Tulong para sa mga may-ari ng tahanan
Mayroon ba kayong problema sa mga bayad sa mortgage dahil sa kahirapan kaugnay sa COVID-19? Kung ganoon, hindi kayo nag-iisa. Kunin ang tulong na may-karapatan kayo.
Na-update na ang nilalaman na ito sa Ingles, Malapit nang ma-update ang pagsasalin na ito.

Tungkol sa mortgage forbearance [pagtitiis ng nahuling bayad]
Forbearance ang tawag kung pahihintulutan kayo ng inyong tagapaglingkod ng mortgage o nagpapautang na ihinto o bawasan ang inyong pagbayad sa mortgage sa panahong may-takda habang binubuo ninyong muli ang inyong mga pananalapi. Matutulungan kayo ng forbearance na makitungo sa kahirapan pampananalapi, katulad ng kawalan ng trabaho o pagkabawas ng kinikita.
Hindi ibig sabihin na sa forbearance ay mapapatawad o mawawala ang inyong mga pagbabayad. Sa ilalim ng forbearance, tungkulin pa rin ninyo na bayaran ang anumang nakaligtaang mga pagbabayad, na sa pinakamadalas, maaaring mabayaran sa paglipas ng panahon o kung mag-refinance [panibagong pag-utang upang palitan ang dating utang] kayo o ipagbili ang inyong tahanan.
Paano kayo kinukupkop
Karamihang nagmamay-ari ng tahanan ang kinukupkop mula sa foreclosure at maaaring pansamantalang ihinto o bawasan ang kanilang mga pagbayad sa mortgage kung nahihirapan sila sa pananalapi.
Nakupkop kayo kung inaalalayan ng Fannie Mae, Freddie Mac, HUD/FHA, VA, o USDA ang inyong mortgage. Para sa iba pang mga utang, maaaring may mga mapagpipilian pa kayong pagpapaluwag sa mortgage sa pamamagitan ng intong mortgage loan services o mula sa inyong state, kahit na hindi inaalalayan ng Fannie Mae, Freddie Mac, o ng federal na pamahalaan ang inyong utang.
Mga hakbang na gagawin
Kung nahihirapan kayong magbayad sa inyong mortgage dahil sa pandemic, sundan ang mga sumusunod na hakbang sa paghinto o pagbawas sa inyong mga pagbayad.
- Alamin ang tungkol sa forbearance
- Hanapin ang inyong tagapaglingkod
- Humiling ng forebearance
- Pagpapatuloy ng inyong forbearance
- Bayaran ang inyong forbearance
- Kumuha ng tulong sa Homeowner Assistance Fund
Kung mayroon kayong reverse mortgage, alamin ang higit pa tungkol sa mga pagkupkop ng reverse mortgage.
Kumuha ng pagtulong ng dalubhasa
Makiusap sa isang tagapayong pampamamahay
Para sa pagtulong na makiusap sa taga-service ng mortgage ninyo, o maintindihan ang mga pagpipilian ninyo, makiugnay sa isang agency na pampagpayong pampamamahay na pinatibayan ng HUD sa inyong pook. Maaaring magbuo ang mga tagapayong pampamamahay ng isang pasadyang plano ng pagkilos at tulungan kayong makitungo sa mortgage company ninyo, na libre sa inyo.
Makiusap sa isang attorney
Kung kailangan ninyo ng attorney, maaaring may mga magpagkukunan na makakatulong sa inyo, at maaari kayong karapat-dapat para sa libreng paglilingkod ng legal aid. Kung servicemember [nasa military] kayo, dapat kayong magsangguni sa inyong local na Legal Assistance Office.
Magsampa ng reklamo
Kung may reklamo kayo sa inyong mortgage o planong pang-forbearance, ipahayag sa amin ang inyong usapin—ipapadala namin sa company at magsisikap na makakuha ng sagot, sa karaniwan sa loob ng 15 na araw.