahan ng federal at itinataguyod ng federal, na kabilang ang mga utang sa mortgage sa Pangasiwaan ng Pabahay ng Federal (Federal Housing Administration, FHA), Pangasiwaan ng mga Beterano (Veteran Affairs, VA), Kagawaran ng Agrikultura ng Estados Unidos (U.S. Department of Agriculture, USDA), Fannie Mae, at Freddie Mac. Kabilang dito ang karamihang mortgage. Sa ilalim ng Batas na CARES, may karapatang humingi at tumanggap ng panahon ng forbearance na aabot hanggang 180 araw ang mga may-ari ng bahay na may mga utang na sinusuportahan ng federal—na nangangahulugan na maaari mong ihinto ang iyong mga pagbabayad sa mortgage na aabot sa anim na buwan. Bukod dito, maaari kang humiling ng pagpapalawig ng forbearance na aabot hanggang 180 karagdagang araw, para sa kabuuang 360 araw.
Maaari ding magbigay ng mga katulad na pagpipilian sa forbearance ang mga mortgage na hindi saklaw ng Batas na CARES. Kung naghihirap ka sa mga pagbabayad, karaniwang hinihingi sa mga tagapagsilbi na talakayin ang mga pagpipiliang tulong sa iyo, saklaw man o hindi ang iyong utang sa ilalim ng Batas na CARES.
Maaaring maging mas madali ang pakikipag-ugnayan sa iyong tagapagsilbi kaysa sa inaakala mo
Sa mga unang araw ng pandemya, nag-ulat ang mga may-ari ng bahay ng problema sa pakikipag-ugnayan sa mga tagapagsilbi sa pamamagitan ng telepono. Ngayon, dinagdagan ng maraming tagapagsilbi ng mortgage ang kanilang kapasidad na tumugon sa mga customer. Hinihikayat pa rin ang pagtitiyaga, at maaari mong makaugnayan ang iyong tagapagsilbi sa telepono o online. Maaaring may mga website ang ilang tagapagsilbi upang maintindihan mo ang iyong mga pagpipilian at humiling ng forbearance.
Karaniwang hindi makahihingi ng katibayan ng paghihirap ang mga tagapagsilbi ng mortgage
Sa ilalim ng Batas na CARES, maaari kang humingi ng forbearance at sabihin sa iyong tagapagsilbi na nakararanas ka ng kahirapan sa pananalapi dahil sa pandemya. Kung mayroon kang utang na sinusuportahan ng federal, hindi pinahihintulutan ang tagapagsilbi ng mortgage na hingin sa iyo ang katibayan ng paghihirap.
Hindi mo kailangang magbayad para sa tulong sa mga pagpipilian sa forbearance
Ibinibigay ng mga tagapayo sa pabahay na nasang-ayunan ng HUD ang kanilang mga serbisyo nang walang bayad sa mga umuutang na humihiling ng forbearance. Dapat mong iwasan ang mga scam [pandaraya] – lalo na ang mga alok na tumulong na may mga paunang bayad – kung ang alok man ay para sa iyong mortgage o para sa iba pang serbisyo, gaya ng tulong sa mga benepisyo sa pagkawala ng trabaho o pag-aayos ng credit.
Hindi na kailangang maghintay—humingi ng tulong ngayon
Para sa mga mortgage na sinusuportahan ng ilang ahensya ng gobyerno, ang takdang petsa para humiling ng forbearance ay December 31, 2020. Maaaring wala pang natukoy na takdang petsa ang iba pa, o maaaring tinukoy sa ibang pagkakataon. Kung humiling ka na ng forbearance at kailangan ng pagpapalawig, pinakamainam na humiling bago ang katapusan ng taon.
Sa anumang kalagayan, makatutulong sa iyo ang pagkilos na huwag mag-antala na pangasiwaan ang iyong mga pananalapi.
Federal Coronavirus resources
White House Coronavirus Task Force
Information about COVID-19 from the White House Coronavirus Task Force in conjunction with CDC, HHS, and other agency stakeholders.
Visit coronavirus.gov
USAGov
Information on what the U.S. Government is doing in response to COVID-19.
Visit usa.gov (English)
Visit usa.gov (Spanish)