Hanapin ang tagapaglingkod ninyo upang alamin kung para sa ano kayo karapat-dapat
Ang mga pagpipilian ninyo pangkaluwagan sa mortgage ay ayon sa sino ang may-ari o nag-aalalay ng mortgage ninyo, ang mga program na inaalok nila, at ang mga batayan pang karapat-dapat na itinakda nila. Sundan ang mga hakbang na ito upang alamin kung para sa ano kayo karapat-dapat.
Pangkaluwagan ng mortgage sa COVID-19: 4 na dapat alaimin ninyo
Mula March 2020, ilang million ng mga may-ari ng tahanan ang humiling at tumanggap ng forbearance [pagtiis ng huling pagbayad] sa ilalim ng CARES Act, na pinayagan silang pansamantalang itigil o bawasan ang mga bayad sa mortgage nila.
1. Tuklasin sino ang naglilingkod sa mortgage ninyo
Ang tagapaglingkod ng mortgage ninyo ay ang company na pinadadalahan ninyo ng bayad sa mortgage ninyo bawat buwan. Ito ang kailangan ninyong kausapin ukol sa mga pagpipilian para sa kaluwagan sa mortgage ninyo.
Kung hindi ninyo alam o hindi maalala sino ang kasalukuyang naglilingkod sa mortgage ninyo, may ilang paraan upang alamin, kabilang ang pagtingin sa inyong kwenta ng mortgage para sa information pampag-uugnay.
Alamin kung sino ang may-ari o naglilingkod sa mortgage ninyo
2. Tingnang kung ang nag-aalalay sa mortgage ninyo ay Fannie Mae, Freddie Mac, o ang federal na pamahalaan
Karapat-dapat ang mga may-ari ng tahanan para sa forbearance sa kahirapan ng COVID at kinukupkop ng pangsamantalang pagtigil ng mga pagremata. Tumutukoy ito kung ang mortgage ninyo ay inaalalayan ng HUD/FHA, USDA, VA, o Fannie Mae o Freddie Mac. Nararapat ang mga mortgage ng pinakamaraming may-ari ng tahanan. Maaari nag-aalok ang mga tagapaglingkod ng katulad na pagpipilian pang-forbearance para sa mga utang ng hindi inaalalayan ng Fannie Mae, Freddie Mac, o ang federal na pamahalaan.
Kung hindi ninyo alam kung sino ang nag-iinsure o nag-aalalay sa mortgage ninyo, maaari ninyong tawagan ang tagapaglingkod ninyo o tingnan iyon link sa nauuna. Dapat ipagkaloob ng tagapaglingkod ang pangalan, address, at telephone number ng sino ang may-ari, nag-iinsure, o nag-aalalay sa utang ninyo. Maaari din malaman ninyo sa mga document at note ng mortgage ninyo.
Hanapin ang higit pang information ukol sa uri ng utang ninyo
Ibabaling kayo ng mga link [pang-ugnay sa online] na ito upang makakuha ng higit pang information tungkol sa uri ng utang ninyo, gayon din information “pampagtuklas ng utang”.
3. Siyasatin kung nag-aalok ang state ninyo ng mga karagdagang pagpipilian pangkaluwagan sa mortgage.
Maraming state ang nagpapatupad o pinag-iisipan ang iba-ibang pagpipilian pangkaluwagan sa mortgage, kabilang ang pagbitin ng pagremata.. Siyasatin ang website ng pamahalaan ng state ninyo para sa mga detalye .
Ano ang gagawaing sumusunod
Makiugnay sa tagapaglingkod ninyo at humiling ng forbearance.
Kumuha ng pagtulong ng dalubhasa
Makiusap sa isang tagapayong pampamamahay
Para sa pagtulong na makiusap sa taga-service ng mortgage ninyo, o maintindihan ang mga pagpipilian ninyo, makiugnay sa isang agency na pampagpayong pampamamahay na pinatibayan ng HUD sa inyong pook. Maaaring magbuo ang mga tagapayong pampamamahay ng isang pasadyang plano ng pagkilos at tulungan kayong makitungo sa mortgage company ninyo, na libre sa inyo.
Makiusap sa isang attorney
Kung kailangan ninyo ng attorney, maaaring may mga magpagkukunan na makakatulong sa inyo, at maaari kayong karapat-dapat para sa libreng paglilingkod ng legal aid. Kung servicemember [nasa military] kayo, dapat kayong magsangguni sa inyong local na Legal Assistance Office.
Magsampa ng reklamo
Kung may reklamo kayo sa inyong mortgage o planong pang-forbearance, ipahayag sa amin ang inyong usapin—ipapadala namin sa company at magsisikap na makakuha ng sagot, sa karaniwan sa loob ng 15 na araw.