Humiling ng forebearance [pagtiis ng huling pagbayad]
Hindi kusa ang forbearance. Upang humiling ng forbearance sa mortgage, kakailanganin ninyo na maaabutin ang tagapaglingkod ninyo. Gamitin ang information na ito upang tulungan na maghanda para sa mga usapan.
5ng hakbang para sa forbearance sa mortgage dahil sa coronavirus
Kung pinahirap ng coronavirus ang pagbayad ninyo ang mortgage ninyo, makiugnay kaagad sa inyong tagapaglingkod ng mortgage. Maaaring karapat-dapat kayo para sa forbearance, na ihihinto nang pansamantala o babawasan ang inyong buwanang bayad sa mortgage.
Kung nakakaranas kayo ng kahirapang pampananalapi at kailangan ng forbearance, dapat humiling kayo kaagad ng forbearance.
Kausapin ang inyong tagapaglingkod sa mortgage
Ang tagapaglingkod ng mortgage ninyo ay ang company na pinadadalahan ninyo ng bayad sa mortgage ninyo bawat buwan. Tawagan ang tagapaglingkod ninyo sa number na nasa kwenta o siyasatin ang website nila. O, nahuhuli na kayo at tinatawagan kayo ng tagapaglingkod ninyo—sagutin ninyo.
Humiling ng forbearance
Banggitin sa inyong tagapaglingkod na hindi ninyo mabayaran ang inyong buwanang bayad dahil sa COVID-19 at hilingin sa kanila ng pagtulong upang iwasan ang foreclosure [pagremata].
Kung inaalalayan ang utang ninyo ng HUD/FHA, VA, USDA, Fannie Mae, o Freddie Mac, kailangan lamang ipaliwanag ninyo na nahihirapan kayo sa pananalapi na kaugnay sa COVID, tuwiran o hindi, na kaugnay sa pandemic. Kahit na hindi inaalalayan ang mga utang na iyon ng Fannie Mae, Freddie Mac, o ng federal na pamahalaan, kinakailangan, sa pangkalahatan, na pag-usapan sa inyo ng mga tagapaglingkod ng mortgage ang mga pagpipilian pangkaluwagan.
Magtanong ng mga tanong na ito
Tutulong ang mga tanong na ito na tiyakin na makuha ninyo ang lahat na informtation na kakailanganin ninyo tungkol sa hiling ninyo ng kaluwagan sa mortgage. Siyasatin ang website ng tagapaglingkod ninyo bago kayo tumawag upang makita kung may karagadagang information sila, o kung maaari kang mag-apply online para sa forbearance. Dapat nasa inyo ang account number ninyo.
- Anong mga pagpipilian ang magagamit upang tumulong na pansamantalang bawasan o ipagpaliban ang mga bayad ko?
- Maaari ko bang maabot ang mga pagpipilian para sa forbearance, pagbabago ng utang, o ibang pangkaluwagan sa mortgage?
- Ipapaubaya ba ninyo ang mga kabayaran sa nahuling bayad sa aking account sa mortgage?
- Ano ang dapat kong gawain sa katapusan ng panahon ng forbearance? Kailan ako dapat makiugnay o asahan na kausapin ng aking tagapaglingkod bago matapos ang aking forbearance?
- Ano ang mga pagpipiliang pampagbayad kapag matapos ang forbearance?
- Kung hindi federal na inaalalayan o na-insure ang utang ninyo, o hindi inaalalayan ng Fannie Mae o Freddie Mac, tanungin: Anong mga kahigpitan at kinakailangan ang tutukoy sa katapusan ng panahon na forbearance?
- Sisingil ba kayo ng patubo sa aking mga hindi nabayaran na bayad ng mortgage habang nasa forbearance?
- Ano ang mga karapatan ko kung hindi kayo magkakaloob sa akin ng forbearance, at hindi ako sang-ayon sa inyong disisyon?
Sundan ang mga hakbang na ito pagkatapos ninyo magsimula ng forbearance
Habang na forbearance ang utang ninyo, mahalaga na subaybayan ninyo ang utang ninyo at maghanda kumilos kapag malapit na ang katapusan ng panahon ng forbearance. Tumutukoy ang payong ito sa kapwa forbearance sa COVID at ibang kaluwagan ng mortgage na maaaring natanggap ninyo.
