Pagwakas ng iyong forbearance
Kailangan ng pagpaplano para sa pagwakas ng iyong mortgage forbearance. Alamin ang iyong mga pagpipiliang opsyon, humingi ng tulong sa mga eksperto, at hanapin ang pinakamainam na daan para sa iyo.

Planuhin ang iyong pagwakas ng mortgage forbearance:
Alamin ang iyong mga opsyon sa pagbayad
Bago matapos ang iyong mortgage forbearance, kontakin ang iyong servicer para planuhin ang mga sunod na hakbang. Tutulungan ka nila kung paano bayaran ang iyong forbearance.
Ipinapaliwanag ng video na ito kung ano ang mga karaniwang opsyon ng mga umuutang pagkatapos ng kanilang forbearance. Kung lump-sum repayment lang ang binabanggit sa iyo, magtanong tungkol sa ibang mga opsyon.
Alamin ang mga opsyon pagkatapos ng forbearance
Karaniwang may iilang opsyon para mabayaran ang mga missed payments, pero depende ito sa iyong loan. Hindi lahat ng mga umuutang ay eligible para sa lahat ng mga opsyon. Tanungin ang iyong servicer kung aling mga opsyon ang pwede para sa iyo. Kung nag-aalala ka na kukunin ang iyong bahay, kontakin ang isang housing counseling agency na aprubado ng HUD. Maaari silang makatulong sa proseso at sa pamamalakad ng papel kasama ng iyong servicer. Maghanap ng housing counselor na malapit sa iyo.
Libre ang tulong. Hindi mo kailangang magbayad sa kung sinu-sino para lang maiwasan ang foreclosure.
Plano sa pagbabayad
Nag-iiba ang mga repayment option depende sa ahensya/h2>
Iba-iba ang mortgage forbearance depende sa mga ahensya, Fannie Mae, o Freddie Mac. Tulad nito, iba-iba rin ang mga opsyon mo para sa pagbayad ng halagang na-suspend dahil sa forbearance. Pag-aralan ang sumusunod na impormasyon para malaman ang iba’t ibang opsyon sa pagbayad na inaalok ng bawat ahensya.
Humingi ng tulong sa mga eksperto
Kumausap sa isang housing counselor
Kung kailangan mo ng tulong makipag-ugnayan sa iyong mortgage servicer o kung mas gusto mong maintindihan ang iyong mga opsyon, kontakin ang isang housing counseling agency sa lugar mo na aprubado ng HUD. Maaari kang tulungan ng mga Housing counselor upang gumawa ng plano at makipag-ugnayan sa iyong mortgage company, sa libreng halaga.
Kumausap sa isang abogado
Kung kailangan mo ng abogado, maaari may mapagkukunan ka ng tulong; maaaring kang ma-qualify para sa libreng serbisyong legal sa tulong ng isang legal aid. Kung ikaw ay isang servicemember, maaari kang kumonsulta sa iyong lokal na Legal Assistance Office.
Magsumite ng reklamo
Kung mayroon kang reklamo sa iyong mortgage o forbearance plan, maaaring kontakin kami—makikipag-ugnayan kami sa mortgage company at susubukan naming i-resolba ang iyong problema, karaniwang sa loob ng 15 araw.