Ano ang gagawin sa panahon ng forbearance
English | Español | 繁體中文 | 简体中文 | Tiếng Việt | 한국어 | اَلْعَرَبِيَّةُ
Habang nasa forbearance ka, mahalagang manmanan ang iyong utang at maging handang kumilos kapag malapit na ang pagtapos ng panahon ng forbearance. Makipag-ugnayan sa iyong tagapagserbisyo upang palawigin ang iyong forbearance o bumuo ng plano para bayaran ang iyong mga nalampasang pagbabayad.
Na-update na ang nilalaman na ito sa Ingles, Malapit nang ma-update ang pagsasalin na ito.
Nasaan ka sa proseso?
Kapapasok pa lang sa forbearance
Kailangan ng marami pang oras
Handa nang lumabas
Mga Tagapayo sa Pabahay
Maaari kang makipag-ugnayan sa isang tagapayo sa pabahay na aprubado ng (HUD) ng Kagawaran ng Pag-unlad ng Pabahay at Lungsod ng U.S. (U.S. Department of Housing and Urban Development) para pag-usapan ang proseso ng forbearance at ang iyong mga pagpipilian.
Humanap ng tagapayo sa pabahay
Makipag-ugnayan sa iyong tagapagserbisyo kung kailangan mo ng pagpapalawig ng forbearance
Sa ilalim ng CARES Act, mayroon kang karapatan sa pagpapalawig ng forbearance ng hanggang karagdagang 180 araw kung mayroon kang mortgage na sinusuportahan ng federal o GSE (na aabot sa hanggang 360 araw). Dapat kang makipag-ugnayan sa iyong tagapagserbisyo upang matanggap ang pagpapalawig.
Kung wala ka sa isang utang na saklaw ng CARES Act, o hindi sigurado, maaari mo ring palawigin ang iyong forbearance. Maraming tagapagserbisyo ang nag-aalok ng parehong mga pagpipiliang tulong sa mortgage sa lahat ng may-ari ng bahay. Gawin ang susunod na hakbang at makipag-usap sa iyong tagapagserbisyo ng mortgage o isang tagapayo sa pabahay na aprubado ng HUD.Ano ang gagawin pagkatapos mong pumasok sa forbearance
Nalalapat ang payo na ito sa parehong forbearance ng CARES Act at iba pang tulong sa mortgage na maaari mong matanggap.
- Itigil o palitan ang mga kusang pagbabayad ng iyong mga mortgage. Kung ang iyong pagbabayad ng mortgage ay kusang ibabawas sa iyong account sa bangko, tiyakin na gumawa ka ng anumang kinakailangang pagbabago para maiwasan ang anumang bayarin o singilin.
- Bigyang-pansin ang iyong buwanang pahayag ng mortgage. Patuloy na manmanan ang iyong mga buwanang pahayag ng mortgage upang siguraduhin na wala kang nakikitang anumang pagkakamali.
- Bantayan ang iyong kredito. Magandang ideya na ugaliing tingnan ang iyong mga ulat ng kredito upang siguraduhin na walang pagkakamali o hindi tumpak. Maaari mong tingnan ang mga ito nang lingguhan nang libre hanggang Abril 2021. Maaaring iulat ng mga tagapagserbisyo na nasa forbearance ang iyong account. Gayunman, kung bayad ka sa iyong account at nakatanggap ng tulong ayon sa tinukoy ng CARES Act, kailangang iulat ng iyong tagapagserbisyo o nagpapautang na bayad ang iyong account. Kung huminto kang magbayad ng mortgage nang walang kasunduan sa forbearance, iuulat ng tagapagserbisyo ang impormasyong ito sa mga kompanya na nag-uulat ng kredito, at maaari itong magkaroon ng pangmatagalang negatibong epekto sa iyong kasaysayan ng kredito. Gayunman, kung may nagawang pagkakamali, maaari mong tutulan ito.
Kumuha ng marami pang impormasyon tungkol sa kung paano pangalagaan ang iyong kredito sa panahon ng pandemya ng coronavirus. - Dapat patuloy na nababayaran ang iyong mga buwis sa ari-arian at insurance kung may escrow account ang iyong mortgage, ngunit maaaring gusto mo munang patunayan ito sa iyong tagapagbigay ng serbisyo. Kung walang escrow account ang iyong mortgage, magiging tungkulin mo ang mga pagbabayad na ito pati na rin ang mga bayarin sa HOA at condo sa panahon ng forbearance. Maaaring may kakulangan sa escrow [pondong pinagagasiwaan ng iba] kapag umalis ka sa forbearance. Talakayin sa iyong tagapagserbisyo ang iyong mga posibleng pagpipilian.
