Skip to main content

Patuluyin ang inyong forbearance [pagtitiis ng nahuling bayad]

Kung pumasok kayo sa forbearance sa ilalim ng CARES Act at nakakaranas pa rin ng kahirapang pampananalapi dahil sa pandemic, maaaring may-karapatan kayo na humingi at makatanggap ng isang extension [pagpapatuloy]. Hindi ito mangyayari nang kusa—kailangan ninyong hingin sa inyong tagapaglingkod ng mortgage.

Kung mayroon na kayong planong forbearance at kailangan ninyo ng higit pang panahon, maaari kayong humingi ng extension.

Kung naka-seguro ang inyong mortgage o inaaalalayan ng Fannie Mae, Freddie Mac, o ng federal na pamahalaan, maaaring may-karapatan kayo sa isang extension kung hihilingin ninyo ito.

Kung ang nag-aalalay sa mortgage ninyo ay Fannie Mae o Freddie Mac

Maaaring kayong humiling ng dalawang karagdagang tatlong-buwan na mga extension, hanggang sa pinakamatagal na 18 na buwan na total forbearance. Ngunit upang maging karapat-dapat, dapat kayong nasa isang kasalukuyang planong forbearance simula noong February 28, 2021. Tingnan sa inyong tagapaglingkod ang tungkol sa mga magagamit na pagpipilian.

Kung ang nag-aalalay sa inyong mortgage ay HUD/FHA, USDA, o VA

Maaaring kayong humiling ng hanggang dalawang karagdagang tatlong-buwan na mga extension, para sa hanggang pinakamatagal na 18 na buwan na total forbearance. Ngunit upang maging karapat-dapat, dapat kayong humiling ng isang planong forbearance noong o bago June 30, 2020. Tingnan sa inyong tagapaglingkod ang tungkol sa mga magagamit na pagpipilian.

Dapat kayong makiugnay sa inyong tagapaglingkod upang matanggap ang extension

Hindi lahat ng nangutang ay magiging marapat para sa extension ng pinakamatagal forbeasrance sa mortgage. Siyasatin sa inyong tagapaglingkod ang tungkol sa mga magagamit na pagpipilian.

Kung wala kayong utang na inaalalayan ng Fannie Mae, Freddie Mac, o ng federal na pamahalaan – o hindi kayo tiyak – maaari din ninyong mapagpatuloy ang inyong forbearance. Maraming mga tagapaglingkod ang nag-aalok ng katulad na mga pagpipilian sa pagpapaluwag sa mortgage sa lahat ng mga may-ari ng bahay. Gawin ang susunod na hakbang at makipag-usap sa inyong tagapaglingkod ng mortgage o sa isang ahensyang nagpapayong pampamamahay na pinatibayan ng HUD.

Ano ang susunod na gagawin

Maghanda para sa pagtatapos ng inyong forbearance period. Alamin ang tungkol sa mga pagpipilian para sa muling pagbayad sa nakaligtaang mga bayad.

Kumuha ng pagtulong ng dalubhasa

Makiusap sa isang tagapayong pampamamahay

Para sa pagtulong na makiusap sa taga-service ng mortgage ninyo, o maintindihan ang mga pagpipilian ninyo, makiugnay sa isang agency na pampagpayong pampamamahay na pinatibayan ng HUD sa inyong pook. Maaaring magbuo ang mga tagapayong pampamamahay ng isang pasadyang plano ng pagkilos at tulungan kayong makitungo sa mortgage company ninyo, na libre sa inyo.

Makiusap sa isang attorney

Kung kailangan ninyo ng attorney, maaaring may mga magpagkukunan na makakatulong sa inyo, at maaari kayong karapat-dapat para sa libreng paglilingkod ng legal aid. Kung servicemember [nasa military] kayo, dapat kayong magsangguni sa inyong local na Legal Assistance Office.

Magsampa ng reklamo

Kung may reklamo kayo sa inyong mortgage o planong pang-forbearance, ipahayag sa amin ang inyong usapin—ipapadala namin sa company at magsisikap na makakuha ng sagot, sa karaniwan sa loob ng 15 na araw.