Tulong para sa mga landlord
Dahil sa COVID-19 pandemic, nahihirapan parehong mga renter pati landlord. Mahalaga kang bahagi ng rental economy. Kung bumagsak ang iyong rental income, may mga opsyon para sa iyo upang mapanatili ang iyong kontrol sa iyong property pati ang iyong sitwasyong pinansyal.
I-recover ang iyong back rent – mag-apply para sa rental assistance
Maaari kang matulungang salbahin ang rentang hindi pa nababayaran ng iyong mga tenant. Alamin ang kailangang gawin upang mabalik ang iyong kita.
- Maaaring kakailanganin mong mag-apply para sa iyong mga tenant.
Hindi lang para sa mga tenant ang rental assistance. Sa ngayon, 3 sa 4 na programang pinondo ng Emergency Rental Assistance (ERA) Program ng U.S. Treasury Department ay tumatanggap lamang ng aplikasyon mula sa mga landlord.
Kung pwedeng mag-apply ang mga tenant, kakailanganin pa rin nila ng impormasyon galling s aiyo upang makumpleto ang proseso. Bakit? Karaniwang binibigay diretso sa housing provider o landlord ang mga rent payment.
- Ang eligibility ay dumedepende sa pangangailangan ng iyong tenant.
Ang eligibility para sa pederal na rental assistance ay dumedepende sa sitwasyon ng iyong tenant, ang kanilang household income, at nararanasang paghihirap. - Sulit ba ang rental assistance kumpara sa abala ng proseso?
Isaalang-alang ang iyong mga opsyon. Consider all your options. Maaaring asikasuhin ng pederal na rental assistance ang hanggang 18 buwan ng renta – kasama na ang hindi pa nababayarang renta dahil sa COVID-19 pandemic – kung may pondo. Ang pag-evict ay magastos at gumugugol ng oras. Maaaring hindi mo pa masalba ang hindi nabayarang renta.
Maghanap ng rental assistance program para sa iyong state, tribe, o sa iyong lugar local area
Pag-aralan ang eligibility at kung ano ang sakop ng assistance
Sabihan ang iyong pamilya at mga kaibigan tungkol sa rental assistance
Tulad ng ibang tao, marahil ay umaasa ka sa iyong pamilya at mga kaibigan upang manatiling updated sa balita tungkol sa pandemic. Kung natulungan ka ng impormasyong ito, mangyaring ipamahagi ang handouts na ito sa iyong mga kakilala, pati na rin mga tenant.
Manatiling kontrolado ang sitwasyon at pag-aralan ang iyong mga opsyon
Mayroon kang mga opsyon ay ang pag-apply para sa federal emergency rental assistance ay isang mainam na unang hakbang. Makipag-ugnayan sa iyong tenant tungkol sa mga praktikal at realistikong mga paraan kung paano mapanatili ang inyong your rental relationship.
Pag-aralan ang aming mga tip para sa pagkakaroon ng mabuting usapan kasama ng iyong tenant
Pag-aralan ang forbearance para pansamantalang matigil ang iyong mga mortgage payment
Maraming mga homeowner ay nahihirapang magbayad ng kanilang buwan-buwanang mortgage payment. Kasama na dito ang mga property owner na umaasa sa rental income upang kumita. Kung nahihirapan kang magbayad ng iyong mortgage dahil sa coronavirus pandemic, maaari kang maging eligible para sa forbearance. Ito ay pansamantalang pagtigil o pagbawas ng iyong buwan-buwanang mortgage payments. Huwag mong alalahanin ang iyong credit. Dahil sa pandemic emergency, getting forbearance hindi apektado ng forbearance ang iyong credit.
Humingi ng tulong sa mga eksperto
Kumausap sa isang housing counselor
Maging proactive. Kumausap sa isang lokal na eksperto na makakatulong sa iyong makahanap ng mga rental assistance program sa iyong lugar, intindihin ang iyong mga opsyon bilang property owner, at gumawa ng plano. Kontaking ang isang housing counseling agency na aprubado ng HUD sa iyong lugar.