Tulong kung nawalan ka ng tirahan
Kung nawalan ka ng tirahan dahil sa foreclosure o eviction dulot ng COVID-19 pandemic, hindi ka nag-iisa. May makakatulong sa iyo sa inyong lugar.
Pangunahing pinahahalagahan namin ang iyong kalusugan at kaligtasan. Kung may inaalala ka tungkol sa COVID-19, kumonsulta ka muna sa iyong doktor o kaya bisitahin ang CDC.gov/coronavirus (sa wikang Ingles). Pagkatapos mong asikasuhin ang iyong pangangailangan, maaari mong sundan ang sumusunod na hakbang para asikasuhin ang iyong pinansiya at makahanap ng pirming tirahan.
1. Humingi ng libreng tulong na nararapat para sa iyo
Maaari kang makatanggap ng tulong para makahanap ng tirahan at iba pang serbisyo. Dahil maaaring tumagal ang proseso ng aplikasyon, simulan mo na agad ang iyong aplikasyon at sundan ang iba pang hakbang habang naghihintay.
2. Maghanap ng ligtas na pansamantalang tirahan
Habang inaayos mo ang iyong pinansiya, maaaring kakailanganin mo muna ng pansamantalang tirahan. Maaaring makatulong ang sumusnod na payo para makahanap ka ng ligtas na pansamantalang tirahan.
3. Humabol sa iyong mga pinansiya
Bago ka lumipat sa bagong tirahan, ayusin mo muna ang sarili mong pinansiya. Asikasuhin ang iyong mga gastusin at paperwork para makasimula ka muli.
4. Bantayan ang iyong credit
Naaapektuhan ng foreclosure o eviction ang iyong credit. Kahit na lumipat ka ng bahay bago ng foreclosure o eviction, maaaring maapektuhan pa rin ang iyong credit, at mahirapan kang makahanap ng bagong tirahan.
Iba pang mga rekurso para sa iyo
Kausapin ang isang abogado
Kung kailangan mo ng abogado, maaaring may makatutulong s aiyo, at maaari ka ring humingi ng libreng tulong legal. Kung ikaw ay isang servicemember, kumonsulta sa iyong local na Legal Assistance Office.
Humingi ng karagdagang tulong pederal
Maaari kang matulungan ng ibang mga ahensya sa gobyerno para sa karagdagang impormasyon tungkol sa unemployment, leave, health benefits, at iba pang mga isyu.