Skip to main content

Kumuha ng tulong sa Homeowner Assistance Fund

Ang Homeowner Assistance Fund (HAF) ay isang pederal na programang tulong na tumutulong sa mga may-ari ng bahay na naapektuhan sa pananalapi ng COVID-19 na magbayad ng kanilang bayarin o mortgage o iba pang mga gastusin sa mga bahay.

Mahalagang Impormasyon ng Programa

Dito makikita mo ang mga sagot sa mahalagang tanong tungkol sa programa ng HAF. Para sa anumang iba pang mga katanugn, tingnan ang mga karagdagang detalye sa ibaba o makipa-ugnayan sa isang ahensya ng pagpapayo sa pabahay na inaprubahan ng HUD (sa wikang Ingles). Matutulungan ka nilang gabayan sa proseso ng aplikasyon.

Ang Homeowner Assistance Fund ay itinatag ng American Rescue Plan Act para tulungan ang mga may-ari ng bahay na naapektuhan sa pananalapi ng COVID- 19 sa ilang partikular na gastos na nauugnay sa pabahay.

Ang layunin ng programa ay maiwasan ang:

  • Mga isyu sa bayarin sa bahay tulad ng mga hindi nababayaran, hindi pagtupad, o Pagremata
  • Pagkawala ng mga serbisyo ng kuryente o iba pang mga utility sa bahay
  • Ang mga may-ari ng bahay ay lumikas at nawawalan ng kakayahang manirahan sa kanilang tahanan.

Ang HAF na programa na magagamit mo ay depende sa iyong lugar. Ang bawat estado o teritoryo ay bumuo ng sarili nitong programa. Ang mga programa ay binuo din ng Tribo (o ng kanilang Tribally Designated Housing Entity), ng Department of Hawaiian Home Lands, at ng District of Columbia.

Maraming mga programa ang nagsimulang tumanggap ng mga aplikasyon noong unang bahagi ng 2022. Sa kabuuan, humigit-kumulang $10 bilyon ang ibibigay sa mga programa sa buong bansa.

Upang maging karapat-dapat, kailangan mong:

  • Nakaranas ng kahirapan sa pananalapi na nauugnay sa COVID-19 na pandemya.
  • Mag-apply para sa tulong para sa iyong pangunahing tirahan.
  • Magkaroon ng kita ng sambahayan sa o mas mababa sa mga kinakailangan sa programa ng iyong lugar. Karamihan sa mga programa ay naglilimita sa pagiging karapat-dapat sa mga sambahayan na may mas mababa sa 150% ng medyan na kita sa lugar o $79,900, alinman ang mas mataas. Ang ilang mga programa ay nagtatag ng mas mababang mga limitasyon, kaya, suriin ang mga kinakailangan sa kita ng iyong programa bago mag-apply (sa wikang Ingles).
  • Maaaring kailangan mo ring matugunan ang mga karagdagang kinakailangan sa partikular sa programa kung saan ka nag-a-apply.

Depende sa programa, maaaring gamitin ng mga may-ari ng bahay ang mga pondo para sa mga gastusin tulad ng:

  • Mga pagbabayad sa bahay, kabilang na ang mga lumagpas na mga bayarin
  • Mga buwis sa ari-arian
  • Insurance ng mga may-ari ng bahay
  • Mga bayarin sa asosasyon ng mga may-ari ng bahay
  • Mga utility, tulad ng kuryente, gas, enerhiya sa bahay (kabilang ang mga kahoy na panggatong at langis ng pampainit sa bahay), tubig,at tapongtubig
  • Serbisyo sa internet
  • Ilang mga pagkukumpuni sa bahay

Hindi lahat ng programa ay sasakupin ang lahat ng mga gastos na nakalista dito. Suriin ang iyong lokal na programa para sa mga detalye (sa wikang Ingles).

