Skip to main content

Pangkupkop sa mga umutang ng reverse mortgage [panagot ang halaga ng pag-aari]

Kung mas mahirap sa inyo dahil sa pandemic na COVID-19 na sapatin ang mga sagutin ninyo para sa reverse mortgage ninyo, hindi kayo nag-iisa. Sa mabuting-palad, may mga pagpipilian at magpagkukunan na maaabot ninyo.

Kasama sa mga responsibilidad (sa wikang Ingles) ng mga Home Equity Conversion Mortgages (HECMs) (sa wikang Ingles), ang pinaka-pangkaraniwang uri ng reverse mortgage, ang pagtira sa iyong tahanan bilang pangunahing residensya ninyo, ang pagbayad sa takdang oras ng iyong mga property taxes o homeowners’ insurance, at ang pagpapanatili sa mabuting kondisyon ng iyong tahanan.

Sa kinaugalian, kung hindi ninyo kayang sapatin ang mga panagutan na ito sa utang, ipaaalam sa inyo ng inyong nagpapautang o tagapaglingkod sa utang na “due at payable [nakatakda at dapat bayaran]” ang utang ninyo, na nangangahulugan na maaaring hindi na natupad at ifo-forclose [ireremata]. Maaari ring gawin ng lender o loan servicer na maging due at payable ang isang reverse mortgage loan kapag namatay ang humihiram sa reverse mortgage (sa wikang Ingles).

Kung may-utang na reverse mortgage kayo at naepektohan, tuwiran o hindi, ng COVID-19, maaari kayong kukupin ng CARES Act at pang-guide mula sa US Department of Housing and Urban Development (HUD) [kagawaran pampapaunlad ng trabaho] mula sa default at foreclosure kung mayroon kayong reverse mortgage na HECM.

Heto ang kailangang ninyo alamin:

Bilang may-utang, maaari kayong humiling ng extension [pagpapatuloy] sa nagpapautang sa inyo

Tanungin ang iyong loan servicer kung maaaring i-delay ang pagiging due at payable ng iyong loan. Pagkatapoos ng pangunahing panghiling, kailangang i-delay ng iyong lender o loan servicer ang pagiging due at payable ng iyong loan hanggang anim na buwan. Hindi mo kailangang magbigay ng dokumentasyon sa iyong lender o loan servicer para makatanggap ng extension. Habang nasa extension period, hindi ka pwede isingil ng late fee o penalty ng iyong lender o loan servicer. Patuloy na maiipon ang interes.

Kung kailangan mo ng karagdagang panahon, maari ka pa ring bigyan ng karagdagang extension hanggang 12, 15, o 18 na buwan, depende sa kung kalian mo natanggap ang pangunahing extension. Tignan ang tala ng HUD ng mga extension timeline (sa wikang Ingles) para sa karagdagang impormasyon.

Hindi pwedeng lumampas ang kahit anong extension period pagkatapos Setyembre 30, 2022, o kaya anim na buwan pagkatapos ng COVID-19 National Emergency, kung ano man ang mas mahuhuli.

Bilang isang asawa o tagapagmana na eligible at hindi humihiram, maaari kang humingi ng extension

Ang eligible non-borrowing na asawa (sa wikang Ingles) o tagapagmana ay maaaring humingi ng extension mula sa lender o loan servicer kapag namatay ang humihiram ng reverse mortgage. Kasama sa maaaring i-extend ng mga lender o loan servicer, halimbawa, ay ang pagbayad ng loan ng mga tagapagmana o kaya pagbenta ng property (sa wikang Ingles).