Skip to main content

Iwasan ang foreclosure

Kung nag-aalala ka na mawala ang iyong bahay, hindi mo kailangang harapin ito mag-isa. Kontakin ang isang HUD-approved housing counseling agency upang makatanggap ng libreng tulong galing sa mga eksperto para maiwasan ang foreclosure.

Ang foreclosure ay kung kailan kinukuha ulit ng lender ang property pagkatapos pumalya ang homeowner sa pagbayad ng mortgage.

Nag-iiba ang proseso ng foreclosure depende sa state. Sa ilang mga state, kailangang pumunta ang lender sa korte upang i-foreclose ang iyong property (judicial foreclosure). Sa ibang mga state naman, hindi kailangang dumaan sa korte (non-judicial foreclosure). Karaniwang kailangang sabihan ang mga borrower bago simulant ng lender o servicer ang proseso ng foreclosure. Sa ilalim ng batas pederal, hindi maaaring simulant ng servicer ang foreclosure hangga’t mahigit 120 araw na past due ang iyong loan. Maaaring may mga exception depende kung mayroon kang forbearance o kaya ibang mortgage relief (karaniwang tinatawag na “loss mitigation programs”).

4 na Hakbang upang Iwasan ang Foreclosure

Proteksyon sa Foreclosure

Simula ng August 31, 2021, hindi maaaring simulan ng mga servicer ang proseso ng foreclosure bago ng January 1, 2022, bago ka nila kontakin at i-evaluate ang iyong kumpletong aplikasyon para sa iyong mga opsyon upang maiwasan ang foreclosure.

Kung kokontakin ka ng iyong servicer sa katapusan ng iyong forbearance, kailangan nilang banggitin:

  • Ang petsa ng katapusan ng iyong forbearance
  • Ang mga opsyon mo upang mabayaran ang mga missed payment at maiwasan ang foreclosure
  • Impormasyon para sa libreng housing counseling service para sa karagdagang suporta

Maaaring mag-apply ang mga exception, kaya siguraduhing tuloy-tuloy sa pakikipag-ugnayan sa iyong mortgage servicer. Kung iniiwasan mo ang kanilang mga tawag, maaaring lalong bumilis ang proseso ng foreclosure. Halimbawa, maaaring simulant ng servicer ang proseso ng foreclosure pag hindi ka nila makontak pagkatapos ng 3 sunod-sunod na buwan.

Sinususpend o tinitigalan ang foreclosure ng mga foreclosure moratorium.

Kung suportado ng Fannie Mae, Freddie Mac, HUD/FHA, USDA, o VA ang loan mo, hindi pwedeng magsimula ng proseso ng foreclosure ang iyong lender o loan servicer hanggang July 31, 2021.

Simula noong March 18, 2020, Pinagbabawalan ng Fannie Mae at Freddie Mac, HUD/FHA, VA, at USDA ang pagsisimula ng judicial o non-judicial foreclosure laban sa iyo. Protektado ka sa pag-finalize ng foreclosure judgment o sale.

Kung homeowner ka na may foreclosure-related eviction, hindi ka pwedeng i-evict hanggang September 30, 2021.

Inextend din ng Fannie Mae, Freddie Mac , HUD/FHA , USDA , at VA , ang moratorium sa foreclosure-related evictions hanggang September 30, 2021. Kahit na nawala mo ang bahay mo dahil sa isang foreclosure process, hindi ka pwedeng paalisin sa bahay mo hanggang September 30, 2021.

Kahit na nag-expire na noong July 31, 2021 ang federal foreclosure moratoriums na nag-suspend ng foreclosure, may iilang mga states at local governments na pansamantalang ipinagbawal ang foreclosures. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang website ng state government mo .

Para sa karagdagang impormasyon

Pwedeng makipag-ugnayan sa iyo ang iyong servicer para maiwasan ang foreclosure. Kung wala ka sa forbearance at nahihirapan sa iyong mortgage payment, maaari paring maging opsyon ang forbearance para sa iyo. Mahalagang kontakin agad ang iyong servicer pati na rin ang housing counseling agency.

Ang Homeowner’s Guide to Success ay nagpapaliwanag ng batas pederal at kung ano ang gagawin kung hindi mo mabayaran ang iyong mortgage.

Humingi ng tulong sa mga eksperto

Kumausap sa isang housing counselor

Kung kailangan mo ng tulong makipag-ugnayan sa iyong mortgage servicer o kung mas gusto mong maintindihan ang iyong mga opsyon, kontakin ang isang housing counseling agency sa lugar mo na aprubado ng HUD. Maaari kang tulungan ng mga Housing counselor upang gumawa ng plano at makipag-ugnayan sa iyong mortgage company, sa libreng halaga.

Kumausap sa isang abogado

Kung kailangan mo ng abogado, maaari may mapagkukunan ka ng tulong; maaaring kang ma-qualify para sa libreng serbisyong legal sa tulong ng isang legal aid. Kung ikaw ay isang servicemember, maaari kang kumonsulta sa iyong lokal na Legal Assistance Office.

Magsumite ng reklamo

Kung mayroon kang reklamo sa iyong mortgage o forbearance plan, maaaring kontakin kami—makikipag-ugnayan kami sa mortgage company at susubukan naming i-resolba ang iyong problema, karaniwang sa loob ng 15 araw.