Ang mga proseso ng aplikasyon ay maaaring mag-iba ayon sa lokasyon. Kakailanganin mong i-verify na natutugunan mo ang mga kinakailangan sa kita at maaaring kailanganin mong magbigay ng karagdagang kinakailangang dokumentasyon. Dapat mong kumpirmahin na nakaranas ka ng kahirapan sa pananalapi pagkatapos ng Enero 21, 2020 at ilarawan ang uri ng paghihirap na iyon, tulad ng pagkawala ng trabaho, pagbawas sa kita, o pagtaas ng mga gastos dahil sa pangangalagang pangkalusugan o ang pangangailangang pangalagaan ang isang miyembro ng pamilya.

Upang malaman ang tungkol sa iyong programa, bisitahin ang site na ito (sa wikang Ingles) at piliin ang naaangkop na estado, distrito, o teritoryo sa mapa. Magagawa mong mag-navigate sa isang pahina para sa partikular na programa ng iyong lugar kung saan maaari kang mag-apply kaagad o mag-sign up upang makatanggap ng mga alerto tungkol sa kung kailan magiging bukas ang iyong programa.

Kung ikaw ay bahagi ng isang Tribo o nakatira sa mga lupain ng tribo, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong kaakibat na tribal na pamahalaan upang makita kung anong mga mapagkukunan mula sa HAF ang maaaring makuha. Kung ikaw ay isang Katutubong Hawaiian, makakahanap ka ng higit pang impormasyon sa website ng programa sa Department of Hawaiian Home Lands mortgage relief na programa na website (sa wikang Ingles).

Mga karagdagang detalye

Sa karamihang kaso, ang mga programa ay nagbibigay ng pera bilang isang kaluob na hindi na kailangang bayaran pabalik. Gayunpaman, sa ilalim ng ilang mga pangyayari, maaaring kailanganin ng mga indibidwal na programa ang pera na bayaran pabalik. Halimbawa, maaaring hilingin ang pagbabayad kung ibinebenta mo ang iyong bahay bago ang isang tinukoy na petsa. Suriin ang iyong partikular na mga kinakailangan sa programa (sa wikang Ingles) batay sa iyong lugar.

Kung hindi ka pa rin sigurado kung kailangan mong bayaran o hindi ang anumang tulong na natanggap mo, makipag-ugnayan sa isang ahensya ng pagpapayo sa pabahay na inaprubahan ng HUD (sa wikang Ingles).

Ang pagsusumite ng aplikasyon ay hindi ginagarantiya na makakatanggap ka ng tulong pinansyal. Depende sa iyong lugar, ang ilang mga programa ay maaaring walang sapat na pera upang matulungan ang bawat aplikante. Inaasahan ng ilang lokasyon na makatanggap ng higit pang mga aplikasyon kaysa sa maaaring pondohan ng kanilang programa.

Sa karamihan ng kaso, kung ikaw ay naaprubahan, ang pera ay direktang ipapadala sa iyong tagapangasiwa ng mortgage, kompanya ng utility, o kontraktor na gumagawa ng pag-aayos, kung sila ay lalahok sa HAF na programa. Ang iyong tagapangasiwa ng mortgage ay ang kumpanyang nagpapadala ng iyong salaysay sa bayarin ng bahay at kung saan mo binabayaran ang iyong mortgage. Kung ang pera ay ginagamit upang tumulong sa mga pagbabayad ng mortgage, magandang ideya na tawagan ang iyong tagapangasiwa ng mortgage para talakayin ang proseso, i-verify na lumahok sila sa programa ng HAF, at ipaalam sa kanila na malamang na makakatanggap sila ng bayad mula sa programa ng HAF. Ang tulong ng HAF ay maaari at dapat gamitin bilang karagdagan sa anumang iba pang mga opsyon sa pagsasaayos ng pagbabayad na ibinigay ng iyong tagapangasiwa ng mortgage.

Matutulungan ka ng HUD Certified Housing Counselor sa proseso ng aplikasyon. Maghanap ng tagapayo para sa pabahay na malapit sa iyo (sa wikang Ingles).