Makipag-ugnayan sa iyong tagapagserbisyo kung kailangan mo ng pagpapalawig ng forbearance
Sa ilalim ng CARES Act, mayroon kang karapatan sa pagpapalawig ng forbearance ng hanggang karagdagang 180 araw kung mayroon kang mortgage na sinusuportahan ng federal o GSE (na aabot sa hanggang 360 araw). Dapat kang makipag-ugnayan sa iyong tagapagserbisyo upang matanggap ang pagpapalawig.
Kung wala ka sa isang utang na saklaw ng CARES Act, o hindi sigurado, maaari mo ring palawigin ang iyong forbearance. Maraming tagapagserbisyo ang nag-aalok ng parehong mga pagpipiliang tulong sa mortgage sa lahat ng may-ari ng bahay. Gawin ang susunod na hakbang at makipag-usap sa iyong tagapagserbisyo ng mortgage o isang tagapayo sa pabahay na aprubado ng HUD.
Paano bayaran ang forbearance
Bago matapos ang panahon ng forbearance, kailangan mo makipagkasundo sa iyong tagapagbigay ng serbisyo para bayaran ang anumang halagang ibinitin o inihinto.
Hindi kailangang bayaran ng mga may-ari ng bahay na tumatanggap ng forbearance sa ilalim ng CARES Act ang mga nalampasang pagbabayad sa kabuuang halaga sa sandaling magtapos ang panahon ng forbearance.
Karaniwan, may ilang iba't ibang paraan na mababayaran ng mga umuutang ang kanilang mga nalampasang pagbabayad. Gayunman, nag-iiba-iba ang paraan ng muling pagbabayad depende sa iyong utang at ang ibinigay na pagkupkop. Hindi magiging karapat-dapat ang lahat ng umuutang para sa lahat ng pagpipilian. Itanong sa iyong tagapagserbisyo ang tungkol sa kung ano-anong pagpipilian ang magagamit mo.
- Maaaring tama para sa iyo ang isang plano ng muling pagbabayad kung abot-kaya mong magbayad nang mahigit sa iyong bayad sa regular na mortgage sa loob ng ilang buwan hanggang mabayaran ang iyong mga nalampasang pagbabayad.
- Maaaring tama para sa iyo ang isang pagpapaliban o bahagyang claim kung maitutuloy mo ang iyong mga regular na pagbabayad ngunit hindi abot-kayang dagdagan ang iyong mga pagbabayad. Magagawa ng mga pagpipiliang ito na matapos ang iyong mga nalampasang pagbabayad o ilagay ang mga ito sa isang junior lien [pangalwang mortgage] na muling mababayaran kapag muli mong iniutang, ibinenta, o tinapos ang iyong mortgage.
- Maaaring tama para sa iyo ang isang pagbabago kung hindi mo na kaya ang regular na pagbabayad ng iyong mortgage. Maaaring mapababa ang iyong pagbabayad sa abot-kayang halaga at idaragdag ang iyong mga nalampasang pagbabayad sa halaga na pagkakautang mo. Maaari ding mas mababa ang iyong mga buwanang pagbabayad, ngunit maaaring mas matagal upang mabayaran ang iyong utang.
- Maaaring tama para sa iyo ang isang reinstatement (kabuuang halaga) kung gusto mong bayaran kaagad ang lahat ng iyong nalampasang pagbabayad. Para sa karamihang utang, hindi maaaring hingin sa iyo ng mga tagapagserbisyo na magbayad ka ng kabuuang halaga. Kaya, kung ang muling pagbabayad ng kabuuang halaga lang ang marinig mo, itanong ang tungkol sa iba pang pagpipilian.
Gaya ng maaaring magkaiba ang forbearance sa pagitan ng sinusuportahan ng federal na mga ahensya o entidad, gayundin ang muling pagbabayad ng mga forbearance. Nagbibigay ang sumusunod na impormasyon ng ilan sa mga partikular na pagpipilian sa muling pagbabayad na iniaalok ng bawat ahensya. Kung mayroon kang utang na FHA, VA, o USDA, tingnan ang pahina ng impormasyon tungkol sa forbearance para sa mga umuutang.
Magsampa ng reklamo
Kung may problema ka sa isang produkto o serbisyong pampananalapi ng consumer, maaari mong subukan munang makipag-ugnayan sa kompanya. Karaniwang masasagot ng mga kompanya ang mga tanong na natatangi sa iyong kalagayan at mas tangi sa mga produkto at serbisyong iniaalok nila. Maaari ka rin naming matulungan na makiugnay sa kompanya kung may reklamo ka. Maaari kang magsampa sa CFPB online o sa pagtawag sa (855) 411-2372.