Alamin ang tungkol sa forbearance [pagtiis ng huling pagbayad]
Karamihang may-ari ng tahanan ang maaaring pansamantalang ihinto o bawasan ang kanilang mga pagbayad sa mortgage kung nahihirapan sila sa pananalapi.
Forbearance ang tawag kung pahihintulutan kayo ng inyong tagapaglingkod ng mortgage o nagpapautang na ihinto o bawasan ang inyong pagbayad sa mortgage sa panahong may-takda habang binubuo ninyong muli ang inyong mga pananalapi.
Para sa karamihang mga utang, walang ipapataw na mga karagdagang mga babayaran, mga penalty [multa], o karagdagang patubo (lampas sa nakatakdang mga halaga) na maidadagdag sa inyong account. Maaari ninyong sabihin sa inyong tagapaglingkod na nagkaroon kayo ng may-kaugnayan sa pandemic na kahirapang pampananalapi.
Hindi ibig sabihin na sa forbearance ay mapapatawad o mawawala ang inyong mga pagbabayad. Tungkulin pa rin ninyo na bayaran ang anumang nakaligtaang mga pagbabayad, na sa pinakamadalas, maaaring mabayaran sa paglipas ng panahon o kung mag-refinance [panibagong pag-utang upang palitan ang dating utang] kayo o ibenta ang inyong tahanan. Bago ang pagwakas ng forbearance, makikiugnay ang inyong tagapaglingkod tungkol sa kung paano mababayaran ang mga nakaligtaang pagbabayad.
Pagpapaluwag sa mortgage sa panahon ng COVID-19: 4 na mga bagay na alamin
Mula March 2020, ilang million ng mga may-ari ng tahanan ang humiling at tumanggap ng forbearance sa ilalim ng CARES Act, na pinayagan silang pansamantalang itigil o bawasan ang mga bayad sa mortgage nila.
Sino ang karapat-dapat para sa forbearance?
Maaaring may karapatan kayo para sa forbearance sa paghihirap dulot ng COVID kung:
- nakaranas kayo ng tuwiran o di tuwirang paghihirap na pampananalapi dahil sa pandemic na coronavirus, at
- mayroon kayong mortgage na inaalalayan ng federal, na kinabibilangan ng HUD/FHA, VA, USDA, Fannie Mae, at Freddie Mac na mga utang.
Para sa mga mortgage na hindi inaalalayan ng federal, maaaring mag-alok ang mga tagapaglingkod ng katulad na mga pagpipiliang forbearance. Kung nahihirapan kayo sa mga pagbabayad sa mortgage, sa pangkalahatan kinakailangang talakayin sa inyo ng mga tagapaglingkod ang mga pagpipiliang kaluwagan sa pagbabayad, kahit man inaalalayan o hindi inaalalayan ng federal ang inyong utang.
Kailan ang deadline para sa pag-apply?
Kung suportado ang loan mo ng HUD/FHA (sa wikang Ingles), USDA (tignan ang anunsyo noong 9/27/21 , sa wikang Ingles), o VA (sa wikang Ingles), maaari kang makahingi ng inisyal na COVID hardship forbearance habang mayroon pa ring COVID-19 National Emergency.
Kung inaalalayan ng Fannie Mae o Freddie Mac ang inyong utang, walang kasalukuyang deadline para sa paghiling ng paunang forbearance.
Gaano kahabang panahon ang itatagal ng forbearance?
Karaniwang magtatagal ang inyong paunang forbearance ng 3 hanggang 6 na buwan. Kung kailangan ninyo ng mas mahabang panahon upang makabawi na pampananalapi, maaari kayong humiling ng extension [pagpapatuloy]. Sa karamihang mga utang, maaaring mapatuloy ang inyong forbearance hanggang 12 na buwan. Ilang mga utang ang maaaring karapat-dapat ng hanggang 18 na buwan ng forbearance, batay sa kung kailan nagsimula ang inyong paunang forbearance. Maaari ding gamitin ang iba pang mga hangganan
- Kung suportado ang mortgage mo ng Fannie Mae o Freddie Mac (sa wikang Ingles): Maaari kayong humiling ng hanggang dalawang karagdagang tatlong-buwan na mga extension, para sa pinakamatagal na 18 na buwan na kabuuan ng lahat ng forbearance. Ngunit upang maging karapat-dapat, dapat kayong nasa isang active na planong forbearance simula noong February 28, 2021.
- Kung suportado ang mortgage mo ng HUD/FHA (sa wikang Ingles), USDA (sa wikang Ingles), o VA (sa wikang Ingles): Maaari kayong humiling ng hanggang dalawang karagdagang tatlong-buwan na mga extension, para sa pinakamatagal na 18 na buwan na kabuuan ng lahat ng forbearance. Ngunit para maging marapat, dapat kayong humiling ng paunang planong forbearance noong o bago June 30, 2020. Hindi lahat ng nangutang ay magiging marapat para sa pinakamatagal.
Ano ang susunod na gagawin
Tingnan kung ang nag-aalalay sa mortgage ninyo ay Fannie Mae, Freddie Mac, o ang federal na pamahalaan.
Kumuha ng pagtulong ng dalubhasa
Makiusap sa isang tagapayong pampamamahay
Para sa pagtulong na makiusap sa taga-service ng mortgage ninyo, o maintindihan ang mga pagpipilian ninyo, makiugnay sa isang agency na pampagpayong pampamamahay na pinatibayan ng HUD sa inyong pook. Maaaring magbuo ang mga tagapayong pampamamahay ng isang pasadyang plano ng pagkilos at tulungan kayong makitungo sa mortgage company ninyo, na libre sa inyo.
Makiusap sa isang attorney
Kung kailangan ninyo ng attorney, maaaring may mga magpagkukunan na makakatulong sa inyo, at maaari kayong karapat-dapat para sa libreng paglilingkod ng legal aid. Kung servicemember [nasa military] kayo, dapat kayong magsangguni sa inyong local na Legal Assistance Office.
Magsampa ng reklamo
Kung may reklamo kayo sa inyong mortgage o planong pang-forbearance, ipahayag sa amin ang inyong usapin—ipapadala namin sa company at magsisikap na makakuha ng sagot, sa karaniwan sa loob ng 15 na araw.