Maraming mga programa ang sumasaklaw sa iba’t ibang uri ng mga tahanan, kabilang ang:

  • Mga tahanan ng nag-iisang pamilya
  • Mga duplex
  • Mga condominium
  • Isa hanggang apat na unit na tirahan
  • Mga gawang bahay

Tingnan sa iyong lokal na programa ang mga detalye (sa wikang Ingles)

Oo, kung naaprubahan ako para sa mga pondo ng HAF ngunit nahihirapan ako sa aking tagapangasiwa ng aking mortgage na tanggapin ang bayad, maaari kang magsumite ng reklamo online (sa wikang Ingles). Ipapasa namin ito sa kumpanya at magsusumikap para makakuha ka ng tugon, sa karaniwang ay sa loob ng 15 araw.

Kung hindi ka pa naaprubahan, maaari mong subukang makipag-ugnayan sa isang kinatawan mula sa iyong lokal na programa ng HAF na maaaring magpaliwanag kung bakit hindi mo naabot ang kanilang pamantayan sa pagiging karapat-dapat. Hanapin ang iyong programa sa pamamagitan ng pagbisita sa site na ito (sa wikang Ingles) at pagpili ng naaangkop na estado, distrito, o teritoryo sa mapa.

Kadalasang pino-pontirya ng mga nandaraya ang mga mahihinang may-ari ng bahay na nangangailangan ng tulong o sinusubukang manatili sa kanilang mga tahanan. Ang isang karaniwang taktika na ginaamit ng mga manloloko ay nangangailangan sa iyo na magbayad ng paunang bayad bago ka bigyan ng anumang serbisyo. Maaari din nilang subukang singilin ka para sa pag-apply sa isang libreng programa. Karaniwang hindi kailangan at kadalasang labag sa batas para sa isang kumpanya na singilin ka nang maaga nang may pangakong tulungan kang makakuha ng kaluwagan sa mortgage. Iwasan ang anumang kumpanya na gumagawa nito. Walang bayad para mag-apply para sa HAF.

Bukod pa rito, maaaring hilingin sa iyo ng mga nandaraya na pirmahan ang titulo ng iyong ari-arian, hilingin sa iyong pumirma sa mga papeles na hindi mo naiintindihan, sabihin na dapat mong simulan ang pagbabayad sa iba maliban sa iyong tagapangasiwa ng mortgage o tagapaghiram, o sabihin sa iyong ihinto ang paggawa ng mga pagbabayad sa pa-utang na mortgage na sama-sama na. Mag-ingat upang maiwasan ang mga nandaraya (sa wikang Ingles) na nakikibahagi sa mga kagawi-ang ito.

Dapat mong palaging tiyaking nakakakuha ka ng impormasyon at nag-a-apply mula sa mga opsiyal na website ng pamahalaan (halimbawa, na may mga address sa website na nagtatapos sa “.gov”) at mga mapagkukunan. Kung minsan ang mga nandaraya ay gumagamit din ng website na kamukha ng mga sa opisyal na website ng gobyerno para linlangin ang mga konsuminador. Kung ikaw ay hindi sigurado kung ang isang bagay ay isang pandaraya, makipag-ugnayan sa isang ahensya ng pagpapayo sa pabahay na inaprubahan ng HUD (sa wikang Ingles).

Kung hindi mo natutugunan ang mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat para sa HAF at nag-aalala pa rin tungkol sa pagkawala ng iyong tahanan, maaaring may iba pang mga opsyon na magagamit mo. Matuto tungkol sa ilang potensyal na opsyon para sa nakaligtaan na hindi nasagot na mga pagbabayad sa mortgage o makipag-ugnayan sa isang ahensya ng pagpapayo sa pabahay na inaprubahan ng HUD. Matutulungan ka nilang malaman ang iyong mga opsyon at gabayan ka sa mga papeles at proseso ng pakikipagtulungan sa iyong tagapangasiwa ng mortgage. Maghanap ng tagapayo para sa pabahay na malapit sa iyo (sa wikang Ingles).

Tandaan, ang tulong ay libre. Hindi mo kailangang magbayad ng sinuman para tulungan kang maiwasan ang pagka-remata.