- Itigil o palitan ang mga auto-payment [kusang pagbabayad] sa mortgage ninyo. Kung inayos ninyo na kusang binabawas sa inyong account sa bank, tiyakin ninyo ang mag-ayos ng mga kinakailangang pagbabagay upang iwasan ang mga kabayaran o singil.
- Patibayan na babayaran ang inyong mga buwis ng pag-aari at insurance. Dapat magpatuloy na bayaran ng tagapaglingkod ninyo ang mga buwis ng pag-aari at insurance kung may isang escrow account ang mortgage ninyo, subalit baka gusto ninyong patibayan iyon sa tagapaglingkod ninyo. Kung walang escrow account ang mortgage ninyo, kayo ang may sagutin sa tamang pagbayad ng buwis sa pag-aari at insurance. Sagutiin ninyo ang magbayad ng anumang kabayaran pang-HOA at condo habang nagaganap ang forbearance. Kapag aalis ka sa forbearance, maaaring kulang ng ang escrow account ninyo, kaya pag-usapan ang mga maaaring pagpipilian sa tagapaglingkod ninyo.
- Pansinin ang buwanang kwenta ng mortgage ninyo. Magpatuloy na subaybayan ang mga buwanang kwenta ng mortgage ninyo upang tiyakin na walang kamalian.
- Pagmasdan ang credit ninyo. Mahusay na pag-iisip na karaniwang siyasatin ang mga credit report ninyo upang tiyakin na walang kamalian o mga hindi tama. Maaari ninyo siyasatin nang libre hanggang April 20, 2022 sa AnnualCreditReport.com . Maaaring iulat ng mga tagapaglingkod na nasa forbearance ang inyong account. Subalit, kung hindi man current [nasapanahon] ang inyong account at nakatanggap ng kaluwagan katulad ng ipinapaliwanag ng CARES Act, kinakailangang iulat kayo ng tagapaglingkod ninyo o nagpapautang sa inyo na current ang inyong account. Kung tumigil kayo ng pagbabayad na hindi nagkasundo sa forbearance, iuulat ito ng tagapaglingkod ninyo sa mga company pang-credit-report at maaaring may matagala na masamang epekto sa inyong kasasayan ng credit. Ngunit kung makahanap kayo ng kamalian, maaari ninyong tutulan.
Kumuha ang higit pang information ukol papaanong kukupin ang credit ninyo habang nagaganap ang pandemic ng coronavirus.
Ano ang gagawaing sumusunod
Bago magtapos ang panahon ng forbearance ng mortgage ninyo, kailangang makipag-ayos kayo na magbayad muli ng anumang nalaktawang bayad. Subalit, kung may plan ng forbearance na kayo at nangangailangan ng karagdagang panahon, maaari kayong humiling ng pagpapatuloy.
Kumuha ng pagtulong ng dalubhasa
Makiusap sa isang tagapayong pampamamahay
Para sa pagtulong na makiusap sa tagapaglingkod ng mortgage ninyo, o maintindihan ang mga pagpipilian ninyo, makiugnay sa isang agency pampagpayo na pinatibayan ng HUD sa inyong pook. Maaaring magbuo ang mga tagapayong pampamamahay ng pasadyang plan ng pagkilos at tutulungan kayong makitulungan sa inyong mortgage company, na libre sa inyo.
Kausapin ang isang attorney
Kung kailangan ninyo ng attorney, maaaring may mga magpagkukunan na makakatulong sa inyo, at maaari kayong karapat-dapat para sa libreng paglilingkod ng legal aid. Kung servicemember [nasa military] kayo, dapat pag-isipan ninyo magsangguni sa inyong local na Opisina Pang-Legal na Pagtulong.
Magharap ng reklamo
Kung may reklamo kayo sa inyong mortgage o plan pang-forbearance, ipahayag sa amin ang inyong usapin—ipapadala namin sa company at magsisikap na makakuha ng sagot, sa karaniwan sa loob ng 15ng araw.